Bakit maraming Pinoy ang hirap humingi ng tulong para sa mental health? | Need to Know

preview_player
Показать описание
Warning: Tinatalakay sa video na ito ang usapin ng mental health

Ayon sa isang pag-aaral ng World Health Organization Special Initiative for Mental Health, aabot sa 3.6 million na Pinoy ang nakakaranas ng mental disorder. Sa bilang na 'yan kakaunti ang nagpapatingin o kumokonsulta. Ang isang nakikitang dahilan, ang stigma na nakakabit sa mga sakit na ito.

Isang seryosong usapin ang mental health na dapat nating tutukan. Bakit ba maraming Pinoy ang hirap humingi ng tulong para sa mental health? Ang mga dapat ninyong malaman, panoorin sa video na ito.

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:

Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Toxic positivity + lack of awareness + expensive ang medication + judgemental na mahilig mang invalidate ang karamihan

sophia
Автор

May mga relatives kasi na di inintindi na may Sakit sa pagiisip ang mga mahal nila sa buhay. Ako nga nagkaroon ng sakit sa pagiisip dati pero banayad lang but still kinikimkim ko dahil alam Kong magagalit lang ang magulang ko sa akin pag nilabas ko ito.

thegreat
Автор

Hirap din kasi sa karamihan ng mga tao ngayon, hindi mapag-pasensya sa kung anong nakikita/naririnig nila sa ibang tao. Kaya nauuna agad ang salita bago ang aksyon dahil mas madali nga naman 'yon gawin; parang pag-aaral sa school, kaya rin siguro dumami populasyon. Tsaka, baka sila din kasi mismo, may underlying weakness sa pag-iisip nila o sadyang denial nga talaga if nagagawa naman nila makipag-socialize araw-araw para magkaroon ng income. Ma-pride lang sila pagka ganon..

m_christine
Автор

Dahil judgemental ang karamihan kesa supportive

roseayie
Автор

Mental health will always be such an important topic.

wellbodisalone
Автор

Hello diagnose po ako nang mine depression dis order, nagsimula sya nung 12 ako hanggang sa mag 16 kahit ayaw ko mas isip kusa syang pumapasok saking isipan. Minsan iiyak nlng ako dahil umaabot na minsan 3 days walang tulog, naiisip kong mag suicide kasi hirap makatulog. Hanggang 2017 ma diagnose nga ako na meron nito. Ngayon 27 na ako, minsan nlng magpunta sa psychiatrist kasi may kamahalan ang gamot, hindi naman ako maunawaan ng aking pamilya. Minsan nga tatawanan ka pa, masyado raw ako o, a kaya sinasari ko nalang sya.. pero laban lang talaga

jovanielacson
Автор

Talamak ang chismis. Imbis na support paninira sa kapwa ang ginagawa. Toxic traits of filipino. Minsan family mo pa ang mag dq down sau at mahal ang mag hingi tulong sa doctor.

dadandsoladventures
Автор

Pag ganito ang sakit mo
Mag eenjoy ang mga
Perpektong tao na
Pagmasdan ka habang na hihirapan
Tuwang tuwa sila sa na kikita nila
Palibhasa
Wala sila sa sitwasyon
Pag nag ka roon k ng ganyang sakit
Walang katapusang
Impiyerno ang mararanasan mo
Hanggat buhay ka
Ma swerte k n lng kung
Atakihin ka sa puso
Para makatakas n
Sa impiyernong
Buhay na yan

wendrossalazar
Автор

Yung iba kc ayaw rin aminin meron sila & they have also in it fault. Acceptance is the 1st step.

daddada
Автор

I was diagnosed with Bipolar Disorder 1. Napakahirap ng 20 years na suffering. Lalo na magulang mo ang nagtanim. Now I am under medication at may time sobrang malakas side effect ng gamot.

goriotv
Автор

Children should be protected from narcissistic parents or guardians...

lilac
Автор

I never thought this would be real in my family.That being said with my mother in law.

jb-sjtd
Автор

Bullying is the nomberone issues kung bakit nagka mental health ang tao at isa ako sa may mental health issues pero nillabanan ko.

JEZER
Автор

Hindi ako humihingi ng tulong dahil nagagalit ang magulang ko na maisiwalat na sila ang naging dahilan kung bakit ako nahihirapan mentally.

phoebegracen
Автор

sa pinas talaga walang sumiseryoso ng mental health kkainin ka ng buhay ng bullies growing up is so hard para sakin learning difficulties sa school diko maintindihan bat ganon para kang iba sa mga kasama mo u can never be yourself tingin nila sayo di normal you get pick on everytime hirap lumaban sa buhay you dont want to get out sa comfort zone mo parang u want to please other people para di ka i judge. until now i pray to god give me strenght to overcome this.

micolangottv
Автор

Paano ka hihingi dito sa Pinas bawat galaw mga gamot ang mahal

jerichorodavia
Автор

Ako ay nakakaranas ng Mental Illness, gusto kong humingi ng tulong sa mga eksperto pero wala akong pera pang bayad. Sana may makita akong libremg tulong sa mga taong gaya ko.

Feeling ko minsan magiging serial killer nako. 🤷🏽‍♂️

Naiisip ko rin na sana matuloy na ang gera para matapos na kaligayahan ng mga taong nasa likod ng mga taong naghihirap.

Napakadami kong naiisip na masama dahil sa problema ko sa pag iisip.

rvsilence
Автор

Panahon na para mawala ang stigma sa mental health sa mga pilipino at maglaan naman sana ng malaking budget ang gobyerno para matulungan ang mga pilipinong dumaranas ng mga ganitong karamdaman.

enriquewilliams
Автор

mahirap talaga my mental health gaya ko hindi ko makontrol ang pag iisip ng mga negative sobra sakit sa ulo tapos reaction ng muka ko kala mo galit pero sa puso ko hindi naman ako galit isip ko lang talaga ang nag papahina saken hanggang sa minsan ayaw ko na lumabas kc feelling ko lahat ng makakasalamuha kong tao galit saken tulong naman po

alvinmontas
Автор

WHEN LIFE GETS HARDER CHALLENGE OURSELVES TO BE STRONGER

davidasurto