Bakit Pag Empleyado, Ang Hirap Yumaman? | RDR Live

preview_player
Показать описание
#RDRTalks #RDRLive #business

"Hindi Mali ang negosyo, Mali ka lang na may-ari sa negosyo,
kasi complacent ka!"

Follow us now:

SPECIAL THANKS TO:

JOIN IN OUR FB GROUP:

For collaboration:
Contact us: 0917 668 4892
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Hirap maging empleyado real talk. 3 years na ko dito sa abroad binata ako malaki sahot pero walang natitira. Bakit? Obligasyon sa pamilya, nagbibigay ako sa mga magulang at kamag anak ko. Gastusin sa pang araw araw ko, bayarin sa loob ng isang buwan. Luho ko pa. Ps wala akong bisyo. Men ang hirap promise. Yung gusto ko ng magsimula ng negosyo pero kulang yung ipon ko. Sa 3 years ko na nag work dito sa abroad kung nag damot ako sa pamilya ko may anim na milyon na ko. Legit yan. Ang kaso pag ginawa ko yun oo mayaman ako pero tinakwil na ko panigurado ng pamilya ko. Ngayon eto parin ako empleyado parin. Nakakaipon na ko paonte onte kahit papaano ng pang negosyo ko soon. Mahirap pero kelangan mag pursige. Kasi mas mahirap maging empleyado habang buhay kesa sumubok ngayon habang maaga pa. Mas maigeng mag fail ng ilang beses ng maaga pa kasi naniniwala ako sa kasabihan na the more you fail the more you become successful. Walang masam sa pagiging empleyado guys pero ang masama eh sasayangin mo yung buhay sa sa pag tatrabaho para sa ibang tao. Isipin mo mas okay mapagod at mag puyat sa sarili mong negosyo.

yanagiferrer
Автор

Nag start ako Ng business during covid. Lahat tiniis ko. Nag utang, para may capital. Dati ako ofw. May 100k ako na ipon during covid. Nag for good na ako. Pero dumating Ang covid. 1 month to 3 months may pang gastus. Pero pang 4 month, kinabahan na ako, kasi, paano na paubos na ang ipon. Kaya naglakas loob ako mag business. And may edad na din ako 50 years old. Yong nautang ko. Pang down payment sa maliit na truck, bahala na. Naglipat bahay, kmi Ng mga anak ko during covid. Nakaka 5 to 7 schedule kami per day. Pero Minsan, Wala. Kaya naisip ko na saan pa magagamit Ang truck, yong ibang Kita sa lipat bahay. Bumili kami Ng scaffolding 20 sets. May mga nag rent Naman. Pero madalas Isang tao or 2 lang mag rent, ubos na. Kaya mag utang nanaman kmi for additional capital. Fast forward after 2 years. More than 6 digit na Ang income per month, tinigil na din Ang lipat bahay, pulos scaffolding na ang schedule. Lalakasan Lang talaga Ng loob. And take note. Bakit kami lumaki. Kasi sweldo Lang Ang kinukuha naming mag Asawa sa business namin. Malaking bahagi, dagdag sa capital at pambayad Ng utang.

jeffreyfuentestv
Автор

Kahit di tau yumaman basta ang mahalga ligtas tayo😊 Repent and believe the Gospel of Jesus Christ❤️

selahelove
Автор

Ngayon pa lang mag 2 years na ako sa company.mindset ko noon once na magkawork ako magiipon agad para sa business na gusto ko, di ko nakikita yung sarili ko na aabot ng 5 years bilang empleyado. Soon maitatayo ko na yung mini repair shop ko 🙏🏼

MWF
Автор

My husband he's been employed for almost 15years in the government/job order but still we're still starving in the sense that we're financially unstable.we start our own business since 2014 ..until now our business still in progress... there's a big difference between an employee and a businessman..pag mag business pala Tayo mas multiple ung Kita or income natin..di tulad sa employee ka lng..even how hard you do your part as an employee in parin sahod mo😔and my husband and I we're happy what we become right now❤️

cristinalim
Автор

Ito yung sinabi sakin ng isa kung boss mag aabroad ka.Para anu maghihintay sila dito sa Pilipinas ng padala mo, ikaw ang aasahan ng lahat.Ikaw ang mag sacrifice sa ibang bansa tapos sila dito lulustay ng pera na pinapadala mo.Kailangan turuan mo sila kung paano mangisda hindi yung lagi sila bigyan ng isda.

Libra
Автор

Marami akong natutunan sa iyo, at mukhang magbabago ang mindset ko dahil sa iyo. Inaamin ko na isa akong empleyado. Pero alam mo rin na ang buhay ay maikli lang. Alam mo rin na hindi madadala sa hukay ang yaman. Pero alam mo rin ba na ang pinaghirapan mong makamtan ay panandalian lamang sa iyo? Sa madaling sambit hindi rin magtatagal ang taglay mong yaman, hiniram mo lamang sa Dios ang taglay mong yaman at kahit hininga mo ay hindi rin yan sa iyo, hiniram mo rin iyan. At isa pa hindi ka makukuntinto, gusto mo pang magpayaman na magpayaman. Kasi ang totoo, hindi tunay na kaligayahan ang pera. Wala sa mundong ito ang tunay na kaligayahan. Hindi mo puweding pagsabayin ang pera at paglilingkod sa Dios, dapat una sa lahat ang Dios. Dahil hindi maaaring maglingkod ng sabay sa dalawang Panginoon. Kailangan isa lamang ang pagpilian mo. Hindi naman sa minamali kita, bagkus ay marami akong natutunan sa iyo. Sa sinabi mo sa video ay puwede namang pagsabayin ang paglilingkod sa Dios at ang pagpapayaman. Parang sinabi mo na ring dalawang Panginoon ang sinasamba mo. Dapat isa lang. Ang tamang bigkas dapat ay ilagak mo sa Dios ang iyong kapalaran at lubos kang magpakumbaba sa kanya. Tiyak pagpapala ang makakamtan mo. Malaki man o maliit ang nakamtan mong pagpapala, dapat mo itong labis na ikagalak. Dahil ang Dios ang nagbigay nito sa iyo.

enzodee
Автор

Your success of being an employee depends on what kind of employee you are and spending habits you have...I'm an employee too, and owns a P37M property away from the toxic city life.and maintains a fat bank account...if you want to be wealthy be financially disciplined...avoid parties and never buy a car because it only drains your precious cash down the toilet...life's simple, don't make it complicated...

wednesdayaddams
Автор

Masarap pakinggan Ang ganitong lecture, Kasi na iintindihan ko dahil Tagalog, di Naman Kasi lahat makaka intsindi ng English kagaya ko, thank you Po sir God bless Po..

dodongv
Автор

May naging Amo ako sa hongkong May factory sila ng mga toys 6Am pa lang puma pasok na sa office pag dating ng 5pm nag tuturo sa school Sa mga panggabing studyante. Imagine CEO na xia May sideline pa na work sa gabi.kumikita na YAN ng 1M Hk dollars isang buwan pero nag wowork pa ng iba.

celina
Автор

Tama!!! 75% ng mga Pilipino Crab-minded kaya, walang respeto sa mga negosyante. Katulad ko na isang Jokes Book Author, sobrang daming rejections kahit ipapakita ko Lang ang libro ko, waving hands. Nakakainis!!! Ok lang na hindi bumili basta, pansinin man Lang ang Author by looking at my book

antontiongson
Автор

Buhay ofw the higher the salary the higher Ng expenses...kaya kilangan natin mag higpit sinturon kasi di habang Buhay malakas tayo..hoping before matapos kontrata makaipon ulit para start negosyo grabi talaga panahon ngayon hirap pag di tayo madiskarti...kaya lagi Ako nanood videos para ma guide Ako financially ❤❤

jenniferbulangkeg
Автор

Totoo, walang mangyayari sa buhay mo kapag employee ka lang, dapat mamulat ka at kailangan ikaw naman ang kumilos para magkaroon ka ng negosyo na ikaw naman ang magpapasweldo sa mga employee

jhaslynsaron
Автор

Very well said sir, I'm an employee for 30years...Wala nangyari SA buhay ko, hndi ako nawawalan ng utang, nangugupahan, hndi man lng ako MAKABILI NG bagong damit na branded puro galing lng SA ukay...hndi ko manlng mabilhan NG regalo mga anak ko Kung pasko...pero ngayon nagdesisyon ako umuwi NG probinsya, at nagtayo NG sarili sarisari store...thanks God, kahit papaano lagi may laman pera mga wallet ko, nabibili ko na mga gusto ko, nakakaipon pa ako kahit pakonti konti...,

maryannmerelos
Автор

As a 17 years old i have many lesson learn and give me a lot of knowledgeable in this kind of content

kairuofficial
Автор

Swerti ko talaga ngayon dahil natagpuan ko tong channel na nagbibigay ng guide para maging matagumpay na negosyante.
Hindi ko na kailangan pang mag attend ng seminar na napakamahal ang bayad.
Maraming salamat Sir Reymond sa pag upload nito.

GOLDENWORKSTV
Автор

Salamat youtube suggestion .
Hindi ako negosyante pero tinapos ko talaga video na ito dami ko po natutunan. Nakaka sawa na din maging employees, time will come malay natin tayo na maging boss basta Focus lang sa Goals.❤️🙏🙏🙏

tagasmile
Автор

Sa lahat ng OFW baka makatulong ako.

Salamat RDR.

arjayconcepcion
Автор

Real talk talaga....ganyan din ang thinking ko before pero nung napunta ko dito sa Canada nagbago ang lahat...dito bata pa lang tine-train na sila maging independent. Run your own life and if you want to be successful you need to work hard for it. Thank you so much may mga ganitong talks. God bless!

rowenacandelaria
Автор

Sa sitwasyon ntin sa pinas kailangan talaga magnegosyo. Kaya nagkorea muna ako malaki ang sahod makakaipon pang negosyo... Kaya ituturo ko sa mga anak kong mga babae magTESDA related sa NEGOSYO at mamuhunan kesa magaral ng 5 years tas sasahid ka ng minimum

albertcacayan