THINK ABOUT IT by Ted Failon - Mga swapang sa pera | #TedFailonAndDJChaCha

preview_player
Показать описание
#TedFailonandDJChaCha sa 105.9 True FM at True TV Channel 19!

Ang Universal Health Care Act at ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang dapat sana'y sandalan ng mga Pilipino sa panahon ng pagkakasakit. Subalit bigo sila sa pagpapatupad ng mandatong ito.

At mas lalo pang magtitiis ang mga Pilipino sa barat na benepisyo ng PhilHealth dahil sa susunod na taon ay wala nang ilalaan na pera ang national government para sa korporasyon.

Kaltas ang budget para sa kalusugan ng mga Pilipino, pero may dagdag na bilyon-bilyong pisong pondo para sa DPWH, AKAP at nagbigay din ng dagdag panggastos para sa Kamara de Representante.

Ang ilang opisyal ng gobyerno na swapang sa pera ang dahilan kung bakit maraming hikahos na Pilipino ang hindi malaman kung saan kukuha ng pampaospital at walang magawa kundi magmakaawa sa mga pulitiko. Mga swapang na pulitiko na dahilan kung bakit ikinamamatay na lang ng iba ang paghihintay sa pambayad sa ospital. Think about it.

#ThinkAboutIt #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM #TrueTV

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Siya na lng ang nag iisang matapang na di nababayaran ng salapi ang prinsepiyo. Saludo manong Ted💪👊🇵🇭

FeliciaSGTV
Автор

Sana lahat ng journalist ng tv5 e katulad ni ted failon..may paninindigan at may credibilidad af walang fake news..at hindi nababayaran ang prinsipyo..

anditejones
Автор

THANK YOU MANONG TED HINDI KA BAYARANG MEDIA DAHIL SA PAGSISIWALAT MO NG KABULUKAN NG GOBYERNO, mabuhay ka god bless you more

RhennMakeupArtistry
Автор

Sir ted kaylangan kayu sa senado for senador

RapideBustillos
Автор

Mag people power na Tayo puro nakawan na ginagawa, Yung mga nagbabayad Ng Tama hindi nakakakuha Ng tamang benipisyo

jospehinelopez
Автор

IDOL MANONG TED! sana po hindi ka magbago gaya ng mga GANID na mga Pulitiko!!!

KoyaTantyax
Автор

Napaka tindi ng admin ngayon iba na tlga ngayon kesa noon

RaskLumna
Автор

Manong Ted Failon wag kang magsawa tumulong sa amin mag ingay sa katotohanan lamang para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino

GirlieCederia
Автор

Malapit na election, sana talaga matuto na tayo. Harap harapan na ang kaswapangan ng mga politico sa ginawa sa atin, sa ginawa sa Philhealth... Anak ng tinapay tayo kung makatikim pa sila ng both natin. Maging matalino na tayo. God Bless you more Sir Ted.

romeocordero
Автор

Si Manong Ted ang galing mag komento fair at may tapang. Manong Ted ikaw na lang ang pag asa namin sa main stream media.

EdNavaleGuevar
Автор

Natatakot na kami sa future ng mga anak namin takot at gutom ang nakikiita kong kahihinatnan ng mga nangyayari

puralaxamana
Автор

Mabuhay ka Manong Ted. Godbless the Philippines

susanamagnaye
Автор

Kaya nga manong ted hindi lng un kswapangan kundi kabastusan na rin sa justice system... Dahil isinigaw n ang "AYUDA IS NOT CHARITY!IT IS JUSTICE!" MGA MAYAYAMAN TLGA sa pilipinas from congressman to president tapos mga secretary at usec anddirector ng agency

topetotversion
Автор

Ted F. is the only journalist I watch mainstream

raymondarriola
Автор

The best tlga manood d2, kesa sa Mainstream media!!! Mabuhay po kyo sir Ted at DJ Cha cha, makabayan kayong dalawa!!!

BhengCN
Автор

Ayuda is justice.
- Crocodile Martin Romauldez

Risk
Автор

Grace Poe walang pagmamahal sa mga taong bayan at walang malasakit sa tao 😢😢😢

cindyapillanes
Автор

Salamat manong Ted sa walang patid mong pangangalampag sa tiwaling gobyerno. Ikaw ang boses namin na walang tinig at walang laban sa mga taong nsa pwesto
Pagpalain ka ng Diyos manong Ted.

resalie
Автор

Prang yung pinaghirapang naipong tubig ng mamamayan, masayang pinag liliguan lng ng mga buwaya sa lipunan. Ampaw na batas sa pinas, mas mdaming kurap na pulitiko kesa matino, yung mtitino na pulitiko na- o-overwhelm lng ng power ng sabwatan ng mga buwaya na pulitko. SALAMAT sa Info manong Ted ala ka tlga kupas😉 meri Xmas po

GerardMacugay
Автор

As a former citizen that’s really sad to hear…my heart goes to all Filipino … ka ted and chacha please continue to spread and speak up … mabuhay ang program nyo

JacquelineLondres-sh