HUNG HANG - Palos x JMara x DJ Medmessiah

preview_player
Показать описание
Title - HUNGHANG
Written by Palos,JMara,Medmessiah
Produced by DJ Medmessiah
Shot by Jado
Directed by DJ Medmessiah
Executive producer Morobeats Ent.

Socials :
Palos -
JMara -
DJ Medmessiah -
Morobeats -

HUNGHANG Lyrics

Chorus
Ang dami ng mapanlinlang, depende na lang yan sa pakinabang
Mga sabik matamo, mga gustong umabot
Diyos ko po! Pinagmukha na tayong hunghang!

1st Verse

Isang pangangamusta sa mga anak
Na di malaman ang hulma ng kanilang hinaharap
Lakas pumorma animo'y nakakaakit na talulot,
Sa sitwasyon nilang daig pa bahay ng bubuyog

Kabataang di dumanas sa kalsada magtinda
Lakas loob na manira ng hanapbuhay ng iba
Sayo ako nakaharap, wag kang umastang bingi.
Perang gamit pambisyo sa nanay pa hiningi

Pinag-aral ng magulang panggugulang ang inaral.
Maaliwalas na pagmumukha skwating ang asal
Edukadong naturingan may maayos na balabal.
Pag-asa ng bayan ang pangunahing sasagabal

Misyon mong mag-ala konsi bat naging konsimisyon?
Sa pag-usad ng bansang may mataas na ambisyon
Palagay ko nga, totoo lahat ng binibiro
Kaya bayan ni Juan kasi tamad ang Pilipino

Kamusta din ang mga taong may hangarin na malinis?
Hindi halatang madumi kasi panay ang bihis
Kapag satin humarap, laging bago ang balat
Tinatago ang burdang sa atin ay nakangarat

Alagad daw ng batas, pero parang may sablay
Sa kamay nilalagay kaya merong namamatay
Ibang klaseng magsasaka sila kung di nyo napansin,
Umaani ng sagana kasi satin nagtanim

Bagong bayani kuno, nagtataguyod daw ng tama
Pag aking isiniwalat ako'y sasalo ng bala
Tapos sasabihin sakin di lahat ganyan ganon
Kung totoo, bakit di ko man lang naranasan yon?

Di naman purong banal pero kung tatanungin nyo ko,
Diyos ba ang susunod sa aral na gawa ng tao?
Pag mayaman negosyante tawag pag mahirap tulak
Benta mo palasyo mo para may pambili kang utak!

2nd Chorus

2nd Verse

#hunghang #palos #jmara #medmessiah #morobeats
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Real national artist.... Ito dapat ang sumisikat!!!! Nag aapoy bawat letra pinapaalab ang pagiging pinoy natin...., 🔥🔥🔥, 🇵🇭🇵🇭🇵🇭

jetcian
Автор

Chorus (JMara):

Ang dami nang mapanlinlang, depende nalang yan sa pakinabang

Mga sabik matamo, mga gustong umabot

Diyos ko po

Pinagmukha na tayong hunghang

Ang dami nang mapanlinlang, depende nalang yan sa pakinabang

Mga sabik matamo, mga gustong umabot

Diyos ko po

Pinagmukha na tayong hunghang

Verse 1 (Palos):

Isang pangangamusta sa mga anak

Na di malaman ang hulma ng kanilang hinaharap

Lakas pumorma animo'y nakakaakit na talulot

Sa sitwasyon nilang daig pa bahay ng bubuyog

Kabataang di dumanas sa kalsada magtinda

Lakas loob na manira ng hanapbuhay ng iba

Sayo ako nakaharap, wag kang umastang bingi

Perang gamit pambisyo sa nanay pa hinihingi

Pinag-aral ng magulang, panggugulang ang inaral

Maaliwalas na pagmumukha, skwating ang asal

Edukadong naturingan may maayos na balabal

Pag-asa ng bayan ang pangunahing sasagabal

Misyon mong mag-ala konsi bat naging konsomisyon?

Sa pag-usad ng bansang may mataas na ambisyon

Palagay ko nga, totoo lahat ng binibiro

Kaya bayan ni Juan kasi tamad ang Pilipino

Repeat chorus

Verse 2 (Palos):

Kamusta din ang mga taong may hangarin na malinis?

Hindi halatang madumi kasi panay ang bihis

Kapag satin humarap, laging bago ang balat

Tinatago ang burdang sa atin ay nakangarat

Alagad daw ng batas, pero parang may sablay

Sa kamay nilalagay kaya merong namamatay

Ibang klaseng magsasaka sila kung di nyo napansin

Umaani ng sagana kasi satin nagtanim

Bagong bayani kuno, nagtataguyod daw ng tama

Pag aking isiniwalat ako'y sasalo ng bala

Tapos sasabihin sakin di lahat ganyan ganon

Kung totoo, bakit di ko man lang naranasan yon?

Di naman purong banal pero kung tatanungin nyo ko

Diyos ba ang susunod sa aral na gawa ng tao?

Pag mayaman, negosyante tawag pag mahirap, tulak

Benta mo palasyo mo para may pambili kang utak

jenamanejero
Автор

Napaka layo ng Antas ng mga rapper na ito🔥 kumpara sa ibang mga rapper na walang ibang gustong ipagmalaki grupo nila o kaya naman nag bubuhat ng bangko para sa sarili nila.. Ito ang legit na solid pa 🔥👌 bibihara lang ang rapper na may boses para sa bayan 🔥🔥🔥 Napaka solid talaga... 👌 Aabangan ko talaga palagi yung mga kanta niyo.. Gaganda ng mensahe napaka solid🔥💯🔥💯🔥

johnmaninisid
Автор

Ang talino ng pagkakasulat. Sobrang solid ng bawat linya. Napaka-angas pero maka-buluhan ang mga salita. Isama pa ang napakagandang pagkakatugma ng mga salita. Solid 🔥. These artists deserve more recognition!

rochillenagsuban
Автор

Tagal ko naghintay ng rap artist na maglalabas ng mga makabuluhan/makabayan na rap music tulad ni sir Gloc, sa wakas may malakas na dumating.

Sana manatiling ganito yung taste nyo sa music. Wag sana sumunod sa uso. BOBO ang DEMAND ng karamihan ngayon sa music kaya puro pang BOBO rin ang SUPPLY.

Pagdating ng panahon yung ganitong music ang babalikan ng mga next generation. Solid JMara and Moro Beats! Timeless rap music.

educateyourself
Автор

Kung iintindihin mo ng mabuti yung mga liriko solid siksik lahat walang sinayang na mga segundo. At tuloy tuloy lang ang paglakad ibig sabihin abante lang ng abante, di na kelangan ng magarang mv, ito yung hinahanap ng bawat maralitang nangangarap. Kudos. No.1 supporter from zambales. Agbiag kayo amin

kierromualdo
Автор

No girls twerking
No money flexing
No jewelries and bling blings

Pero napaka husay!!!!
May message ung kanta..
Naka tsinelas pa nga ung isa 😆

Mas better pa to kesa sa mga autotune rappers jan..

You rock jmara x palos!!!!

kenvincent
Автор

MGA POLITIKO SILA ANG NAGPAPAHIRAP SAMBAYANAN PILIPINO, KAYA BAGUHIN ANG SYSTEMA NG POLITICS, , , HINDI MGA TAMAD ANG MGA PINOY# REALTALK#💪💪💪

richardmoral
Автор

Ala ang galing mo iho, kahit yung appearance na parang gago pero ang mga lyrics may mga aral sa mga kabataan. Ipagpatuloy mo yung mga ganyang message sa lyrics lalo na maraming kabataan ngayon di mapagsabihan, negative kagad sasabihin sayo parang bawal na sawayin. Napakaganda din ng boses mo. More songs and good health sayo para mas malayo pa ang marating mo. God bless

roushellemercado
Автор

Epitome of poetic justice. May substance at aral lyrics nya lagi, hindi lang basta basta at bara bara, may passion talaga! May intention! Favorite rapper of the year *bows down* sana sumikat ka pa the Filipino people needs more artist like Jmara. Ramdam ko ang emosyon at tindig sa bawat linya 🔥🔥🔥

TheSweetPotatoooooo
Автор

Support natin ganitong artist .iBang klase . Ito ung mga artist na million views deserve .

BryanjanPerocillo-rodq
Автор

wala ako masabi!....lakas ng kalibre....baon na baon kada hakbang palalalim ng palalim!!!!, , , , GODBLESS MGA IDOL!

jaimetanega
Автор

idol JMARA sana para din sa mga OFW makagawa ka ng kanta....SALAMAT NG MARAMI TAGOS SA PUSO MGA KANTA MO

zhaopanes
Автор

Kumusta yung mga kabataang nadinig at nakita itong Video na to?? Sakit masampal ng realidad 😂 kudos sa linya ng bawat bagsak ng letra super sulit 🔥🔥🔥

richardrosales
Автор

jmara and palos...perfect tandem 🥰 luv u both 🥰 astig talaga ng morobeats sobrang angas nio lahat 🥰

annalizafelotena
Автор

Ang galing nyo mga sir, ingat kayo lagi. Ngayon ko lang nakita itong chanel nyo. Tamang tama lahat ng kanta nyo sa panahon natin ngayon.

totoybotoy
Автор

Saludo Ako sa Inyo.. Galing Ng mga liriko..Hindi tinipid Ang bawat salitang binigkas. Isa Ako sa mga Taga hanga ninyo . Ipapanood at ipaparinig ko to sa mga anak ko. Manatiling simple. Apir!

carlcanicula
Автор

Goosebumps the 1st verse with massive beat! FIRE🔥 SALUTE and Congrats 👏

JUJU-jbft
Автор

Solid 👊 4th song in a row. Ang ganda ng mga binitawan mo na mga salita. Hopefully you be well known so your messages will reach a lot more. Mabuhay ka 🫡

errolflyngammad
Автор

Bihira lang ako magandahan sa mga ganitong klase ng kanta. Pero ung napakinggan ko to na gandahan talaga ako. IDOL na po kita❣️ paulit ulit ko piniplay. Nakaka LSS.

joanbristol