PADALE - Palos feat. JMara prod. by DJ Medmessiah

preview_player
Показать описание
Title - Padale
Written by Palos,JMara,Medmessiah
Produced by DJ Medmessiah
Shot by Jado
Directed by DJ Medmessiah
Executive producer Morobeats Ent.

Socials :
Palos -
JMara -
DJ Medmessiah -
Morobeats -

PADALE - Lyrics

Chorus:

Wag maniwala dyan, dito ka sakin makinig
Lahat ng yan ay di padadaig
Samu't-sari kung ano-ano kanya-kanyang padale
Mag-ingat ka baka dyan ka pa madale (2x)

(1)

Maniniwala ka ba dyan? Dito ka sakin makinig
Mas mabilis pa sa kartero mga komentaryo kong hatid
Madaling araw kumulo hanggang ngayon mainit pa rin
Laging bukambibig "kanton" nitong mga kulang sa "pansit"

Walang ipapantay na rima para di tunog imbento
Dapat ako ang lamang, tinaguriang pinakamalayang preso
Sastreng gamit ay gantsilyo sa pagtatahi ng kwento
Katotohanang walang kwenta kasinungalingang may presyo

Matalas ang dila sa mga purol ang isip
Bubusalan ng salapi para lamang ako ay manahimik
Nasa pwesto lang sila pero wala sa katayuan
Ang tanong kung nayabangan ito o tinag na ba yan?

Maayos ako manghayop tiyak sira ang pagkatao mo
Pagtitinginan ka parang singkit na biglang naubo
Walang balat-sibuyas pag ako ang nagbalatkayo
Pag pumikit ka na saka lamang may sisilip sayo

(2)

May kwentong magpapantay sa loob at labas ng kulturang siksikan
Modernong galawan may palabas kung hangad pataas na paghila
Gintong karangalan ay para lamang sa mga bitawang pasikat
Habang may nag-aantay mga nilalang na likas na masikap

Bagong balagtasan ng mga lipi sa siraan lamang nagkadiin
Nagsisilabasan ang mga lihim na paraan para lang manaig
Nagpapataasan ng mga ihi puro dumi nalabas sa bibig
Hangad umakyat agad sa kalangitan nitong mga buhay na inip

Hunghang lang ang sayo'y maniniwala
Lilitaw ang tungkab ng pagtatagong ipinatag
Pusong may lagablab pa rin ang syang mangingibabaw
Sa bawat pagaspas prinsipyo ay naiingatan

Inayawan ang salapi galing sa tanggapang gahaman
Ang katapatan sa galing-galingan may malaking kalamangan
Magkita tayo sa huli, doon mo lamang malalaman
Dapat may ipong panukli buong-buo kami magbayad

Chorus:

Wag maniwala dyan, dito ka sakin makinig
Lahat ng yan ay di padadaig
Samu't-sari kung ano-ano kanya-kanyang padale
Mag-ingat ka baka dyan ka pa madale (2x)

Bridge:

Pag-isipan mo munang mabuti
Kung kaninong panig ka nga ba dapat sumali

Chorus:

Wag maniwala dyan, dito ka sakin makinig
Lahat ng yan ay di padadaig
Samu't-sari kung ano-ano kanya-kanyang padale
Mag-ingat ka baka dyan ka pa madale (2x)

#padale #hunghang #palos #jmara #medmessiah #morobeats
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Walang Droga, Babaeng nakahubad, Perang Peke, Magarang sasakyan, at mamahalin damit pero ang mensahe napaka Solid talaga halos lahat ng kanta nila napaka ganda may katotoran hindi puro pagyayabang ❤️

michaelgemseyponcedeleon
Автор

patingin nga ng behind the scene, gusto mkita reaction ng mga tao. hahahahah

bencastillo
Автор

eto ung dapat sinusuportahan . walang hype . meron sense bawat sinasabi . iwasan niyo na ung kultura na puro porma walang sense na liriko . dinadaan nalang sa magagandang pananamit at pera para lang mapanood dinadaan sa madaming babae magagarang sasakyaan. .

ronaldallanmendoza-iqoz
Автор

napakinggan ko un mahal kong pilipinas, sana next time, mahal kong pangulo, para tagos na tagos kung sino gusto nyo kausapin

minivlog
Автор

Malayo mararating mo bro! SOLID KA! SALUTE!

filipinovines
Автор

Heritage to MOA, ang angas magrap. Lupit mga idol. God bless MORO BEATS.

emilrheyn
Автор

Ang sarap nakakaproud kayo panuorin at pakinggan!! Nakikita lage ang tunay na kalagayan ng mga ordinaryong Pilipino... walang pgbabalat kayo, totoo at natural! Kudos sa inyo!

lexsocrateselmido
Автор

shout out from lucena :) napakalupet mo tlga lodicake

klea
Автор

Sarap i Like ng mga Comment nyo lahat 👍👍👍

Sobrang Solid J-mara And Morobeats
GOD Blessed Mga Lods

Sulat pa para magising Sila 🙏🙏☝️😇😇😇

johnedisonleano
Автор

you got a new fan here my guy, good job!

traveltv
Автор

Itu baru betul, jangan di dalam studio terus.

Lagunya bagus dan keren.

JoniYafdas-icjpicjp
Автор

Dalawang paraiso ng kahirapan ang pina kita ng kantang ito. sa manila paraiso ng tambakan ng basura at iba ppa kung saan iilan at maraming luma laban ng patasm pero mahirap parin.. tapos sa probinsya naman malayo sa polosyon at patas rin luma laban pero ngunit nag hihirap din dahil sa mga abusadong negosyante. Mura bini bili ang mga pinag hirapan. Mahal bini binta ng mga gahaman 😢 grabi ang ka tutuhanan. 😢

francisperocho
Автор

Pesado demais seu som mestre
Trabalho muito bom a lírica muito forte.
Seu som chegou no Brazil 🇧🇷

lokoscrew
Автор

Astig sa tiktok ko lang napanood kaya search sa youtube

JimmyMacaraeg
Автор

Sa panahon ngayon, sobrang
bihira ng mga katulad nyo. Salamat sa pagbibigay ng inspirasyon sa pamamagitan ng makabuluhang musika.🙇🏻‍♂️💙💯

peejayarganda
Автор

Não sei porque eu gosto muito dos filipinos são sangue hum abraço do Brasil pra todos os asiáticos no mundo todo ❤❤❤❤❤❤

FábiomotaBaltazarMota
Автор

That style na sa mismong sitwasyon ang pinili nyong set, Pila ng mga pasahero, kalsada. Napakaganda na!

emmariebatalla
Автор

deym!!!! lapit ko na madale hehehe boom! angas nyo

roycabrera-ljlb
Автор

Sana mahagip ka ng Camera ko next time! SOLID KAYO! SALAMAT SA MUSIKA!

filipinovines
Автор

Bukod sa maganda ang kanta 👍👍sa mga pasahero din ako naawa na walang masakyan, grabe kung anong haba ng nilakaran nila eh ganun din kahaba ang mga pasahero nagaantay ng masasakyan😩

jzoneescobidal