HUNGHANG Live - Palos x JMara x DJ Medmessiah

preview_player
Показать описание
Title - HUNGHANG
Written by Palos,JMara,Medmessiah
Produced by DJ Medmessiah
Shot by Class S Production
Directed by DJ Medmessiah
Executive producer Morobeats Ent.

Socials :
Palos -
JMara -
DJ Medmessiah -
Morobeats -

HUNGHANG Lyrics

Chorus
Ang dami ng mapanlinlang, depende na lang yan sa pakinabang
Mga sabik matamo, mga gustong umabot
Diyos ko po! Pinagmukha na tayong hunghang!

1st Verse

Isang pangangamusta sa mga anak
Na di malaman ang hulma ng kanilang hinaharap
Lakas pumorma animo'y nakakaakit na talulot,
Sa sitwasyon nilang daig pa bahay ng bubuyog

Kabataang di dumanas sa kalsada magtinda
Lakas loob na manira ng hanapbuhay ng iba
Sayo ako nakaharap, wag kang umastang bingi.
Perang gamit pambisyo sa nanay pa hiningi

Pinag-aral ng magulang panggugulang ang inaral.
Maaliwalas na pagmumukha skwating ang asal
Edukadong naturingan may maayos na balabal.
Pag-asa ng bayan ang pangunahing sasagabal

Misyon mong mag-ala konsi bat naging konsimisyon?
Sa pag-usad ng bansang may mataas na ambisyon
Palagay ko nga, totoo lahat ng binibiro
Kaya bayan ni Juan kasi tamad ang Pilipino

Kamusta din ang mga taong may hangarin na malinis?
Hindi halatang madumi kasi panay ang bihis
Kapag satin humarap, laging bago ang balat
Tinatago ang burdang sa atin ay nakangarat

Alagad daw ng batas, pero parang may sablay
Sa kamay nilalagay kaya merong namamatay
Ibang klaseng magsasaka sila kung di nyo napansin,
Umaani ng sagana kasi satin nagtanim

Bagong bayani kuno, nagtataguyod daw ng tama
Pag aking isiniwalat ako'y sasalo ng bala
Tapos sasabihin sakin di lahat ganyan ganon
Kung totoo, bakit di ko man lang naranasan yon?

Di naman purong banal pero kung tatanungin nyo ko,
Diyos ba ang susunod sa aral na gawa ng tao?
Pag mayaman negosyante tawag pag mahirap tulak
Benta mo palasyo mo para may pambili kang utak!

2nd Chorus

2nd Verse

#hunghang #palos #jmara #medmessiah #morobeats
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Soon mapapanuod ko din tong live performance nila big up sa moro ☝️🔥

alexandersagon
Автор

Angas lods solid tlaga boses mo natural lang talaga

tirangpasoktattoo
Автор

lakas tangena🔥🔥🔥 sana magkaron din kayo ng show dito sa north caloocan

dmuzikentertainment
Автор

Hibang sa Pangarap
Sugod
Kalungkutan

eugenefly