filmov
tv
VP Duterte at Sen. Hontiveros, nagkainitan sa pagdinig ng Senado sa proposed 2025 budget ng OVP
Показать описание
Nagkainitan sina Vice Pres. Sara Duterte at Sen. Risa Hontiveros sa pagdinig ng Senate Committee on Finance hinggil sa proposed 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP) ngayong Martes, August 20.
Sa pagdinig ng Senado, tinanong ni Sen. Hontiveros si Vice Pres. Duterte kaugnay ng libro na may pamagat na “Isang Kaibigan” ang bibilhin, ipinamahagi ng pamahalaan, at kung ano ang nilalaman nito.
Sagot ng bise presidente, hindi aniya ito “for sale” at ang binayaran lamang umano ay ang publication ng libro. Sinabi rin niya na padadalhan niya ng kopya ang senadora upang malaman ang nilalaman nito.
“Ang problema niya kasi, nakalagay ‘yung pangalan ko doon sa libro, at 'yung libro na 'yan ibibigay namin doon sa mga bata. At 'yung mga bata na ‘yan may mga magulang na boboto, at 'yung pangalan ko ay nagkalat doon kung saan man ibibigay 'yung libro,” saad ni Duterte.
Kasunod nito sinabi ni Sen. Hontiveros na hindi na niya maintindihan ang ugali ni VP Duterte at sa simpleng tanong ay paulit-ulit aniyang binabanggit ng bise presidente na, "This is politicizing.”
"Ang VP ang nagbanggit ng salitang 'boboto,' wala akong sinabing 'boboto.' I'm simply asking,” saad ni Hontiveros.
Naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng P2.03 billion para sa OVP sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program. Mas mataas ito ng 8.05% kumpara sa budget nito ngayong taon. #News5
Follow News5 and stay updated with the latest stories!

Комментарии