MABISANG PARAAN UPANG MAWALA ANG MGA IPIS, LANGAW, LAMOK AT DAGA SA LOOB NG BAHAY

preview_player
Показать описание
#pesticide #insecticide #pamataylamok #pamatayipis

MABISANG PARAAN UPANG MAWALA ANG MGA IPIS, LANGAW, LAMOK AT DAGA SA LOOB NG BAHAY

Gagawa tayo ngayon ng natural at napakadaling pangontra at pantaboy sa mga peste na insekto na nasa ating mga tahanan katulad ng ipis, daga, lamok, langaw at iba pang insekto na gumagapang gapang sa kusina at sa madidilim na sulok ng ating mga tahanan

Pero bago ang lahat kung bago ka pa lang sa channel na ito wag kalimutang mag subscribe at pindutin ang notification bell para lagi kang updated sa mga kaalaaman tungkol sa mga halaman

Para gumawa ng pangontra at pantaboy sa mga insekto

Kailangan lang natin ng tatlong sangkap TANGLAD, OREGANO AT BAWANG

Ganito lang ang dapat gawin
Maghanda ng 2-3 piraso ng tanglad hugasan ito at Ibuhol. kapag nabuhol na, pitpitin ang dulo g bahagi ng tanglad para lumabas ang katas.

Alam naman natin Na ang tanglad ay kadalasang ginagamit na pang alis ng langsa sa ating mga lutuin dahil sa maamoy nitong katangian. Marami din itong benepisyo sa kalusugan ng tao at higit sa lahat takot ang mga insekto sa amoy ng tanglad kaya naman isa ang tanglad sa mga inihahalo sa mga nabibili nating insect repellent sa mga pamilihan

Ang sunod naman ay ang Oregano
Kumuha lang ng tatlong sanga ng oregano at pagputol putulin ito sa katamtamang laki

Ang oregano ay isa sa mga halamang gamot na madalas nating takbuhan kapag may mga nararamdaman tayong sakit katulad ng sipon at ubo. Ang mabangong amoy nito ay kinatatakutan din ng mga insekto

Bawang
Kumuha ng apat na piraso ng bawang dikdikin ito hanggang sa madurog

Ang bawang ay Karaniwang sangkap sa mga lutuin na kadalasang inihahalo bilang pampalasa dahil sa maamoy nitong katas na sinasabing kinatatakutan at nagtataboy sa mga insekto lalo na ng mga lamok sa bahay.

Pagsama samahin lang ang tatlong sangkap sa isang sa kaserola lagyan ito ng katamtamang tubig,
Pakuluan ito ng labinlimang minuto hanggang sa dalawampong minuto
Pagkatapos ng labinlimang minuto ay palamigin ito
At Kapag malamig na ay ilagay ito sa isang sprayer.
Pwede mo na itong gamitin na pang spray sa mga sulok sulok ng iyong bahay na kadalasang pinamamahayan ng mga ipis, lamok, daga at iba pang insekto.

Wag kalimutang ishare at ilike ang video natin na ito para madami pa ang makalaam tungkol dito salamat ka urban sa panunuod God bless.

If you find this video helpful, Please SUBSCRIBE, LIKE and SHARE this to your friends to help 'Urban Creative LIFESTYLE" THANK YOU!

MUSIC CREDIT
ARTIST: BENSOUND

DISCLAIMER
"All the videos, songs, images, and graphics used in the video belong to their respective owners and i or this channel does not claim any right over them.
Copyright Disclaimer under section 107 "fair use" For purposes such as criticism, comment, news, reporting, teaching, Scholarship, education, and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing."
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

masubukan ko nga to, problema talaga ang daga at lamok, sobrang nakaka stress

kamodra
Автор

good yan ma try nga yan kasi may ipis lamok daga sa bahay oky thank you po

domingodelarosa
Автор

Masubokan nga ito. Salamat dagdag kaalaman na nman ito.

mclife
Автор

Nakakatulong talaga yung mga video mo idol salamat

Zoldyck_
Автор

Thank kuya nkita video mo kontra daga ipis lamok subukan ko ito God bless you 🙏❤️👍

escuetaevelyn
Автор

Nag try ako nito legit talaga sa lamok..f may natira sa pinakuloan lagay ninyo sa ref

PHINGZAPARECE
Автор

Ka goodz salamat sa payo
Para sa akin lng wag dapat ito pakuluon dapat lng e daan natin sa Ice cruncher
Pra completo parin ang amoy nya

benjeduran
Автор

Yung katabing kwarto ko napakaraming ipis tumatawid sa room ko puro german cockroach kahit kumakain ka gumagapang sa lamesa nkakawalang gana tuloy.. pero nung magluto ako ng bulalo nilagyan ko ng tanglad napansin ko ni isang ipis walang nagtangkang lumapit sa lamesa ko.. itry ko nga Yan para maglayasan na mga ipis

leyposas
Автор

ma try ko nga po yan dami po pest dito po sa amin...salamat po sa sharing 😊

thallium
Автор

Kuya ok itong advice mo, masubukan nga, ,safe pa ito aa mfa alagang hayup tulad ng tuta or aso at pusa, at mabango pa ito sa bahay ...thanks kuya ...

clemenciacatig
Автор

Maraming salamat po sa kunting kaalaman idol at Sana ma notice Po ako sa next video

ASHURA
Автор

Ah..ngayon ko lang nalaman
Yan Ah salamat sa You Tube
Maraming kaaalaman talaga
Ang mapapanood .

vikkijumaquio
Автор

Thanks for sharing po. Sana effective samin. Sending my love and support

degeecuda
Автор

Subukan ko nga to kong effected salamat po sa share

chanramaebermas
Автор

The best cguro gawin ntin xoeriment bgo iaplay

pakoychannelph
Автор

Alimpunay o katyubong leaves.surebul pati tao kapag nakainum ..mabaliw isang linggo

RoldanGumanid
Автор

Tnx for sharing, I am ur new friend and subcriber, God bless

fernandezcuisinevlog
Автор

Sana effective, thanks and have a blessed time.

lilhemy
Автор

Ilang araw pwede gamitin yong pang spray?

juanchosingson
Автор

Ma try nga sana effective bweset na ko sa mga ipis sa bahay npakarami nanila

jeromequino