'My Puhunan: Kaya Mo!': Piloto noon, fulltime magsasaka ngayon

preview_player
Показать описание
Matapos ang matagumpay na karera bilang piloto sa loob ng higit na tatlong dekada, tinupad ni Capt. James "Bong" Reamon ang pangarap niyang magpatakbo ng kaniyang farm sa General Santos City.

Sa naging panayam sa kaniya ni Karen Davila para sa programang "My Puhunan: Kaya Mo!", isinisingit na niya noon ang pagiging farmer.

Gamit ang kaalaman sa pagpapalipad ng eroplano, gumawa ng mga imbensyon si Bong na makatutulong sa kaniyang farm gaya na lamang ng award-winning niyang "Gizelle windmill".

"Ito kasi, ang maganda dito unang una puwede mo siyang i-pile ng marami. Pangalawa, 'yung blades niya parang pakpak ng eroplano 'yan. So, double acting. Tamaan mo siya ng horizontal o vertical, it gives power. Tapos 'yung mga hangin, inilalagay mo lang sa isang side para mas malakas 'yung efficiency," pagdedetalye niya.

Hilig ni Bong na mag-aral para mas lalo pang mapalago ang malawak niyang farm.

Bukod sa kaniyang windmill, samu't saring imbensyon at diskarte sa pagsasaka ang kaniyang nagawa.

Ang produkto niyang "Rex Compost Tea Brewer", malaki ang naitutulong sa produksyon ng mga magsasaka.

Pag-amin niya, ito ang nagbigay ng maraming pera sa kaniya.

Alamin kung paano ito ginagamit ang iba pang matutuklasan sa kaniyang farm sa GenSan panoorin sa 'My Puhunan: Kaya Mo!' kasama si Karen Davila.
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Wow!sanan tangkilikin ang sariling atin.. invention ng Pinoy sana suportahan ng government

joylenc.labanon
Автор

I bought the Rex Compost Tea Brewer from Capt James Reamon and I am happy with the product. Sa isang brewing ng compost/molasses, isang 200-liter blue plastic drum ang nagagawa kong pang spray and pang dilig. Ginamit ko sa lanzones namin and the results are astounding. Mas dumami and gumanda ang bunga. A must-have for every farmer.

ralphlouisprado
Автор

Idol ko po yan si captain Bong Reamon kahit noon pa Lalo na sa radio program ni Angelo palmones sa DZMM, maganda kuwento nya piloto sa Cebu pacific. Good job sir.

jackyfulleros
Автор

Nakikita ko na to na windmill nung bata pa ako, at that time palayan pa naka palibot jan. Ngayon subdivisions na😢

andrewresuento
Автор

Saan po ba mka bili ng Rex compost tea Brewer Ma'am Karen? At contact number ni sir, salamat po

joseboncalon
Автор

bakit po kaya hanggang medal lang po yata yung “windmill invention” po ni sir??? …. di po naimplement sa mga malawakan???

charliemonterojr
Автор

Pwed nman gayahin ung invention for personal purposed only

saharodincarim
Автор

wait ko na lang ma expired yung patent..

daneurope