8 MONEY HABITS THAT KEEP YOU POOR - MONEY LESSON

preview_player
Показать описание
Video Title: 8 MONEY HABITS THAT KEEP YOU POOR - MONEY LESSON

Ang problema sa pinansiyal ay komon na problema sa panahon ngayon. Mahirap na nga kumita ng pera, ang dami pang utang. Y'ong iba'y nangungutang para lang may pambayad sa utang. Iniisip nila na OKAY lang kung palaging gan'on. Pero sa totoo lang, ang masamang gawi na 'to ang lalong magpapalubog sa 'tin. Wala namang tao ang gustong mabaon sa utang, 'di ba? Pero bakit dumarami ang mga taong nangungutang? Ito ang mga dahilan kung bakit hindi tayo makaahon:

NUMBER 1 BINALEWALA NATIN ANG PANAHON

Halos alam nating lahat kung g'ano kahalaga ang mag-ipon ng pera. Pero kaunti lang ang nag-iipon. Bakit? Dahil binalewala lang nila ang panahon. Palaging ipinagpaliban ang dapat gawin. Palagi nilang sinasabi, “Mag-iipon ako simula BUKAS” Pero dumating ang bukas, wala pa rin. Kita mo 'yan? Intensyon nilang balewalain ang panahon dahil sa masamang gawi na 'to. Kung gusto mong mag-ipon, mag-ipon ka na kaagad. Ilang pera na ang dumaan sa kamay mo? Nauubos lang sa wala. Bakit ginagawa 'to ng karamihan? Kulang kasi sila ng DISIPLINA sa SARILI.

NUMBER 2 TOXIC MINDSET

'Yon bang nag-iisip na isa lang ang buhay kaya magwawaldas tayo ng pera. Minsan lang maging masaya. O di kaya'y nagsasayang ng pera dahil natatakot na hindi makasabay sa uso. Kung ano ang binili ng isa, bibilhin din. Kung ano ang bago, kailangang bilhin din. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit naghihirap tayo sa pinansiyal. Kapag natanggap na ang sahod, ano ang unang ginawa nila? ONE DAY MILLIONAIRE. Nakikipag-inuman sa mga barkada, bumibili ng mga kagustuhan nila. Gusto nila na MASAYA KAAGAD. Pero hindi ko naman sinasabi na 'wag mong pasayahin ang sarili mo. Pera mo naman 'yan. Walang makakapigil sa gagawin mo. Siguraduhin mo lang na alam mo ang ginagawa mo. Hindi y'ong naubos ang pera mo tapos nagrereklamo ka kung bakit naubos.

▶ Music: Rights Free Sound

--------------------------------------------------------------------------------------------

--------------------------------------------------------------------------------------------

Speaker:
Brain Power

Instagram: @junbal2177
Twitter: @BrainPower2177

----------------------------------------------------------------------------------------------

#BadMoneyHabits #ControlYourself #BrainPower2177
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

ang dami na ako natutunan sa videos mo Mr brain power

strongmom
Автор

Tama.po kayo Mr brain lahat po na cnb nio pinag daan ko lahat simula mong makineg ako sayo natutunan kopo Ang mag ipon at nag simula napo ako baguhen. Mula ng mapa kinggan ko mga payo nio natutunan. Ko magipon salamat po sayo God bless po sayo ingat po kayo lage

onycornelio
Автор

Thank u po sa mga kaalamang naipapasa nyo po, , , , 💝💝💝

glendadelatorre
Автор

Good Idea Mr* Brain Power😍Thank u*More Power🙏🏼Watching fr* Europe🥰

mariacharalambous
Автор

Relate ako nito sa vidio nto ung tao kunti ang income mas malaki ang gusto sa wala n kowenta

kellysmilevlog
Автор

Totoo po yon... Thank you for your advice God bless po.

lornslife
Автор

Sir gifted ka talaga ang galing mag advice tungkol sa financial . Salute

REYMARTULAWECHANNEL
Автор

Ngaun natoto na aq grabe sobrang hirap pag walang ipon lalot na ngaun pandemic Ang hirap hanapin Ang pera lalot Wala ka trabaho po patay mag mag makaawa ka man kanino kaninoman Hindi lahat malalapitan mo Ng tulong my maririnig kapa Hindi magandang salita.pag mangutang Naman stress pa iisipin mo pa qung saan ka kukuha Ng pambayad

gemmamagpulong
Автор

Ang dami ko natotonan sayo sir..kaya guide mo ko sa maliit kong store.tama kayo sir sa 5/6 ako kimakapit.kaya nabaon ako.pwd mo ba ako matulonga.

carolremon
Автор

Thank u So Much brain Power dami ko natutunan sa mga video mo kailangan kona talaga magbago ang dami Kopa palang hindi alam a Buhay lalo na tungkol pag Hawak ng sahod Ko bilang isang ofw😥🙏☝️

arlyndaoro
Автор

Maraming maraming salamat po Brain power plagi po akong nanonood ng video mo Ang laki ng nabago sa Buhay ko thank you so much po sana marami pang makapanood ng video mo at sana marami kapa pong matulungan God bless po 💗💖

romarbeatbox
Автор

Salamat guro...
Nag ipon talaga ako pero pag madami na waldas lahat sa walang kwentang binili pero may ma iwan pamasahe...😂
Noon lang yong pero ngayon ipon talaga ..🎯🎯

jeanong
Автор

Maraming salamat ....brain power watching fr hk. God bless you and your channel

funnyosorio
Автор

Hi sir ako c tadzmahal.breadwinner, babae Single, no work, no both parents, since 2008 puro po ako trabaho para may makain ang mga kapatid ko.wala po ako tinira sa sarili ko.lahat para sa pamilya kopo.ngayon 2021 natanggal po ako sa trabaho.dahil lagi na po ako nagkakasakit at nahohospital.bigla pa ako nastroke ngayon 2022.at nag chechemo ma po ako.mahirap ikaw lang inaasahan ng pamilya mo.sarili mo napabayaan na.sa awa ng diyos nabubuhay lang po ngayon sa mga bigay na pagkain at mga gamot ng mga kaibigan.dahil hirap din sa buhay ang pamilya ko.nagsisisi ako ngayon dahil hindi ako nagtabi kahit konte sa sarili kopo.kaya ako ang nahihirapan po ngayon.salamat sa video sir may natutunan napo ako.kung babalik man ang akin lakas.gusto ulit magwork para magsimula sa buhay kopo.im 35 na ngayon.single parin po.kaso may maintenance napo.GOD bless you sir.GOD si good all the times.

tadzmahalusmana
Автор

Good salamat dami q natutunan sayu....sa araw2 kung panonood sayu gumaggaan pakiramdam q....God bless u Idol

gracemmontes
Автор

Hay kahadlok ba, negusyante kasi so mangungutang para puhunan

rosaliegemarino
Автор

Informative sir brain salamat tama talaga masakit na katutuhan watching in kuwait

ERNAULAY
Автор

Ganyan aq saka nalang aq mag ipon pag malapit na aq uuwi Sabi q tapos ngayon isang buwan Lang sahud q I uwi q

gloria
Автор

Magandang gabi. G. Brainpower. Isa sa mga bqd money habit ay ang pagsusugal at bisyo.

alexprado
Автор

tama lang na mag ipon tayo ng pera para sa ating kinabukasan kaya ako nag iipon ako ng pera kahit papaano...

adeheldeloria