filmov
tv
It’s Showtime December 18, 2024 | Full Episode
Показать описание
Single bells, huhubels, single all the way! Okay lang ‘yan! Maraming pwedeng yumakap sa’yo ngayong malamig na Pasko. Enjoy-in lang ang buhay whatever season you’re in, dahil malay mo, makabawi ka next year. Hindi mo na kailangang lantakan ang berdeng ubas, dahil ito ang tunay na green flag–ang ‘Showtime’ family na pasasayahin ka nang wagas.
Good vibes times two ang hatid ng mga reyna ng drag! All-out kung bumirit, super havey kung humirit sina Vinas Deluxe at Precious Paula Nicole na nagbihis bilang Mariah Carey. Paano ‘yung ‘What’s Up, Madlang People’ na may kasamang whistle? Kaya rin ‘yan ni Jackie Gonzaga, our super pretty Ate Girl.
Ho! Ho! Ho! Bumisita rin si “Hashtag” member Wilbert Ross na may dalang good news.
Lucky charm kung siya’y tawagin, dahil basta siya ang nasa casting, laging blockbuster ang ending. Sa araw na ‘to, patutunayan ni Joross Gamboa na swerte rin siya sa panghuhula. Ready na s’yang kilatisin ang tunay na breadwinner singer sa ‘And The Bradwinner Is.”
Ang mga pangrap ng isang breadwinner ay parang mataas na nota ng awitin na pinipilit abutin. Alamin ang kanta ng puso ni Alquin, ang tunay na breadwinner-singer, na ‘natumpak’ ni Joross.
Tulad ng tono ng isang kanta, taas-baba ang laban ni Alquin bilang breadwinner na todo-kayod sa mga gig at singing contests. May araw na panalo, minsan talo. Pero ang totoong tropeo ay ‘yung makitang pinahahalagahan ng mga kapatid ang paghihirap at sakripisyo niya, lalo na sa pagtaguyod sa pag-aaral nila. Sagot na rin niya ang pangangailangan ng ama na dating barbero. At kahit maubos ang naipon na pera, hindi siya nagdalawang-isip na ipa-rehab ang ina.
Worth it ang pagod ni Alquin. Pero ang dasal namin para sa kanya, nawa’y ingatan ng langit ang kan’yang tinig, na puhunan niya bilang breadwinner. Dahil may dinaramdam sa lalamunan si Alquin, mahabang pahinga at maayos na check-up, at marami pang pamasko, ang handog ng “It’s Showtime” family.
“Habang May Buhay,” awit niya para sa pamilya, dahil hangga’t tumitibok ang kan’yang puso, sa kanila lamang alay ang bawat paghinga. At sa oras ng kapaguran, sila rin ang kan’yang pahinga.
Mga estudyante ang aawit, hindi para mangaroling, kundi makuha ang kampeonato. At sanhi ng kanilang pagparito, ma-achieve ang mataas na grado mula sa mga hurado.
Sinimulan ni University of the Cordilleras student Keith Arboleda ang laban sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown” daily round. “Kailangan Kita” ang bitbit n’yang piyesa.
“My Heart Will Go On,” hugot ni Zhena May Bazar, bitbit ang bandera ng IETI College of Science and Technology sa entablado. Si Zhena May ang nakakuha ng mas mataas na combined hurados’ score at aabante sa next Preliminary round.
#MyShowtimeChristmasStory
#ItsShowtimeFullEp
#ABSCBNEntertainment

Комментарии