filmov
tv
It’s Showtime December 25, 2024 | Full Episode
Показать описание
Merry Miyerkules na Pasko, Madlang People! Ang Christmas ay hindi lang para sa mga bata, kundi pati na sa kids at heart. Pero, aminin, iba talaga ang memories ng Pasko from childhood. Si Kuys Ion Perez, naaalala ‘yung pangangaroling sa umaga para siguradong gising ang mga kapitbahay. Eh, ‘yung OOTD mong binili ni nanay para lang sa Pasko? Relate d’yan sina Jackie Gonzaga at Vhong Navarro.
Hindi pa tapos ang caroling ng mga kabataan. Pero, this time, aawit sila sa tanghalan. Balikan ang isa sa core memories ng “It’s Showtime” from 2024–ang “Tawag Ng Tanghalan Kids” Season 2 Grand Finals na ginanap noong April 20, 2024.
Sino ba naman an makakalimot sa opening prod ng “Huling Tapatan?” Aba! BINI lang naman ang nag-set ng mood. Plus, nakihataw pa ang ‘Showtime’ kids na sina Argus, Jaze, Kulot, Kelsey, Imogen, at Briseis forda good vibes sa lahat ng manonood!
Sa pagbubukas ng “Hulang Tapatan,” unang sumabak sa entablado si Diane Duran pinabilib ang lahat sa kan’yang whistle technique. Tagos sa puso naman ang performance ni Neithan Perez na inawit ang classic OPM hit na “Habang May Buhay.” Ginulat ni Dylan Genicera ang mga hurado at Madlang People sa intense performance n’ya ng “Believer.”
Pinatunayan ni Aliyah Quijoy na deserve niya ang spot sa “Huling Tapatan” with her passionate rendition of “I’ll Never Say Goodbye.” Proud naman si Ogie Alcasid dahil ang sinulat n’yang kanta,”Kailangan Kita,” ay nabigyan ng puso at hustisya ni Shawn Hendrix, na napahanga at napaluha ang lahat.
Naantig ang marami sa rendisyon ni Thirdy Corpuz ng “Wind Beneath My Wings” na inialay niya sa ina. Resbaker man, lakas-loob na lumaban si Clet Nicole Fiegalan na ibinirit ang “Hawak Mo” ni TNT Season 6 champion Lyka Estrella. Ang fellow resbaker n’ya na si Kim Hewitt, hindi rin nagpadaig. Sabi ni hurado Tutti Caringal, litaw ang talento at ‘X factor’ ni Kim sa pagkanta ng “Too Much Love Will Kill.”
Ramdam ang emosyon sa studio dahil sa mapusong pag-awit ng mga batang contestants. Maging si Vice Ganda ay hindi napigilang maluha, at magpahayagng appreciation sa mga magulang na nagpakita ng suporta at pagmamahal sa kanilang mga anak.
Mula sa walong kalahok, tatlo lang ang umabante sa ikalawa at huling round ng Grand Finals noong April 20, 2024. Ito ay sina Dylan Genicera, Aliyah Quijoy, at Kim Hewitt.
Na-amaze ang mga hurado sa vocal prowess ni Dylan habang kinakanta ang “Tao” ng iconic OPM band na Sampaguita. May ilang hurado naman ang nagbigay ng standing ovation kay Aliyah sa pag-awit nito ng “Lupa” from Aegis. Breathtaking din ang performance ni Kim sa pagbirit ng “I Don’t Wanna Miss A Thing.”
Dikit ang naging laban nina Dylan, Aliyah, at Kim base sa total scores na ibinigay ng mga hurado. Subalit, sa bandang huli, si Kim ang umangat at hinirang na grand winner. Siya ay nagwagi ng tropeo, P300,000-worth of home and learning showcase, P500,000 cash prize, at management contract mula sa ABS-CBN Music Management Group.
Si Dylan naman ang nagkamit ng ikalawng puwesto, habang si Aliyah naman ang nakakuha ng ikatlong puwesto.
#BestChristmasWithShowtime
#ItsShowtimeFullEp
#ABSCBNEntertainment

Комментарии