Tutorial: Translating English Words to Filipino

preview_player
Показать описание
Sa video na ito, ituturo ko sa inyo ang ilang tips sa pagsasalin ng mga salitang Ingles patungong Filipino o Tagalog. Karamihan sa tips dito ay nakuha ko mula sa Manwal ng Masinop na Pagsulat ng KWF o Komisyon sa Wikang Filipino. Disclaimer: ito ay mga sariling panuntunan ko lamang sa pagsusulat ng Filipino para sa telebisyon. Naniniwala ako na may ibang sektor sa lipunan na may ibang pananaw ukol sa pagsasalin. Iginagalang ko ito. Wala akong intensiyon na kalabanin o ipawalang-bisa ang pananaw ng iba. Im just sharing my personal technique based on my 25 years as a journalist in the Philippines. No hate please. Enjoy!
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Can't believe how iconic her voice is.

hypercube
Автор

Mga notes/corrections ko para sa videong ito (pasensya na po kung masyadong mahaba o nagmumukha akong mayabang):

Iba po ang ibig-sabihin ng _peasant_ sa 'magsasaka' o 'mambubukid'. Hindi porket _peasant_ ka, nagtatanim ka ng gulay, at hindi porket magsasaka ka eh mahirap ka. Kung titignan sa isang makasaysayang konteksto, ang ibig sabihin ng _peasant_ ay isang taong nabibilang sa mababang pangkat ng lipunan, madalas mahirap, ngunit may sariling lupa o bahay at mas mataas ang antas kaysa sa isang alipin. Hindi sila lahat magsasaka, ang iba ay "normal" na tao lamang, ang iba ay mangingisda, ang iba ay gumagawa ng armas, at ang iba ay nagtatrabaho bilang katulong ng hari o reyna. Maaring gamitin ang salitang "mahirap", "dukha", o "maralita" bilang katumbas.

Tungkol naman sa kung tama ba ang "kamusta" o hindi, sa makabagong pag-aaral ng wika ( _modern linguistics_ ), masasabing tama naman ito dahil sa dami na ng gumagamit nito sa kasulukuyan. Bagamat itinuturing padin ito bilang mali sa pormal na Tagalog o Pilipino, walang masama sa pagsabi o pagsulat nito sa pang-araw-araw na pananalita o sa isang YouTube video o di kaya blog o Facebook post. Mas mainam gamitin ang "kumusta" sa mga pormal na lugar tulad ng paaralan, pagbabalita, batas, atbp.

Hindi rin tamang sabihin na ang "Baybayin" ay isang wika. Ito po ay isang pamamaraan ng pagsulat (isang _script_ sa Ingles) na ginamit ng mga Tagalog, Ilocano, Bisaya, at maaring ginamit rin ng mga Bikolano. Ang limitado nitong mga titik ay galing sa limitadong ponolohiya ng Tagalog at iba pang mga wika sa Pilipinas noon. Sa paglipas ng panahon, nadagdagan ito dahil sa impluwensya ng ibang wika at natural na pagbabago ng pananalita ng mga tao.

Tungkol sa _Mexico_ maaring gamitin ang hiram na salita mula sa Ingles, pero maaari ring gamitin ang salitang hiram mula sa Espanyol na itinagalog, "Mehiko". Ang _Germany_ ay "Alemanya". Ang _France_ ay "Pransya". Mas mainam paring gamitin ang salitang Ingles pagdating sa mga bansa dahil sa "lalim" ng ibang salin na matagal na nating nakalimutan ngunit maaari paring gamitin ang mga ito depende sa konteksto o gamit, lalo na ang: Estados Unidos, Tsina, Espanya, Pransya, Britanya, at Awstralya. Tungkol sa _Japan, _ kung nanaising gumamit ng mas malalim na Tagalog, maari itong tawagin bilang "Bansang Hapon" (galing sa Espanyol) o "Bansang Nihonggo/Niponggo" (galing sa wikang Hapon).

moondust
Автор

Ang wikang Filipino ay pinaglaban at pinanday ng ating mga ninuno sa loob ng mahabang panahon, dapat lang na pahalagahan natin ito. 💯💯 may natutuhan na naman ako

jhonreylubao
Автор

"Ang ating wika ay pinanday at ipinaglaban ng ating mga ninuno" ...goosebumbs

rosedombatangan
Автор

"Napakaganda ng wikang Filipino, pahalagahan natin ito."

renielljhongorpidohehim
Автор

It’s like watching another one of her documentaries.
I wish my teachers were as this interesting when they speak.

wonmoreexpensivesalt
Автор

I love this so much! As a Filipino American who is trying to maintain their level/depth in Tagalog, it’s so pleasant to hear journalists like you aiming to preserve our language wherever possible. When I speak if I don’t know the word in Tagalog I will always try to apply the rule Spanish over English wherever possible instead of succumbing to English, where Americans hardly make an impact on our culture and society.

mandoooooo
Автор

Bilang mag-aaral sa kolehiyo na kumukuha ng Batsilyer sa Edukasyong Filipino, malaki ang naitulong ng bidyo na ito upang mas maunawaan ko bilang manunulat na minsan kailangan unahin ang ating wika at mapalutang ang saysay ng mga salita sa sariling konteksto. Salamat Ms. Kara😁

nsola_edwardesguerra
Автор

ever since we lost our TV it's crazy how nostalgic it seems to hear her voice again for a very long time, I miss watching i Witness and Front Row❤️❤️❤️❤️

hnavii
Автор

Salamat sa Panginoon at may Pilipinong tulad mo na nagpahahalaga ng ating sariling wika. Nawa'y dumami pa ang mga katulad mo sa ating bansa. Nawa'y huwag mawala o matunaw ang ating pagiging Pilipino sa gitna ng "universalization".

kaloiednaranario
Автор

Napakaganda po ng closing statement nyo, Ms. Kara! "Ang wikang Filipino ay ipinaglaban at pinanday ng ating mga ninuno." This is a good reminder to be thankful and not to forget our own language.

aewty
Автор

Isa ka pong dakila sa wikang atin. Bago palang po ako ngayon sa channel mo po pero noon pa man ay hanga na ako sa mga dokomentaryo sa GMA, napakaaling magpaliwanag at higit sa lahat ay makatas ang pananagalog. Nawa ay marami pa ang mga kabataan ang magpahalaga sa wikang pilipino.

alfabz
Автор

The best Filipino teacher we never had. 😂

random-accessmemory
Автор

Sang-ayon rin po ako sa manga palatuntunang binahagi ninyo, Madam David. Kapag nga sa pagsusulat ng sanaysay napakaarte ko sa pagpili ng manga salitang gagamitin at madalang lamang talaga ako gumamit ng Ingles, maliban na lamang kung wala na talaga mapampalit o kinakailangan. Marami sa talasalitaang Pilipino ang kaya namang sumabay pa rin sa kasulukuyang panahon at maganda rin naman pakinggan, at isa pa riyan ay madaling maunawaan nguni nga lamang ay nakakalimutan na ng ating kapuwang Pilipino dahil sa iba-ibang dahilang impluwensya ng kalinangang kanluranin.

santino
Автор

My all-time favorite journalist, documentarian. I love you, Ms. Kara, keep safe!

ymannandres
Автор

Grabe ang galing! Sobrang dali ng delivery ang gaaan hindi mabigat intintindihin! Sana lahat ng professor ganito mag deliver ng lesson, nakaka apekto din kasi minsan sa mga students yung feeling na ang bigat ituro, hindi madali yung delivery ng lesson 😅 ANG DAMI KONG NATUTUNAN SA ALMOST 13MINUTE-VIDEO. KUDOS PO TALAGA MS. KARA!! ♥️♥️♥️

rheavillanueva
Автор

Watching this makes me realize that I’m both struggling in both english and filipino, sobrang hirap talaga tandaan yung malalim na tagalog words tapos kapag english naman durog sa grammar 😅

AHeranam
Автор

*BILANG FILIPINO TRANSLATOR NG POCKET CODE, IT HELPED ME ALOT TO LEARN MORE TO BETTER IMPROVE MY TRANSLATION*

RainierFajardoProduction
Автор

**Petition for Anak ni Waray writers to watch Ms. Kara's vlogs**

ronaldvictoria
Автор

This proves that Filipino language is still important to us.
PS: THANKS FOR THIS MS. KARA.❤

darlwinabenoja