HINDI NATIN MAPIPILI ANG ATING LAHI - Homily by Fr. Danchi Hui on Dec 16, 2024

preview_player
Показать описание
HINDI NATIN MAPIPILI ANG ATING LAHI - Homily by Fr. Danchi Hui on Dec 16, 2024

Ikalawang Araw ng Simbang Gabi

Genesis 49, 2. 8-10Salmo 71, 2. 3-4ab. 7-8, 17
Mabubuhay s’yang marangalat sasagana kailanman.
Mateo 1, 1-17

Story: Isang araw umuwi ang anak sa kanilang bahay na tuwang tuwa. Dahil ibinalita niya sa kanyang tatay na mayroon siyang “crush”.

Boyet: Tay ang saya saya ko, naging close na kami ng crush ko na kapitbahay natin.
Tatay: Talaga anak? Sino ito? Ipakilala mo naman sa akin.
Boyet: Tay, siya si Lea yung nakatira sa tapat natin.
Tatay: anak, di puwede. Kasi matagal ko nang sikreto pero kapatid mo si lea. Wag mo sana sasabihin sa nanay mo.

(Nalungkot si Boyet. Paglipas ng isang linggo)

Boyet: Tay good news, may bago na akong crush. Mas maganda at hindi na si Lea.
Tatay: Ganun ba anak? Sige ipakilala mo naman ako. Sino ito?
Boyet: Tay, sya si Lina yung babaeng nakatira sa likod ng bahay natin.
Tatay: Anak, di puwede. Kinalulungkot ko na namang sabihin na anak ko din si Lina.

(Magkahalong inis at lungkot ang naramdaman ni Boyet dahil sa pangalawang pagkakataon lahat ng magustuhan niya ay hindi puwede sapagkat sila ay magkakapatid.)

Sa tuwing lumilipas ang Linggo may bagong pumapalit na crush itong si Boyet. Pero lahat nang iyong hindi pwede, dahil 5 pala ang iba pang anak ng kanyang tatay. Kung kaya’t hindi na nito nakayanan ang kalungkutan. Sinabi na nya sa kanyang ina ang lahat.

Niyapos ng ina si Boyet at inakap. Habang naka-akap sa anak na umiiyak binulong ng ina. Anak magmahal ka kahit sino sa kanilang lima (5). Dahil ang hindi alam ng tatay mo, hindi ka niya anak.

Biblical: Narinig natin ang mahabang lahi ni Hesus. Tatlong tig-labing apat na saling lahi ang inisa-isa bago naisilang si Hesus. Kung titignan mabuti, bawat generasyon, bawat pamilya, at bawat miyembro ay may kaniya kaniyang nakaraan.

Nabangit ang mga pangalang David at Abraham. Sila ay hari at importanteng tao nang kanilang henerasyon. Maharlika ất matutuwid na tao. Kaya naman masasabi nating si Hesus ay mula sa mga lahi ng hari at maharlika. Ito yung patunay sa nasasaad sa kasulatan na ang Mesiyas na isisilang ay mula sa lahi ni David at bilang katuparan ng pangako ng Diyos ayon sa lipi ni Abraham.

Ngunit gâya ng ibang pamilya, hindi perpekto ang lahi ni Hesus. Dahil kasama sa kaniyang angkan si Tamar, isang taga Cana na nakipag relasyon sa kaniyang biyenan. Si Rahab, isang prostitute. Si Ruth ay mula sa tribu ng mga sumasamba sa diyos-diyosan. Si Bathsheba naman ay ang kabit ni Haring David.

Reflection: Isa lang ang sinasabi at ipinapakita ni San Mateo sa atin, “hindi natin mapipili ang ating lahi.” Siguro kung bibigyan lang tayo ng pagkakataon, marahil marami tayong gustong baguhin są ating pamilya. Sigurado mayroon tayong gustong alisin o burahin. O kung uulitin ang ating buhay, magandang itanong sila pa din ba ang aking pipiliin?

Pipiliin mo pa din ba ang iyong ama o papalitan na?
Ituturing mo pa din bang magulang ang iyong ina?
Ang ating mga kapatid, sila pa din ba ay gugustuhin?

Hindi naman mangyayari ang lahat ng ito, dahil ang ating pinagmulan o kasaysayan ay mananatiling ating nakaraan. Ngunit ang puwede lang nating panghawakan ay ang ating kasalukuyan.

Biblical: Ito naman ang magandang itinuturo sa atin ni Hesus. Hindi naging dahilan ang pangit niyang nakaraan para masira ang kaniyang kasalukuyan. Dahil meron tayong kakayanang baguhin ang ano mang pangit sa ating buhay, kung aayusin natin ang ating kasalukuyan.

Contemporary: Walang magagawa si Hesus sa prositute na kapamilya. Kumabit man ang kaniyang lolo, hanggang sa kaniya lang iyon. Maging ang mayayaman at matutuwid niyang angkan wala ding magagawaw są kaniyang buhay. Ang tanging hawak lang ni Hesus ay ang kaniyang sariling kasalukuyan at kinabukasan.

Kaya’t hindi dahilan ang magulong pamilya para maging magulo ang ating buhay. Huwag mong gắwing dahilan ang iyong nakaraan kung sino ka sa kasalukuyan. Dahil meron kang kakayanang maging mas mabuti kaysa sa iyon lahi.

Mga kapatid, ang napaka gandang regalo ng Diyos sa atin ay ang kakayanang mamili at baguhin ang kasalukuyan at kinabukasan kahit na hindi mabura ng iba ang ating nakaraan.
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Praise To You, Lord Jesus Christ...AMEN!!!❤❤❤

rosenaknox
Автор

Thank you po father.masuwerte po ang inyong mga parokyano.dahil kayo ang kanilang parish church

jasminmanahan
Автор

Lord, thank you po sa lahat na biyaya na natanggap nmin galing saiyu.🙏JESUS my LORD, kindly bless our family.esp.my SON, Draw my SIMON PETER CLOSER TO YOUR HEART.♥️ AMEN 🙏🙏🙏

laniegarde
Автор

Praise be God forever, Amen! Maraming salamat po Father Danichi.

juzethyu
Автор

Pinupüri ka namin Panginoong Hesukristo! Amen ❤
Maraming salamat Fr Danichi sa magandang homiliya! Godbless ❤

julietahamoaynazif
Автор

Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo 🙏🙏🙏

rodeliaquilor
Автор

Pinupuri pinasasalamatan ka namin panginoon hesuskristo...

dulcevillanueva
Автор

Thank you Fr. Danichi. God bless po. 🙏

wenanoblejas
Автор

Kayo na din po ang may sabi walang pirpekto tao at pamilya ..ang dami po nyo nakuha he.he.he..Tama po yon ang kasalukuyan ngyn ang pag laanan..

dulcevillanueva