CALZONE 3 WAYS | Ninong Ry

preview_player
Показать описание
Dahil may bago kaming mga oven, parang masarap mag calzone. Tara gawa tayo ng Calzone 3 Ways.

Available na pala ang cookbook natin mga inaanak online at sa lahat ng major bookstores nationwide!
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Panibagong request
Day 1 requesting BOH pero mga bumubuo ng NINONG RY yung iinterviewhin kung paano sila nakilala or nagstart at naging part ng NINONG RY team. Salamat ninong!! 🙂

glennevangelio
Автор

Salamat po Ninong sa pag accommodate ninyo sa mga bata. Mommy po ako nuong ka apelyido mo na Reyes-Caranto 😂. Lagi ka naming pinanunood. Yes, individually. Natutuwa din kasi kami na napaka informative mo magturo ng mga techniques. Malaking bagay sa mga viewers yun kasi nagkakaroon ng understanding bakit kelangan may mga "steps" na hindi sinu shortcut and why there are steps that can be skipped. More power to you and marami kang na influence na magluto maski hindi culinary ang course like si Kuya namin na si songsilog sa tiktok. Sana makapag collab kayo. Super fan mo kami. ❤

carantofamily
Автор

nong pa team ninong cook off ka tapos ikaw mag judge lagyan mo ng cash prize para sa mga ganid para naman makita namin cooking skill nila

issabelseguros
Автор

41:35 this is what I like about ninong ry.. very realistic and relatable ang mga words of wisdom. Continue to inspire and more power po Ninong Ry💞

azia_chloe_matt
Автор

Inaabangan ko na yung yearly 1hr 20 dishes saka 1500 noche buena mo! More videos to come nong! Videos mo paulit ulit na pinapanood namin ng girlfriend ko eh di netflix and chill, ninong ry and chill 😁

carlburgos
Автор

Kagabi first night ko at kakarating ko dito sa baording house kasi dito malapit yung school na pag tuturuan ko mejo malayo sa bahay. Pag katapos ko mag ayos ng gamit sobrang tahimik ng paligid wala akong marinig kaya naisipian kong mag youtube saktong may upload ka nong. Grabe, unang rinig ko palang ng boses mo ninong para na akong nasa bahay (kasi ikaw soundtrip ko pag nag papahinga or nakahiga lang ako sa kwarto) sobrang nakaka tulong yung mga videos mo saaming mga inaanak mo ninong kaya araw arawing mo mag upload haha thank you sa pag papasaya saamin ninong at sa team ninong nadin.

joemfernandez
Автор

Ninong!! Sana mapansin mo itong comment ko. Suggestion for December content: Kada araw (or depende sayo) may gagawin kang Christmas dishes from all over the world of your choice na isang authentic (if kaya) then isang Filipino version non hanggang Dec 25. Ayun lang labyusomats mwuah Dami kong natututunan sa videos mo ❤❤

aldrinarenaza
Автор

Every time kinakanta ni Ninong Ry yung Get Me by MYMP, na-la-last song syndrome ako. I binge watch your episodes and binabalikan yung mga past videos because watching Ninong Ry cooking never fails to make me laugh kc ang kukulit nyo lahat, especially kayo ni Alvin and Ian. Super grateful ako kc watching your videos makes me forget the stress and yung mga things that make me sad (still grieving because I lost my mom and niece, 6 months apart). Anyway, best of luck in everything!

fuyuneko
Автор

Salamat sa content mo Ninong Ry naaayos mo problematic school life ko. Although nahihirapan sa pagbalance ng school work, basta makita ang mga bagong video mo ay nalalagyan ng much needed saya ang araw ko. Keep up the good work and hoping for more videos with you and your crew.

noobslothgamin
Автор

Hi Ninong ! Ikaw at ang team mo ang nag bibigay ngiti sakin nagyon . Nasa ICU po papa ko pero kahit papaano nakakalimot ako may pinag dadaanan kame pamilya . Salamat Ninong and team .❤" tikman na naten yan pero bago yan Jerome slow mo ka muna konti lang. "😊

AnnaTheresseNazario
Автор

Knock, knock! Calzone!

Calzone, the end is near, and so ay face the final curtain...! HA HA waley

Papansin lang hahahahaha God bless you always Ninong Ry, kayong lahat ng, team at family. Nagpapasaya kayo ng araw ko palagii, at marami akong natutunan sayo sa pagluluto, at mga kalokohan haha. Continue the good work Ninong!

josiahcastillo
Автор

Thanks ninong ry! Di pa man pasko pero ang dami mo ng gift na recipe saamin. Yung mukang mahirap eh pinapadali mo. I am a busy/working mom. Kaya minsan ang hirap na mag isip ng iluluto. Thank's to you, mas dumali maging mom.
Good luck sa team Ninong Ry and more power mga pogi!

BakeNbike
Автор

Ninong Ry! Walang kupas talaga. Since pandemic, naging family habit na namin manood mg uploads mo. Nakakatuwa lang na sa sobrang engaged kami manood, pag nagtatanong ka, napapasagot kami! Hahaha!

More power sa buong Team Ninong Ry! Sana ma meet ko kayo soon at mapa autograph ang cookbook mo!

KalsSanPedro
Автор

Nong una sa lahat MARAMING MARAMING salamat sa pag papasaya at pag bibigay inspirasyon sa lahat..di ko na mabilang kung ilang beses mo na bago ang pananaw ko sa buhay, specially yung mga payo mo khit minsan kala mo kulitan lng yung sinasabi mo pro pag iniisip ko madalas tama and applicable sa buhay na meron ako. Isa sa pinaka tumatak skin is nung time na sinabi mo “Hindi nman dumadali ang buhay, Sadyang tumitibay ka lang” grabe ang impact skin nun specially kung pano ko intindihin yung mga sitwasyon na nangyayari sa buhay nmin. Legit nmn na hindi madali ang ang buhay kailangan lng tlga malawak ang pang unawa mo sa mga bagay bagay. Sobrang bless ako nong dahil din sa family ko and wife lalo pang na dagdagan nung nag kita na kmi ng anak ko after 11years..maraming bagay akong gustong mangyari ngayon dahil kasama ko na anak ko..pro higit sa lahat maraming maraming salamat nong kasi sa mga panahong malungkot ang buhay nandun ka pra mag pasaya..IKIGAI..

angelocuizon
Автор

Ang galing mo talaga magturo ng pagluluto ninong Ry, maraming salamat. kayo ang naging stress reliever ko nung mag-isa lang ako sa laguna nung pandemic. alam mo ninong ry kahit blind ako. sobrang dami kong natutunan dahil sa inyo. mabuti na lang at lahat ng ginagawa mo ay sinasamahan mo din ng salita. kaya nakukuha ko lahat ng instruction mo. maraming salamat po ninong ry. more power po sa channel mo. mahal ko po kayo ninong ry team god bless po

Jeffoficial
Автор

Good day Ninong Ry, Nagkameron ako ng Incomplete Spinal Cord Injury, ngayon nakapagluto na ulit ako dahil din sayo, Isa ka sa nagpapagaling sa araw araw kong therapy at lagi mo ako napapasaya at ibang tao at madami ako iba pang natutunan bukod sa mga iba ko pang knowledge, isa ka sa dahilan kung bakit ako ay bumabangon at pinagpatuloy ko ang pagiging Chef ko, galingan mo palagi Ninong Ry, Wish ko humaba pa life mo Ninong dahil madami ka pang matutulungan na tao, looking forward to meet you if akoy magkameron na ng sariling Restaurant ❤

DomTorio
Автор

I have tried some of your recipes, and our foreign friends liked it very much...your food was appreciated by my friends ( Chinese, Malay, Indian) and the experience of being able to introduce Filipino Food was satisfying. Also, like you I am not into measuring ingredients...keep it up ANIMO!!

JaniceH
Автор

the best ung hilamusin mo ung nararamdaman. ung sinabi mong wala tao ang makaka
paff
magagawa sa sirwasyon. maging aral lang lahat.the best k ninong
hindi lang s pagluto pati emosyonal stress. kaya pinapanoo kita palagi hanggang huli
pre more power and god bless u always

benjiealvaro
Автор

Thank you Ninong Ry for always making us laugh and may kasama pang trivia's and free cooking lessons. Sobrang hilig ko magluto, as in mula nung pagkabata ko. Pero magmula nung ma diagnose ako with Borderline Personality Disorder, ADHD, anxiety and depression, biglang nawala ung passion ko for cooking. I am battling with my mental health together with my diabetes, pancreatitis, PCOS and ovary cyst. Sinabi na nga ng mga tao na hinakot ko na lahat ng sakit. Unti unti na lumalabo paningin ko pero sa kakanuod ko ng mga videos mo, bumabalik ung urge ko to cook again. I miss baking and cooking my family good food and I know, babalik din ung passion ko, slowly but surely. Thank you so much Ninong. Miss ko na camping vlogs nyo pero I know hindi nyo magawa kasi nga may baby ka to look after. More power Ninong and the whole team. Kakainggit ung samahan nyo napaka SOLID!

jefflee
Автор

Ninong Ry, everytime na mag nonotify talaga sa phone ko na may bago kang upload, hindi pwedeng hindi ko mapanood. Dahil sobrang natatanggal stress ko pag pinapanood ko vlogs mo. Sobrang benta ng humor mo at madami ako natututunan sa pagluluto dahil sa’yo. Naaapply ko lagi tuwing pinagluluto ko partner ko at anak ko dito sa bahay. More power sainyo Ninong Ry and team! 🫶

marcocanlift