Operation lapses sa Chinese kidnapping, iniimbestigahan ng PNP-AKG – PNP spox

preview_player
Показать описание
Wala umanong pagtatakip na nangyari sa likod ng tunay na mananagot sa pagkabaril ng isang Chinese national sa nangyaring kidnapping incident, ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson P/Col. Jean Fajardo.

Hindi pa aniya nabasa ni Fajardo ang report na inilabas ng PNP pero nang makausap niya ang director ng AKG, sinabi umano sa kanya na iimbestigahan pa ang nangyari.

Tiniyak ni Fajardo na pananagutin at pangangalanan ang pulis o isang patrol man na nakabaril sa isang Chinese national.

Nasampahan na umano ng kaso ang pulis pero hihintayin pa rin nilang matapos ang imbestigasyon. Accountability rin sa parte ng PNP-AKG na naglabas ng press release na nagsasabing isang Chinese national din ang nakabaril sa biktima.

#TedFailonandDJChaCha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Abolish PNP organization palitan Ng army

AntonTV
Автор

Ang labo naman ng report ng PNP. Aksidente pero 2 ang nabaril? Ano ba tlga ang totoo? Hindi sinasadya pero tinatamaan?

geralynpelesores