Bakit nga ba laging viral si Pastor Ed Lapiz? | Ogie Diaz

preview_player
Показать описание

SUBSCRIBE NA SA TEAM WA ECHOS!

#OgieDiaz #pastoredlapiz #TeamWaEchos
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Pastor Ed Lapiz is my turning point. God changed me since 2018. Dati akong alcoholic, walang trabaho, depressed at sobrang negative in life. Simula noon nabago yung way of thinking ko at siyempre yung faith ko. Now I am changed, we have a business, working as video editor for foreign clients and taking care of my mentally challenge sibling. Naging responsable ako since then.

IAMS
Автор

I’m a born Catholic pero noong nandito na ako sa Canada ay dumaan sa wall ko sa YouTube ang preaching ni Pastor Ed Lapiz at since I came here in Canada ay maraming beses ko na rin nabasa ang Bible from Genesis to Revelation at marami din ako memorized na verses sa Bible kaya noong marinig ko ang preaching ni Pastor Ed ay na discern ko kaagad ang mga katotohanan ng mga sinasabi niya na reality in life thru Bible kaya since then ay every day ko nang pina pakinggan ang preaching niya. Pagka gising ko ay yon kaagad ang pinapa pakinggan ko sa YouTube at mula noon hanggang ngayon ay siya pa rin ang pina pakinggan ko more or less 20 years ago at every January ay pina padala ko thru online Remitance ang kunting abuloy ko sa Day by Day ministry bilang pasa salamat. Thanks God at thanks Pastor Ed, you fulfilled my life thru your preaching coming from Father God thru Jesus Christ.

ronniecalumag
Автор

I was a catholic for 30 years; used to be a sakristan, a choir, did all religious duties, but never learned to have a "personal relationship" with God thru Jesus. My first encounter with Ptr. Ed in January 6, 2002 in his live preaching changed all that. From a "religious" to spiritual person now experiencing the love of God, His embrace, His direction and guidance every step of the way....

jimmyjohnsantos
Автор

One of the best interview mo Sir Ogie Diaz. My favorite Pastor Ed Lapiz na tumatagos sa puso mga preaching nya. Praised GOD...🙏❤️❤️❤️

noelabella
Автор

#1 to si Ptr Ed Lapiz sa pinaka gustong kung Preacher/Pastor, yes I am a Pastor too, but I’ve been always learned from him. Iba ang nag iisang Ptr Ed Lapiz. 🔥🔥🔥

bongbongfederizo
Автор

I love Pastor Ed. He is the best. Yes, I am a devoted Catholic pero iba siya. No boring moment sa mga preachings niya. God bless you always, Pastor Ed.

QuipsandQuotes.Official
Автор

Kahit buong araw na makikinig ako kay Pastor Ed hindi talaga aq mgsasawa, kahit sinasampal aq sa mga preaching nia ang ganda parin pakinggan 😇😇🥰❤

Pilipinas-ix
Автор

What I like the most about Pastor Ed is that he always says na walang particular religion ang salvation kundi pano mo tinanggap si Jesus sa puso at gawa. That's the way I interpreted his message. Kaya even I'm a Catholic by religion pero naging follower ako ni Pastor Ed since then. Talagang magaling siya magpreach at minsan may sense of humor pa. God bless Pastor Ed!☺

denisalorenzo
Автор

"Everytime na mayron kang pwedeng tulungan, gawan ng mabuti, gawin mo." -Pastor Ed Lapiz ❤

professorx
Автор

Alam u kuya Ogie, 10 years na me living here in Australia, naging roller coaster ang life ko here, pero isa si Pastor Ed na ginamit ng DIYOS to direct my life to the right path. I always listen to his podcast if not daily, at least every other day. I’ll tell you, Philippines is so fortunate & blessed to have a pastor like kuya Ed because he could be compared to Solomon na binigyan at pinagpala ng PANGINOON ng great knowledge & wisdom! Very spot on, realistic & very practical to apply sa life ang preaching ni Pastor Ed.😊

FilipinoInAustralia
Автор

Naiyak ako doon sa sinabi ni Pastor Lapiz na "Hindi ko pararanas sa anak ko ang hirap na naranasan ko sa magulang ko at yung OFW na nag titiis nalang" . I chased my dream. I struggled alot. But now I harvest the fruit na aking itinanim. Sarap ng pakiramdam. Mag tanim ng mabuti ng saganun umani ng mabuti. Araw araw ko pinapakinggaan sa Spotify si Pastor Lapiz. Pagising sa umaga, matutulog, habang nag lilinis ng bahay, habang nag dadrive. Gustong gusto ko yung mga preaching niya. ❤❤❤❤

staykind
Автор

Ptr. Ed Lapiz is one of my fav pastor ever since. bata pa ko pinaki kinggan ko sya sa DZAS, DAY BY DAY. real talk ang preaching nya. God bless ptr.

Divine_M
Автор

Anong meron ka? Anong kakayahan mo? Anong kalakasan mo?
Gamitin mo yun para maingat mo ang sarili mo. - Ptr. Ed

Thank you po sa episode na to. Really big help! Sana may Part 2

TeptepZablan
Автор

Almost 28 years na po ako nakikinig kay Pastor Ed Lapiz, wala pa social media nakikinig na kami sa kanya sa radio 702 DZAS pag 6pm na. Umaattend kami pag Pistang Kristyano sa Folk Arts. Sobrang husay parin mag message. Napaka praktikal at masasalamin mo ung sarili mo sa mga sinasabi niya. Sobrang nakaka blessed. Tong interview pa lang na to feeling ko kumain na ako ng complete meal for 1 week. Busog na busog sa message mula sa Lord. Praise God po sa buhay ni Pastor Ed. Thank you Mama Ogs for this interview grabhe ito ang pinaka the best!!!! ❤❤❤❤❤

edrianreyes
Автор

Level up na si mama Ogs! Pastor Ed na yarn! 👏👏👏👏
Work from home ako during pandemic, and it was Pastor Ed's preaching via Youtube who kept my sanity intact. Marami akong natutunan sa mga preaching nya very practical yet biblical. Salute to you Ptr Ed and thank you Mama Ogs for guesting him. Napaka talino derecho magsalita.

thelrv
Автор

Grabe, bakit nakakaiyak ito 🥲, this is the best interview you have Ogie Diaz! Busog na busog kami sa wisdom. Ang sarap makinig, may saysay. Madami kaming natutunan mag-asawa ❤ Please have another interview with Pastor Ed 🙏

joannagiron
Автор

I grew up hearing pastor Ed's preaching every morning kasi nakikinig yung mother ko everyday bago ako pumasok sa school. Now, I am a working professional, I am still blessed to his preachings and teachings. God bless you more pastor Ed!

josiahb.
Автор

Si Pastor Ed ang nagmulat at gumising sakin mula sa depression at pagiging alcoholic, sugalero at pabaya sa pamilya pati sa trabaho. Mula ng marinig ko ang mga aral nya mula sa bibliya, lahat ay naayos ko unti unti at muli akong nakakita ng liwanag at nagkaron ng malawak na kaisipan muling nagkaron ng direksyon ang buhay ko. Salamat ng marami. 🙏

lemzkiechannel
Автор

Mabuti na I feature mo si Ptr Ed Lapis kahit once lang. Madami ang natutunan sa kanya. Puno ng wisdom. Salamat ogie Diaz. God leads you to this man.

ameliacano
Автор

GenZ here! I've been listening to Pastor Ed Lapiz for as long as I can remember. Yes, batang 702 DZAS ako, I listen along with my family through the radio every 6 or 7PM, but since wala na kaming radio ngayon, we watch and listen sa preaching niya sa SmartTV now. As a kid, I did not understand what he preaches, but as I grew older, mas nakaka relate na ako and I love having to listen to him because he is like the lolo or papa I never had. He gives wise advice and always sees other's perspective, yung di pinapansin ng iba. I am grateful laki ako sa preaching niya and sa salita ng Diyos. <3

KerenetteChi