Effective Method to Pay Your Debt - Paano Bayaran ang Utang (2 Steps Before Investing)

preview_player
Показать описание
Paano nga ba ang epektibong pagbabayad ng utang? Sa episode na ito, paguusapan naman natin ang dalawang bagay na dapat muna nating gagawin bago tayo magsisimulang mag invest. Ang unang step na dapat nating gagawin bago tayo magsimulang mag-invest is to pay-off all your debts o bayaran ang lahat ng ating pagkakautang.

May dalawang methods sa pagbayad ng utang base sa advise ng mga personal finance planner experts: Unang method ay ang tinatawag na
Method #1: Avalanche Method at ang pangalawang method ay
Method #2: Snowball Method.

Aalamin din natin alin sa dalawang method ang effective sa pagbabayad ng utang?

Ano itong avalanche? Ang literal na avalanche ay yung pagguho – parang katulad ng landslide. Biglaan at yung buong structure o lupa ay gumuho.

Ano naman itong snowball? During winter ang literal na snowball ay binilo na snow na nagsisimula sa maliit na parang bola. When you push it down a snowy hill dahan dahan ito lalaki as it gains mass and speed.

Ang snowball at avalanche ay paghahalintulad lang sa paraan ng pagbabayad ng utang. Narito po yun.

Sa Avalance Method, uunahin mong babayaran ang utang na may pinakamalaking interest. Kapag bayad na ang may pinakamalaking interest, isusunod mo naman ang naiwang utang na may sumunod na pinakamalaking interest.

Ang pangalawang method sa pagbabayad ng utang ay ang tinatawag na snowball method. Sa snowball method uunahin nating babayaran ang utang na may pinakamaliit na outstanding balance, regardless kung magkano ang interest rate nito. Then isusunod na bayaran ang susunod na may pinakamalaking balance, palaki ng palaki parang snowball.

Alin sa dalawang method ang effective sa pagbabayad ng utang? Alam nio po ba na base sa mga pag aaral ang snowball method ang mas effective sa pagbabayad ng utang kung ikumpara sa avalanche method? Ito ay dahil sa emotional aspect ng snowball method. Mas masarap sa pakiramdam na dahan dahan, nababawasan ang bilang ng iyong pagkakautang. At dahil dito mas na momotivate ka na magbayad ng iyong utang dahil nakikita mong isa isang nawawala ang mga ito sa iyong listahan.

Kaya alin sa dalawang method ang gagamitin natin sa pagbabayad ng ating utang. It really depends on you. Whatever is best na applicable sa inyong personal circumstance, go for it. Ang important, mababyaran mo ang mga ito and in due time you will be debt-free, at last.

Don't forget to subscribe to our channel OFW Power.
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

First t here thank you sir sa lahat nang learnings niyo na na esgare sa amin

maidhongkong
Автор

Bombay is not 10%. It is 20%. You borrow 5, you return 6. You borrow 100, you return 120.

Layput
Автор

If may utang na 450k for years na hindi mababayaran tama bang mag-resign sa work para makuha ang retirement fund pambayad sa at least 50%? And then ung maiiwan un ang start na irecompute at unti-unting bayaran?

monicaayeras