TONEEJAY - 711 (Official Lyric Video)

preview_player
Показать описание
Listen to "711" on all streaming platforms:
--

"711" written by TONEEJAY
Produced by TONEEJAY
Additional tracking by Max Cinco (drums) and Dave Silonga (bass)
Mixed and mastered by Sam Marquez
Recorded at A Patch of Sound Studio with additional tracking at Meadowlark Productions and Kosmik Island Studio

Shot by Glenn Chua
Featuring Mochi and Toasty

©MARILAG Recordings International Inc. 2023

#711 #711toneejay #OfficialLyricVideo #TONEEJAY

--

Lyrics:

Balang araw masusulat ko kaya
Ang kanta na bibili
Ng bahay sa Santa Rosa

Maglalagay ako ng 7-Eleven
Sa highway kahit ayaw kong maging
Kapitalista

At bibili ako ng kotse
Kasi sabi mo bawal
Ang magmotor

Pero ang totoo
‘Di bale na ako
Ikaw lang naman
Ikaw lang iniisip ko
Kasi

Gusto kong ibigay
Ang buhay na gusto mo
At gusto kong ibigay
Ang buhay na gusto mo
At gagawin ko’ng kahit ano
Gusto kong ibigay
Ang buhay na gusto mo

At balang araw maidadala kita
Sa Shibuya o sa may cafe na
May capybara

At pwede tayong magretire
Sa Vancouver
Sa may Canada

Pero ang totoo
‘Di bale na ako
Ikaw lang naman
Ikaw lang iniisip ko
Kasi

Gusto kong ibigay
Ang buhay na gusto mo
At gusto kong ibigay
Ang buhay na gusto mo
At gagawin ko’ng kahit ano
Gusto kong ibigay
Ang buhay na gusto mo

Parararapa-rarapa-rara
Parararapa-rarapa-rara

Gusto kong ibigay
Ang buhay na gusto mo
At gusto kong ibigay
Ang buhay na gusto mo
At gagawin ko’ng kahit ano
Gusto kong ibigay
Ang buhay na gusto mo

Parararapa-rarapa-rara
(Ang buhay na gusto mo)
Parararapa-rarapa-rara
(Ang buhay na gusto mo)
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Pinatugtog ng boyfriend ko eto sa akin during our date. I thought the song is about just fun because of the title pero ang lalim ng meaning pala. Been with him for years and during those time he's been unstable and depressed. He searched his purpose in life and now he finally did and kinakamit na nya ngayon but by bit. Yung lyrics netong kanta yung lagi nyang sinasabi sa akin and lalo kong pinagdadasal na sana matupad na nya yung pangarap nya. So, thank you for making it into a song that reminds me of our dreams in life together.

anakusaki
Автор

To anyone who’s reading this, palag lang ng palag. Balang araw, makukuha din nating lahat yung mga buhay na gusto natin. ✨💖

anahermanya
Автор

Listening to this song while thinking of my parents. ❤️❤️❤️ I hope one day, maka bawi din ako sa mga sacrifices nila. ❤️

alianajanemalana
Автор

"gusto kong ibigay ang buhay na gusto mo" me saying to my 2 nanays. Di ko na iniisip na mag asawa or siipin sarili ko kasi gsuto ko ibigay sa mama ko ang buhay na gusto nya, di mamomoblema sa pagtanda, uulamin, sasamahan ko sha huling hininga nya. Isa sa dahilan bat nabubuhay pa ako dhil sa mama ko.

hellokatt
Автор

Yung mga “sana all” natin sa buhay matutupad din In God’s perfect time, MANIWALA ka lang😘

JomilleRamos
Автор

"Gusto kong ibigay buhay na gusto mo" Saktong sakto first day ko bukas sa work nakaka motivate to.

markanthonya.sanmateo
Автор

thank youuuu sa song mo na 'to. My motivation to continue everything I'm about to end. lalo na pag-aaral ko. i'm stuck between magdrop to work para i-prio my financial needs o to stop sa work and magresign to focus on my studies pero walang pera to support my needs. Hayss but this song came to remind me na ako at ako lang rin ang makakapagbigay ng buhay na gusto ko. Laban langgg self! kaya mo 'yan para maibigay mo ang buhay na gusto mo. 💗



P. S. thank youu everyone for cheering me up po! i didn't expect my comment will get likes and motivational replies. it's something rarely received and highly appreciated.


I will get back to this comment after I graduate. 🤗🤗🤗

zelle
Автор

As a panganay na tumayo bilang magulang sa kapatid ko this song made me realize a lot of things gaya nalang ng hindi ko pagka experience ng buong childhood ko kasi nga nagpapakananay, tatay at ate ako sa kapatid ko. Ngayong 21 years old na ako at nagkakaroon ng existential crisis, depression at nawawalam na ng pag-asa sa buhay, this gave me hope na magpatuloy pa at mag strive sa buhay para ma spoil ko naman yung sarili ko

CarmenAlonzo-cn
Автор

I dedicated this song to my father. Ever since bata pa'ko he risked everything while working his entire ass off, Kargador lang si papa but he acted like he is the riches among everyone. Sobrang proud ako kay papa for risking and taking care of me when I had an absent mother, he became my mother and father even if he knows to himself it's gonna be harder, I want to dedicate this song to him because I want to give him everything, Gusto kong ibigay ang gusto nya na buhay. he is my motivation when I feel so drown in my own emotions. Because I know he had gone through it harder. Love you papa, I promise that I'm gonna make you happier once I graduate. I hope he knows I'm proud of him, and I'll never stop being proud. ❤😊

mariah-xtwi
Автор

My new anthem in life. LPT na ko! Salamat sa piyesa mo kinaya ko lahat mula buwan ng Setyembre para sa buhay na gusto ko, sa pamilya ko at sa alaga kong pusa na si Ybby. 🌸

RehbeeLPT
Автор

Ako naiiyak habang pinapakinggan to, naalala ko yung mga panahong gustung- gusto kong kumain sa fastfood pero wala akong pera, at wala namang magulang na mahingian. Yung gusto kong maranasan matikman ang mamahaling kape, makapunta sa concert, bumili ng hoodie na jacket. Pero wala akong kakayahan, ngayon nag sisink in saken na kaya ko na humakbang.
Ngayon gumagastos na ako hindi dahil sa gusto ko lang, kundi dahil minsan kong pinangarap yung mga binibili ko ngayon. Malayo pa pero alam ko itong "balang araw", mapapalitan ng
"ito na yon"!.
Salamat Toneejay. 🎉

hailaremmanuel
Автор

I listened to this song for the first time, it's my girlfriend's favorite and she said I come to her mind everytime she listens to this and so I did. I got emotional deep inside kasi parang na translate sa kanta yung mga bagay na gusto ko sabihin kapag nag uusap kami about future. I've been with her for more than a year now and we're on the verge of experiencing hard core shits in our relationship and wala akong ibang gusto kundi maibigay yung gusto nya, maibigay yung deserve nya, My dream was to be financially stable and emotionally stable to give her needs and marry her someday, but after listening to this, I've realized, it's not about me or so, ang totoong makakapag pasaya and makakapag pa kuntento sakin is yung kung saan sya magiging masaya, kampante, komportable, and kuntento.



If anyone would read this at November 13, 2030
Hit this up, I wanna be reminded about this and I wanna see if that dream came true:))

ceejayyy
Автор

Para kila mama, laban lang. 🥺💖 konting tiis pa ma, makakabawi rin ako sainyo! 🤞

noshkanicoleescote
Автор

I dedicated this song para sa aking mama, na kahit ilang beses akong sumablay na makatulong sa responsibilidad sa bahay hindi ako nakarinig ng masasakit na salita. Mahal na mahal kita mama, balang araw makakapag grocery din tayo na hindi ka gumagamit ng calculator ❤

mongklips
Автор

I just love this song. Parang kinakantahan ko lang ang sarili ko...Congrats self, nakapunta ka na sa Baguio (my greatest achievement so far). Next time, sa Vancouver na!

irahcoleennoble
Автор

Dedicated this song sa mama ko na nasa heaven na :) Ang sarap lang sa feeling na, na malungkot na tutuparin mo parin yung mga gsto niya at pangarap mo nuon saknya kahit wala na siya :) " Gusto kong ibigay ang buhay na gusto mo" Mahal na mhal kita mama :)

graisberry
Автор

"Di bale na ako" this hits different kapag alam mong malamang yung pangarap mo na gusto mong maibigay para sa mga taong nakapaligid sayo🥺as someone na sobrang laki ng pangarap para sa family and partner sobrang nakaka uplift to keep moving forward!!! solid!!! nawa'y maging masaya tayong lahat sa buhay soon 🙏🤍 thank you for this toneejay!!! 💝

johnliampiolomarino
Автор

My mom saw me last night na kinakanta to while looking at my 2 younger siblings na mejo nangingilid ang luha. Tinanong nya ko kung bakit and I stare at them all and telling myself, na balang araw maibibigay ko rin lahat ng gusto nila, lahat lahat.

Thankyou TJ sa kanta mong to! Hindi ko nakakalimutan araw araw na may pangarap ako at may pangarap ako para sa pamilya ko! At gagawin ko kahit ano maibigay ko lang yung buhay na pangarap nila at pangarap ng batang ako💓

nonnosseme
Автор

bigest realization ko is dati nung mga 16, 17, 18 19, years old ako sobrang gaan ng buhay sakin, kahit na di kami ganon kayaman eh napapag aral pako ni mama sa private school, tas di ko man lang naisip na pahalagahan yon, yung mga araw araw na hihingi lang ako ng baon tas minsan galit pako kasi kulang, tas sobrang di ako naging perpektong anak sa mama ko, though may papa namn ako kaso yung work di naman ganon kalaki sahod, so yung mama ko lahat yung nag papaaral samin, saka kolang narealize na tama nga sinasabi nila, pag naging magulang kana dun mo maiintindihan, so ngayon sobrang andami kolang realization talaga, kahit ang hirap ng buhay nakakaya padin ni mama ibigay yung buhay na gusto ko kahit na sobrang hirap din siya... sharawt sa mama kong the best at sobrang maintindihin.

Vana-dd
Автор

I heard this song on TikTok. Sarap nya pakinggan kahit hindi pa nag sisink in sakin yung lyrics hehe. I searched it on Spotify, and it is now my #1 “on repeat” . While I'm currently reviewing for my upcoming exam, this song becomes my motivation for achieving the life I dream of. “Gusto kong ibigay ang buhay na gusto mo” Thank you, TJ! ✨
- fUSRN 2024

Ps. By God’s grace I passed NCLEX. 😭❤️

julieteey