LBCF Ch 31.1 - The state of Humanity after Death & Resurrection of the Dead (20Feb22 Ptr Jeremiah)

preview_player
Показать описание
Adult Sunday School
Date: 20-Feb-2022
Title: LBCF Chapter 31.1 - Ang Kalagayan ng mga Tao Matapos ang Kamatayan (20-Feb-2022 Pastor Jeremiah)
Youtube: LBCF Chapter 31.1 - The State of Humanity After Death and the Ressurection of the Dead (20-Feb-2022 Pastor Jeremiah)
Study Series: 1689 Baptist Confession of Faith

1689 LBCF Chap.31 Paragraph 1

Ang paksang ito ay napapabilang sa pangkalahatang paksa na tinatawag na ESCHATOLOGY (Doctrine of the Last Things)

Ang 'Intermediate State' ay ang kalagayan ng kaluluwa ng tao simula sa oras ng kamatayan at mananatili doon hanggang sa muling pagkabuhay. Hindi pa ito ang panghuling kalagayan ng tao mabuti man o masama.

1. Ang pagkakaiba ng katawan at kaluluwa
Ang katawan ay nagiging alabok ngunit ang kaluluwa ay hindi namamatay o natutulog.
May dalawang bumubuo sa tao:
katawan at kaluluwa (o espiritu)
Ang katawan ang namamatay na sangkap.
Ang kaluluwa (espiritu) ang hindi namamatay (o immortal).
Wala nang 'consciousness' o kamalayan ang mga yumao sa pangyayari sa mundo.
Gen.3:19 - sa alabok ka babalik
Patay ang katawan na hiwalay sa kaluluwa (Sant.2:26, Eccl.12:7)

Mga Pagtutuwid:
Sa SNJ (JW) - na napupuksa daw ang kaluluwa (annihilation)
Sa SDA - na natutulog lang daw (soul sleep)

Tandaan:
Hindi tumitigil sa pag-iral (existence) ang kaluluwa kahit pagkamatay ng isang tao.

Ngunit para sa mga na kay Kristo ay inalis na ng Diyos ang kamandag ng kamatayan.
Mayroon pa ring sakit na mararamdaman sapagkat ang kamatayan ay hindi natural na bagay ayon sa disenyo ng Diyos sa tao kung kaya may pagtatagisan (tension) nararanasan.
Gayunman, hindi maghihiwalay ang kamatayan sa mananampalataya kay Kristo.
(Fil.1:21-23)
Maliban sa kaalamang buhat sa Salita ng Diyos ay walang pagkaunawa ang mga tao sa hiwaga ng kamatayan.

2. Ang pagkakaiba ng matutuwid at masasama

A. Ang kaluluwa ng matuwid ay dadako sa Paraiso (Langit) kasama ni Kristo na hinihintay ang ganap na katubusan ng katawan nila.

Pablo: "Wala sa katawan ngunit kapiling ng Panginoon"

Jesus said to the thief "Today you will be WITH me in Paradise" - which means there is no interim peiod like the so called purgatory or 'soul sleep'.

2 Cor.5:6-9 - nasa 'tahanan' o malayo sa 'tahanan' - tumutukoy sa katawan

Ang kaluluwa ng matutuwid ay pinabanal na o pinasakdal (Heb.12:23 - mga espirito ng mga matuwid NA pinasakdal)

Beatific vision - theological term to mean the saints will finally see Christ face to face.

Ang katawan ng matutuwid ay kailangan pang ganap na matubos, tulad ni Kristo sa kanyang pagkabuhay-muli.

Apoc.6:9-11 - naghihintay ang kaluluwa ng matutuwid na pinatay
2 Cor.5:2-4 - nagnanais na 'mabihisan' sa panghuling katubusan ng kanilang katawan

B. Ang kaluluwa ng masasama ay inihahagis sa impiyerno

Doon ay hinihintay naman nila ang panghuling paghatol at darating na ganap na parusa.

Mas magiging ganap ang kanilang pagdurusa sa araw ng pagkabuhay na muli ng kanilang katawan.

BABALA:
Hindi dapat ipagwalang-bahala ang mga bagay na ito.
Naisip mo na ba ang hantungan ng iyong kaluluwa kapag ikaw na namatay??

Magsisi ka sa iyong kasalanan at manampalataya sa katuwiran lamang ni Hesu-Kristo at ikaw ay maliligtas.
Рекомендации по теме