College Life 3 (Christmas Break) | Pinoy Animation

preview_player
Показать описание
HAPPY NEW YEAR SA INYONG LAHAT!!

Maraming salamat nga pala sa STARBRIGHT OFFICE DEPOT, INC. sa pagsponsor sa video na to. Kung may iba pa kayong tanong regarding sa company nila, heto ang mga links sa kanilang social media accounts.

---------
Alam ko may mga prof na ayaw talaga magbigay ng gawain every christmas break kasi una, ayaw rin nila magcheck ng maraming plates o kung ano pa man pagbalik ng pasukan. At pangalawa ay wala rin silang choice kung hindi maghabol. So kung ganon ang case, eh ok na ok sakin yon. Ang kaso kasi may mga prof talaga na nang iinis lang. Yung tipong may mindset na "naranasan namin to dati, ngayon danasin nyo rin". Yung kahit di naman naghahabol ng gawain, magbibigay parin kasi trip lang.
Bata ka ba sir/maam?

Alam nyo may madalas lang ako pag isipan nung college tuwing nagpupuyat. At yun ay ang… Sino ba kasi nagpangalan sa plates ng plates? Pwede namang “super duper architectural ultimate mega wooaaahhh drawings” para di nakakalito kumpara sa plates. Pag naririnig kasi yan ng ibang tao ang palaging sinasabi “ay HRM student ka? hugas plato?” at least kung “super duper architectural ultimate mega wooaaahhh drawings” mas magegets nila.
Halimbawa may ibang taong nakikinig sa usapan nyo ang maririnig nila ganito:
Friend: “pre nakagawa ka na ng super duper architectural ultimate mega wooaaahhh drawings”
Me: “di pa nga eh. pero mamaya gagawa na ako ng super duper architectural ultimate mega wooaaahhh drawings”
Ibang tao na makakarinig: “ay arki student to”
Oh diba!.....oh diba ang random.
Another thing is yung rizal subject sa 5th year. Gaya nga ng nasabi ko kanina, Alam ko kung bakit natin kailangan pag aralan ang buhay at akda ni rizal pero para ilagay sa huling sem ng 5th year kung san nakasalalay ang paggraduate namin? ohmygod! Buti sana kung madali lang ang subject na yan. Ay nako! Hindi kaya madali aralin ang buhay ni rizal. Kung ilan sila sa pamilya, kelan sya umalis papuntang eyuropa, kelan sya nagpatuli, ilan naging chix nya , etc. Tapos idagdag mo pa yung noli me tangere at el filibusterismo. Andaming malalalim na salitang kailangan mo pag effortan iresearch dyan bago mo maintindihan gaya ng naghugusan, kahambal-hambal, hungkag, pinagtiyap, mamatnugot.. etc ..lalo tong etchetera! ano meaning nyan? Dejk.. Oh diba, mas matindi pa nosebleed ko dito kesa sa English.. Ngayon ang swerte ng mga kabataan kasi ipinalabas yung maria clara at Ibarra. Sobrang laking tulong nya kasi mas madali maintindihan in a form of drama, puro nga lang sila mga hashtag filay filay.
Ayun lang, andaldal ko na nga sa video tapos andaldal ko pa dito. Bye!!

--------------
My social media accounts
Tiktok : vinceanimation101

---------

music used:

Pls pls pls pls consider subscribing to these channels

Music used :
Retro by Wayne jones

👉Music: swipesy cakewalk by E's jammy jams

Christmas Background Music

No Copyright Music by OlexandrMusic

-----------

#vinceanimation #pinoyanimation #college #christmasbreak
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

HAPPY NEW YEAR SA INYONG LAHAT! So ayun nga tinrangkaso ako kaya nadelay to. Pero magaling na ako ngayon hahaha

Yung magpapashout out para sa next vid, dito magreply

VinceAnimation
Автор

Tama lahat yung nasa video na'to. Life of an Architect isn't easy but yet rewarding. Trivia: sa 1st year, dami pa ninyo, hanggang 3 sections pa. 2nd sem bawas na mga 3%. Second year, 2 sections na lang; 3rd year, isang section na lang kasi dami na nag shift ng course sa mga dahilan: 1) Di na kinaya ang hirap, pagod, puyat. 2) Nahirapan nang pagsabayin yung Math(engr'ng subjects) at Arch'l; daming bagsak na subjects 3) Mas pinili nang magpapogi't mabango keysa walang ligo dahil di nkapagtulog 48hrs or more. Sa mga survivors at thriving ngayon sa real world, Kudos!

jaibruce
Автор

Merry Christmas! Ay, welcome back bossing! Mukang wala ding Christmas Break sa mga animator ah 🤧

Gelonimation
Автор

Finally found an animator na marunong gumamit ng background effects huhue galing mag storytelling ni Vince animation! 💕

dprincess
Автор

Tama siya! working in a corporate company ako for 10 years, halos walang break talaga. sana ma considered yung break sa mga students :)

kaiha
Автор

"Ayoko na! Joke lang pala" and "yahoo is so relatable🤣

leelin
Автор

Yey! Nalate ako ah, di ko agad to nakita
Quality talaga animations nitooo, grabe effort sa 16 minute video!!!
Di ko makalimutan yung pagbalik balik mo sa pagkain at sa plates hahaha

toonirex
Автор

Grabe ka na Vince! HAHAHA THE EFFORT 💯
Dream course ko dati yung architecture, parang hindi ko pala kaya😭😂

JedAnimationStory
Автор

Blessed tayo kay kuya vince dahil lagi syang nagpapa-shout out at pinapakita niya ang kanyang mga fan art. Balang araw kapag nang 1million sya, mamimiss ng mga kapwa fans yung ganitong panahon. Bless you kuya vince, feb na next month. Love life naman pag-usapan mo

charlenejusgado
Автор

One and only animator na di mo sasawaan ang pagkkwento 👌
Hindi boring, hindi OA, at hindi trying hard ung humor. 😆

brokilyams
Автор

this kind of humor is the best, never fails to make me laugh

just_in
Автор

Vince ngayun nlang ulit ako nkapnood and grabe naglevel up content mo!! Sobrng stress reliever sya mula s work. Thnk you!

jcramos
Автор

Salamat sa Shout Awt✌️😅
Ako nga Christmas Party namin.
Nag tatrabaho pa'ko eh...ng (libre)
😅 Ako ang nag cocover at nag si same day edit ng Party 🤣

Kristories
Автор

I'm really impressed by how much effort and work you put into this video. Keep it up Kuya Vince💗✨

hotarubyy
Автор

As a Fil-Am I was kind of shocked to see how different courses were handled in the Philippines. For us at least, you don’t have work over winter break unless you took courses for the winter mini semester.

peachcherryblossom_
Автор

Huhu, may pinsan ako na architecture AT TOTOO LAHAT TOH, LAGING WALA SYA SA HOLIDAY AT FAMILY GATHERING NAMIN KASI MAY PLATES PA DAW SYANG TINATAPOS, salute sa mga architecture ❤🥹

aira_maee
Автор

Bet ko po yung part na:

"Mag-extend sa college?"

Vince: Ayoko na!
😂😂😂

xxred_riot
Автор

Umuusbong na talaga ang animation sa pilipinas, nicee

styleodaoutof
Автор

Yown!Kua Vince is back!0:17haha Sabay Merry Christmas kuya

zenetsu_cjgaming
Автор

9:08 Noragami reference was surprising but a welcome one.

iamexi