Pinakamamahal Kong Bayan - Jonathan Manalo (Lyrics)

preview_player
Показать описание
Watch the Official Lyric Video of "Pinakamamahal Kong Bayan" by Jonathan Manalo.

Pinakamamahal Kong Bayan - Jonathan Manalo
Words & Music by Soc Villanueva
Arranged by Tommy Katigbak
Guitars by Gabriel Tagadtad
Drums by Christian Borres
Recorded & Mixed by Tim Recla at The Purple Room
Mastered by Jett Galindo at The Bakery, USA
Produced by Jonathan Manalo

Pinakamamahal kong bayan, bakit ka nagkaganyan?
Langit mong inaasam, lupa ang binagsakan
Di ka na nga makaahon, patuloy pang nababaon
Kay taas ng 'yong lipad noon, ba't gumagapang ka ngayon?
Pinakamamahal kong bayan, ano nga bang dahilan?
Sa kabila ng pagsisikap, bakit pa rin naghihirap
Sa pighating lumalaganap, gumuguho ang pangarap

Kung sino-sinong tinawagan, Diyos pa ang kinalimutan.
Pinakamamahal kong bayang Pilipinas Ah hah ahh...
Natatangi ang daan patungong bukas
Kung magkakaisa'y muling mabubuo ang pangarap
At nang minsan pa'y muling magapos ang paghihirap. Bigkis nati'y panalangin Sa iisang Diyos natin Manumbalik sa Kanya hanggang wakas Pinakamamahal kong bayang Pilipinas... (Pilipinas) Ah ahh haah... Kung magkakaisa'y muling mabubuo ang pangarap At nang minsan pa'y muling magapos ang paghihirap. Bigkis nati'y panalangin Sa iisang Diyos natin Manumbalik sa Kanya hanggang wakas Pinakamamahal kong bayang Pilipinas... (Pilipinas) Pinakamamahal kong bayang... PILIPINAS!

Subscribe to the Star Music channel!

Visit our official website!

Connect with us on our Social pages:
Facebook:
Twitter:
Instagram:

Copyright 2020 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.

#PinakamamahalKongBayan #JonathanManalo #StarMusic
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Napakagandang mensahe lalo na sa panahon ngayong may pinagdadaanan ang ating bansa, wag nating kalilimutan ang Diyos na dahilan kung bakit tayo'y nabubuhay para pagpalain ang ating bansa. Mahalin at sambahin natin siya dahil siya ay Diyos. ❤️

MarrianeFrancisco
Автор

Like mo kung gusto mo rin ang PINAKAMAMAHAL KONG BAYAN

devoncerena
Автор

Ang lungkot ng kanta.. DIYOS ko ikaw na ang bahala sa Pinas 🙏

dianedelmendo
Автор

Thanks for this video Saludo ako sa katulad nating mga pilipino mahalin natin ang ating bayan godbless you all

nneltv
Автор

Very nice sir Jonathan! Hopefully, my idol Angeline Quinto will sing this!

jeoffreyguillen
Автор

Naaalala ko, nasa law school pa ako when I first heard of this song. Palagi ko itong napapakinggan sa 702Dzas. Ngayon ko lang nalaman na 1992 pa pala ito isinulat at na released ng Papuri. Napakagandang awitin. Nakakapagpaalab ng puso at pag ibig para sa Diyos at Bayan. 👏❤️🤗🎶💯



Laking #Papuri music ministry po ako, grew up singing & listening to Gospel songs.❤️🙏🏻 Taong 1992, nasa elementary pa, lagi kong kinakanta sa mga churches ang “Pinakamamahal Kong Bayan” from Papuri 13 album na sinulat ni kuya Soc Villanueva.

Sobra akong na-bless nang kantang ito noon pa man at nais ko sanang muling maibahagi sa lahat ang mensahe ng awiting ito. Salamat kay kuya Soc for allowing me to record & produce a new version of it.
The message of this song has always touched my heart and is still very much relevant today; a lot of times I just find myself breaking into tears while listening to this song.
I pray that the song’s message will minister to you the way it had ministered to me.

God bless our country. 🇵🇭
God bless us all.🙏🏻

Sa Diyos ang Papuri!

-- Jonathan Manalo

mahealanilee
Автор

Ito dapat ang maging 2021 New Year's Theme ng ABS-CBN.

GeloLoco
Автор

Aray ko po. This sends chills all over my body. Sana maging makabayan na tayo para sa maayos na pamumuhay hindi lang ng mga mayayaman kung hindi para na rin sa lahat.

esembee_hall
Автор

Stay Strong Philippines.
Nawa'y matutong manalangin lahat para sa agarang paggaling ng lahat at pagbabalik sa dati ng Pilipinas.🙏

lourdesfos
Автор

Nasa Papuri album ito before. Ganda din pala boses ni Sir Jonathan Manalo

dhosme
Автор

An inspiring song. ❤ Love it Sir Jonathan. You are so talented.❤🥰 Hugs and Kisses. ❤

Eljay
Автор

If I recall it correctly, Sir Jonathan Manalo was part of Pambatang Papuri being produced then by FEBC..but this song now is so timely and heartfelt indeed!

tinbello
Автор

One of my favorite song from Papuri 13 composed by Maestro Soc Villanueva and now revived by Maestro Jonathan Manalo also a Papuri artist and song composer and producer of Star Music.

jollytiria
Автор

wla aq masbi, galing nang pgKagawa sa song.Kudos sir Jonathan Manalo 😭😇😊🙏👏💪

Grasstoucher
Автор

ang sakit sakit sa puso ng nangyayari sa bansa natin ngayon lalo na sa atin mga kapwA kong Pilipino. 🥺 bakit, bakit bakit.? may galit, bakit may siraan. bakit may wall na sa atin dahil lang sa election? bakit? bakit umabot tayo s ganito 😭🥺😭 ang sakit sakit sakit sa puso. nakakaiyak na ang kapaligiran natin dahil sa election. 🥺😭🥺😭🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺 pinakamamahal kong bayang Pilipinas bakit ganito na tayo 🥺😭🥺😖🥺😔

CyraG
Автор

Isa sa mga awit na talagang walang kamatayan !!! Napakagandang version Jonathan Manalo ❤️❤️🙏🙏

axanylman
Автор

Ang ganda po. Ser Jonathan, sana po may minus one.

melcho
Автор

Tagos sa puso ang mensahe ng kanta.inspiring, nakakaiyak.sana po magkaisa napo tayong lahat para po sa kapakanan at kaligtasan natin at ng mga mahal natin sa buhay.lalong lalo na po ang ating mga FRONTLINERS...
#WeFightAsOne
#WeHealAsOne

babyjeanbrillo
Автор

I will never stop listening to your relaxing and inspiring song Sir Jonathan. YES! it goes straight to my HEART!

dantelegaspi
Автор

Love the lyrics! Make you think deeper. And somehow, the sentiments resonates with other countries when it comes to faith in God. Yun nga lang, sila progresibo na, tayo di pa nakakaahon tpos humaharap pa sa ganito. 🙏

vimosa
welcome to shbcf.ru