Jello - Hari ng Kalye (Official audio)

preview_player
Показать описание
Jello - Hari ng Kalye (Official audio)

-

"Hari ng Kalye"

Kailan masisilayan ang liwanag mo
Oh oh oh
Kailan ba diringgin lahat ng panalangin ko
Ayoko na dito

Pasukin natin and isang istorya
Na kung saan isang binata ang walang makitang
Liwanag na magbibigay sa kanya ng pag-asa
Mula sa masalimuot na buhay sa kalsada
Isang mundo na kung ituring nya ay paraiso
Kapag walang makain sya’y manglilimos ng piso
Malimit sya’y nakasunod sa kung kani-kanino
Hindi ka iiwanan animo’y iyong anino
Pagsapit ng dilim iba ang kanyang katauhan
Hindi ka sasantuhin kung alahas mo’y lantaran
May balisong na matalim sa kanyang tagiliran
Na tatarak sa iyo sakali mang magkagipitan
Walang sinasanto kahit na sino
Hindi nasisindak parak man ay namemeligro
Matindi ang kanyang motibo kahit na ang bente singko
At sukli mong piso-piso ubos ora-mismo
Hari ng kalye kung siya ay tawagin
Subukan mong pumalag at hindi ka papalarin
Marami nang nabibiktima’t nahuli kanyang paing
Walang ibang alam kundi mga maling gawain
O ano nga ba ang dahilan
Kung ba’t niyakap nya ang puso ng kasamaan
Di magbubunga ng maganda yan
Alamin muna ang istorya bago natin husgahan

Kailan masisilayan ang liwanag mo
Oh oh oh
Kailan ba diringgin lahat ng panalangin ko
Ayoko na dito

Sampung taon pa lamang siya
Nang makulong ang ama nya’t iwanan ng ina
Mula noon siya’y nagpatuloy at unti-unting binuhay
Ang sarili at ang batang kapatid niya
Natuto at ginamit niya ang ulo
Kinabisado bawat eskenita’t bawat kanto
Pinalaki ng lansangan hindi mo magugulangan namulat sa
Kahirapan di nagpatalo
Pag tapos ng bakbakan ruta nya ay sa tindahan
Hindi nya kakalimutan ang ulam sa agahan
At pasalubong nya kay allan na sapatos na
Saksakan ng ganda nito sya mismo di nya nahawakan
Yeah siguro nga’y sobrang sama nyang tao
Kung ang pagbabasehan natin ay mundong husgado
Ngunit paguwi sa bahay naron ang rason sa buhay
At kung bakit nya ginagawa lahat ito
Isang batang walang pinagaralan
Walang magulang na syang sasaway sa kasalanan
Pinaliguan sya ng kamalasan ng tadhana
Panong mababago kanyang kapalaran
Masisisi mo ba ang taong tulad nya?
O naranasan mo ba ang naransan nya?
Sagot ay di mo malalaman kung di mo pinagdaanan
Ang landas na tinatahak nya

Kailan masisilayan ang liwanag mo
Oh oh oh
Kailan ba diringgin lahat ng panalangin ko
Ayoko na oh

Kailan masisilayan ang liwanag mo
Oh oh oh
Kailan ba diringgin lahat ng panalangin ko
Ayoko na dito

-

Follow Jello online:

Words & Music by Jello
Mixed & Mastered by Jello
Produced by Jello

#HariNgKalye #JelloPh #Jello
Рекомендации по теме
welcome to shbcf.ru