Ep 8: Hindi pa nagsasalita ang anak niyo? (Part 1/2) | Teacher Kaye Talks [Taglish]

preview_player
Показать описание
Kamusta po kayong lahat?

Ito po ang kauna-unahan kong Taglish na episode 🥳 at susubukan ko pong gawan lahat ng nauna kong video nang tulad nito.

Paumanhin na po at minsan mahirap nang hanapan ng akmang terminolohiya ang ibang salitang nakasanayan ko 😅

Tulad po ng naikuwento ko sa Episode 1 ng Teacher Kaye Talks, matagal ko nang layunin 'tong LIBRENG TRAINING para sa mga pamilya at iba pang mga tagapag-alaga sa mga batang may kahirapan sa panalita. Mas lalo na para sa mga pamilyang hindi makakuha ng THERAPIST sa lugar nila, o kung ano pang ibang hadlang.

Sa video na 'to, paguusapan ko ang mga posibleng sanhi kung bakit ang anak niyo ay:
- nagtuturo, o hinihila kayo kapag may gusto,
- parang nakakaintindi ng sinasabi, pero hindi pa rin nagsasalita

Sana makatulong ito sa inyo!

* PAALALA lang po: hindi ito katumbas ng aktwal na Speech-Language Pathology (SLP) / Therapy Session, kung saan maoobserbahan at makikilatis ng isang propesyonal tulad ko ang kliyente. Wala nang mas iinam pa sa ganoong paraan ng therapy.

Ito ho ay karagdangan impormasyon na maaari niyong gawin sa bahay, para mapabilis ang paghuhusay ng inyong mga anak.

⭐️ ⭐️ ⭐️

Kumu: @teacherkaye

#teletherapy #speechtherapy #autism #adhd #downsyndrome #intellectualdisability #gdd

* * *
I'm a certified Speech-Language Pathologist based in Metro Manila, Philippines.
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

alisin ang gadget at cellphone. kausapin palagi ang bata.
di na kailangan yung madaming arte arte. Be a mother. wag tamad.

feiersachiak
Автор

Thank you teacher kaye , iaapply ko po to sa anak ko, andami pala naming parents na nag aalala sa speech ng anak namin 🥺😢 laban lang po tayo

melchorcatambis
Автор

Salamat po sa tips, try ko sa anak ko 2yrs old na siya. Worry ako kasi tinuturuan ko nman magsalita at pinapaintindi na ako mama niya at kung sino ang papa niya kaso di niya kmi sinasabihan ng mama or papa. Nagsasalita nman siya pero di nmin maintindihan. Counting numbers, singing alphabet at colors lang. Sana makatulong tong tips mo teacher kaye❤

RanieDalec
Автор

Hello Po teacher..ganyan n ganyan Po ung anak ko 4 years old n Po.hindi p Rin Po nkkpagsalita.pero nakakaintindi nmn Po kpag inuutasan Po Siya at tinuturo Nia Po ung gusto nia.maganda Po ung turo nio po.salamat Po.

gieantan
Автор

Hello. mag 4 yrs old n po ang 1st daughter ko this coming July, pero hanggang ngyon ay konti pden ang words na Kaya nyang bigkasin. tulad nang mga basic pg na hingi nang gsto nya nsbi pero pansin nmin na hirap sya s bawat pantig nang Salita. pero matalas ang brain nya alphabet 2yrs old nakakanta at kbisado n nya ang mga letters pti number up to 100, color and shapes ay kbisado at pag recognize nang mga name o character like Disney princess and mga cartoon characters. pero sa Salita po tlga tlga sya hirap. Sana po mturuan nyo ako ng mga dpt gwin slmt teacher Kaye.

athonkruparsa
Автор

Dami ko natutunan syo teacher ito lang ata ung gusto ko panoorin ganda mag explain

kennadawnvaldez
Автор

my son is 3 yrs old, at hangang ngaun di pa din sya nkakapag salita, nkakabahala na, buti na lng at npanuod konitong video mo mam kaye,

annrosales
Автор

first time ko pa lang po mapanood ang videos mo marami naman po alam na sabihin ang anak ko . kasu lang po nag sasalita siya mag isa kung ano ano na dipo namin maintindihan .

nickaestorco
Автор

Maraming salamat po teacher may madami poko natutunan

KimDelacruz-kqhp
Автор

Ang galing nio po, totoo po lahat ng sinabi nio kase ganun din anak ko, at sa katunayan nagagamit ko lahat ng binigay nio na mga pamamaraan paano sya maengganyo

gizeillabitag
Автор

Thanks po ma'am kaye nag alala din po talaga ako ng sobra sa anak ko po Di pa po sya nakakapagsalita 4 years old na po sya ..pero nakakaintindin naman po sya maam

RobilynJungco
Автор

Thank you teacher kaye.anak ko po 7years old n Hindi parin din po nag sasalita.haling po syang mag laro SA mga bagay na maiingay at don tuwang tuwa po sya.pag inuutusan sumusunod Naman po sya.minsan may sound ang salita tulad Ng minsan nag bibilang km 1to 10.may mabigjas syang word.

bhingmanuel
Автор

thank you so much for this video ❤. may son is 2 years old already. mama at daddy pa lang mga words nya. worried na din ako. i will try this tipd daily

aubreymaecapule
Автор

Hi Teacher Kaye! Thank you po sa mga payo nyo . Yung anak kopo four years old na pero bilang lang po yung pagsasaalita nya o kaya minsan ayaw talaga magsalita . Isa po sa nabanggit nyo ay ginagawa ko sa kanya palagi kapag mag aaral kami o mag uusap yung pag arte . Kaso minsan kapag ayaw nya talaga magsalita nag tatantrums sya . Sana po matulungan nyo ako .

KathelynNapal
Автор

Maraming salamat po sa payo nyo teacher kayet. Godbless Po..

lisalopez
Автор

New sub here☺️.anak ko po turning 5 na, halos d ko maintindihan yung salita pero nag bibilang po sya teacher na 1-1000 bago matulog.. lahat po yung mga words nya po para laging may letter H.
MALINAW LANG PO IS YES, NO, MAMA AND PAPA. THE REST IS HALOS HIRAP NA INTINDIHIN.. D PA PO SYA NAG AARAL.

beautymadness
Автор

Thank you for this vedio May natutunan po ako para i-apply eto sa anak ko maraming slamat godbless😊😊

danesjosephreal
Автор

Natuwa ako sa mga pag tuturo nyo mam, thanks po

MariafeFabula-pd
Автор

❤❤❤❤ try ko to sa anak ko. Thank u Teacher Kaye

jazeljadebalasabas
Автор

Maraming salamat po, i try ko po ito sa pamangkin ko

jessicasenillo