Lacoste - P-Town | Baryo Berde Atbp. (Official Video)

preview_player
Показать описание
Lacoste - P-Town Pirates | Baryo Berde Atbp. (Official Video)
Baryo Berde Atbp.

Beat Produced by: Lumipa Beats

Mixed and Mastered by: Marc Mamuric of ROW4

Filmed and Edited by:
BLKBUDMEDIA
Addy San Buenaventura
Borgy Carmoneda

Soundcloud:

Facebook:

Lyrics:

Matthew:
Kamusta ka na? Nandyan ka pa ba??
Isa karin ba sa mga ma-tagal tagal nadin na pinapaikot
tuwing may mali ay nakakalimot
Isa kadin nga, alam kong 'di ka makakahinga
Sakaling sakalin ka, akala mo malaya ka na
Hindi pa pala! Nandyan pa sila!

Buhay ang gutom sa kapangyarihan
Busog lusog sa ari-arian, pera ng bayan
pinaghatian, pati ang bayan pinabayaan
'di na kinayang makipagsabayan sa mga banyaga
parang wala na yatang pag-asa, baliwala na

Nagulat ka ba? Sa ulat na sulat ko na
nakakamulat ng mga mata na nakatingin
sa telebisyon diba ang galing, nakaaning
yan ang misyon maibaling ang 'yong intensyon
at minamanipula parang manika mga nakakaenganyo
'kala mo tama pero mali ka
kung maniwala, maling balita
ang kumakalat dito sa dyaryo, lahat ay narinig ko na
kasabay ng malagim na pagpatay sa madilim na talahiban
dahil na lamang sa kakaibang kinikilos
Napag-alaman na tinaniman at salarin ang syang nag utos
bakit ganon? ano ang rason sa mga luha na bumubuhos

Asa pa ba ko sa pinapangakong pilipinas muling lilikas
at yayakapin ang pagbabago
madami ng tao, inaalipin ng takot
pagkalipas ng paghimas sa kamay ng mananakop
nakakatakot na pagtingin, higpit ng kapit sa patalim
nababalot na ng dilim, sa pagkabangungot 'di na magising

Aby:
Simulan na ang mga plano na kasama ang mga taong
matagal nang nakahanda, nag-aasam ng pagbabago
pang gagago ang naranasan sa panahon na nakaraan
Ang hamon sa'ting kahapon ay makaahon at makabangon na

Sa pagkakadikdik sa lupa, tapik sa balikat pag lumuluha
tahan na kamo inay, tahanan ayaw sa'tin ibigay
ng mga ganid sa pagkagamit ng pwesto mahigpit ang kapit at
'di na makuhang lumapit, sa nasa laylayan ng bayan subalit

Sila ang tunay na kawawa, mga pasensya ay humaba
Ang moral nila'y bumaba, nananalangin na tumama
sa lotto na para bang poso, wala na ngang tubig na mailabas
Sayang ang boto, nagpapakabobo kung sila paring ang nasa taas
na madalas, makaligtas sa mga pinasa nilang batas
nagpadulas, nakaalpas mga posas ay biglang nakalas

Pero 'pag mahirap at wala talagang maibigay
Sigurado na malinaw na sa loob na maghihintay
Dumating ang araw na mauubusan ka ng mga nalalabi pa na hininga
Pa'no ang pamilyang sa labas naiwan, mga batang pumapasok mapapahinga
hanggang hindi na makakatapos, lalo nang pa'no makakaraos
hirap ng buhay yan ang patunay na mahigpit ang pagkakagapos

Hirap maghanap, trabahong marangal
wala daw pakinabang kasi 'di nga raw aral
'Di rin nagtagal, kamay nangangatal
Kutsilyong nakatutok sa babaeng nag dasal
Kung iisipin mong mabuti, ito ang resulta sila ang sanhi
'Di man direkta na naka konekta pero 'di mo maitatanggi
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

idc about the epilepsy seizures this is fire 🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥

-platinum-
join shbcf.ru