Kanlungan | Noel Cabangon (Lyrics)

preview_player
Показать описание
No Copyright Infringement Intended

Credits: Noel Cabangon

Title: Kanlungan
Artist: Noel Cabangon

Lyrics

Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon

Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal'wa ang unang nagkita
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula

Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon

Ang mga puno't halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan

Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon

Ngayon ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa

Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno't halaman
Bakit kailangang lumisan

Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon

Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno't halaman
Bakit kailangang lumisan
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon

Source: LyricFind

#kanlungan #noelcabangon #lyrics

Thank You!
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Pag naririnig ko na kanta na to parang Buhay paring ung mga parents ko pati ate ko kc sila ung the best naransan ko Kya ung masasayang nakaraan Hindi ko kayo makakalimutan

AmusedBoat-xwyx
Автор

Sa tuwing pinapatugtog ko to. Naiiyak ako, totoo mas nakakamiss yung dati na kahit ang hirap lang ng buhay noon pero sama sama at masaya kayo sa loob ng isang tahanan. Ngayon may kanya kanya na kaming pamilya ng kapatid ko at parehong nasa heaven na din mga magulang namin

reievangelista
Автор

Biglang bumabalik sa ala ala ko Ang childhood days ko ksama ang mga kababata ko at ang mga kapatid at pinsan ko, .Yung mga panahong Wala pang internet at gadgets., mga panahong halos puro laro lang.nagaaway man kami noon pero at the end kmi kmi prin Ang magkakalaro, magkakasamang maglalangoy at magkkwentuhan sa tabing dagat.nakakamiss lahat.

KrizzaEbuenga-qlor
Автор

subrang naalala ko mga kuya ko 11 kaming mag kakapated at 2 lang kaming babae msaya kami dati nag aaway peru nag kaka bati nasa iisang bahay kami msaya laging kumakain nag uusap. ngayun may mga asawa na kaming lahat nag bago na rin lahat prang malayu na mga loob sa isat isa. gusto ko sana mabou kaming ulit na kakain ng sabay sabay kwentohan at tawanan sana magkaroon pa ng chance 😢😢😢

learamos
Автор

Mas maganda talaga noon kaysa ngayon kahit wala kang magandang laruan at cellphone...

raymartentenia
Автор

Sadyang ang panahon ay lumilipas at dumadaan pero alalahanin mo na lang at pakinggan ang kantang ito dahil kapag minsay papakinggan ito bumabalik ang mga hindi malilimutang alaala hindi ko na lang makwento kase sadyang mahaba pero ang masasabi ko sana sulitin ang mga sandaling kasama ang pamilya barkada lolo at lola kase balang arawikaw ako at lahat na ito ay magiging alaala at kwentona lang pagdating ng oras natin ay matapos❤

davecheng
Автор

90's kid. Wala na tayong magagawa..

Hindi na natin maibabalik mga masasayang ala ala natin 🥲

Pero andaming Memories natin sa kantang ito. And that's priceless ✨

shanecagande
Автор

Nakakamiss yung panahon noon.
panahong kumpleto pa kami na halos umaraw bumagyo mag ulam man ng toyo mantika, lugaw magbenta sa simenteryo kada mahal na araw pero kahit anong unos at gutom man di parin mawawala ang saya naming pamilya ngayong wala na yung joker namin biglang nagbago lahat .lahat ng ngiti at saya nawala .Imiss u my only man . papa

keishajoydelrosario
Автор

6 kming magkakapatid 2 lalaki 4 apat babae, ulila n kmi may kanya kanya n kming pamilya, Ako Ang bunsong babae, Ako lagi gumagawa Ng paraan para magkitkita kming magkakapatid
Napacoment lng Ako Dito KC maganda Yung kanta naalla ko nung Bata Ako walang problema laro lng, gusto Kong balikan Yung wala pang muwang sa Mundo, sa ngayun kc subrang bigat, gusto kong balikan Ang kanlungan perowala n Kong magulang, nakakamis😭

felizaaban
Автор

Naalala ko ung mga child memory ko sobrang saya kahit hirap sa buhay . Atlis nakaka bawi din paminsan minsan. Thanks sobra kay God. 😔😊🥺

mariloususito
Автор

gustong gusto q tlaga itong music, masarap kc balik balikan ang khapon, kpag tumatanda kn kc naalala mo n yung kbataan ninyo yung pamilya, kaibigan, n di n pwede blikan hangang ala ala n lng.. lalo n pg wala n din parents mo....

JeromeBelaro-ii
Автор

I miss my son's terribly who passed away 7 years ago 😢😢so painful, we live in pain, we are used to it.but we know, in God's Perfect time, we will see each other again 🙏🇮🇹❤️

julietuy
Автор

Batang 2000 here kaway kaway Naman kayo dyan kung nakikinig kayo sa kanta na ito

im_nota.perfect_person
Автор

Pag narinig ko talaga ang kantong to, , feeling ko bumalik ako sa pagkabata nakakataba Ng puso❤❤

jomeraurot
Автор

bigla ko naalala mama ko na 2years ng nasa lakit tapos sabayan pa ng maulan na hapon ngayon..sana panaginip laang lahat nato at sana pag gising ko 2 years old padin ako na naglalaro at kapiling pa mama at lola kona nagpalaki saken😭

JoyceannConcepcion-ys
Автор

Naalala ko tuloy, nung bata pa kami ng mga pinsan at mga barkada ko, nag lalaro kami sa bukid ng tagutaguan, kapag december gumagawa kami ng maliit na kubo, tapos kapag new year nag tatagu taguan kami..kapag papasok sa school madalas nag lalakad lang, .sarap ng year 90's and 2000.. kaya advice ko sa mga bata na nandito, . Kayong mga elementary, . Sulitin nyo yung buhay elementary nyo, .para pag tanda nyo may alaala kayo na maiiwan ❤️❤️.wag nyo madaliin pag tanda

paulobungay
Автор

I miss my parents much, the song reminded me of them. Kung pwede palang mabalik Ang panahon

kimjheetv
Автор

Batang 90's here ❤. Nakakamiss yong mga panahong puro laro lang ang inaatupag unlike ngayon, parang ang hirap ng maging totoong masaya, mabigat na ang responsibilidad sa buhay. Kaya enjoy life, esp your childhood para may masasayang alaalang mababalikan sa paglipas ng panahon ❤

marialyngervacio
Автор

Namimiss ko tuloy pagiging bata ko yung mga panahon na wala kapang mga problema na inaatupag at mga responsibilidad na inaatupag 🥺

xn
Автор

Missing my childhood🥺 kung may time machine lang sana paulit-ulit akong babalik sa pagkabata na walang iniisip na problema😢

jhoannamaecaracas