P359M kumpiskadong mga sigarilyo ng BOC sa Western Mindanao Region, nakatakdang sirain

preview_player
Показать описание
Inaasahang aabot sa P395 milyong pisong halaga ang mga sigarilyo na sisirain sa gagawing simultaneous condemnation activity sa Pavillion, Dao, Pagadian City, Zamboanga del Sur at sa customs-rented warehouse sa Brgy. Baliwasan, Zamboanga City.

Kasama sa sasaksi sa pagsira sa 11,219 master cases of cigarettes ng kinatawan mula sa Commission on Audit, local government unit, stakeholders, partner agencies at iba pang operating units sa mga kontrabandong nakumpiska sa mga separate anti-smuggling operations sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi nito lamang buwan ng Mayo hanggang Nobyembre 2022.

Ayon kay District Collector Segundo Sigmundfreud Barte Jr., ito na ang pangalawang condemnation activity sa Port ng Zamboanga sa taong 2022.

Nito lamang nakaraang Mayo 2022 ay isinailalim ng Customs sa destruction activity ang Php110 milyon na ellicit cigarettes.

Agad na dadalhin sa sanitary landfill ang mga sisiraing sigarilyo.

Sa taong ito lamang ng 2022, nakapagtala ang Port of Zamboanga ng mahigit P500 milyong halaga ng mga nakumpiskang sigarilyo, alinsunod sa direktiba ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz at utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang mga hakbang laban sa smuggling at isulong ang transparency sa mga operasyon.

===================
We deliver the newest news fast, fresh, clear, and accurate thru our Radyo Agila reporters, correspondents and stringers all over the world.

Subscribe to us!
Рекомендации по теме