PABLO 'Kumunoy' Official Lyric Video

preview_player
Показать описание
'ALON' Album Out Now

V. Kumunoy

Artist: PABLO
Composer: PABLO
Producer: RADKIDZ (PABLO, JOSUE)
Mixing & Mastering Engineer: Emil Dela Rosa

Creative Director: Xi-Anne Avanceña
Creative Associate: Amor Amores
3D Artist & Animator: Miko del Rosario

LYRICS

Sa daming iniisip ay hindi
Mapaliwanag ang bigat ng aking nadarama
At sa aking paglaban para bang lalo akong
unti-unting hinihila pababa
Animo’y isang bomba, puso kong nangangamba
at anumang oras ay puputok na
Kaya pa ba?
Pagod na sa paglakad ang aking mga paa
‘Di ko naman alam kung sa’n papunta
Ako’y nawawala na, gusto ko nang mawala na
ng lahat ng ito’y matapos na
Ginawa ko naman ang lahat pero ‘di pa rin sapat
Ako’y hirap na hirap nang huminga
Ano pa ba?

‘Di ko maintindihan
tinik sa’king lalamunan
Pa’no nga ba maibsan
Bigat ng aking nararamdaman
Gusto ko nang sumuko
‘Di na kaya ng puso
Nagdidilim na’ng paligid ko
Wala ‘kong magawa nahulog na sa isang…

Kumunoy
Ito’ng pakiramdam ng nasa
Kumunoy
Lalo lang lumalala, pilitin ko mang
Lumangoy
‘Di pa ko nakakita pero ‘lam kong ito’y
Kumunoy
Kumunoy, kumu-kumu-kumunoy
Nawawala na ang liyab at init ng aking apoy
‘Di ko na alam kung pa’no ko pa nga itutuloy
‘Di pa ko nakakita pero ‘lam kong ito’y kumunoy
Kumunoy, kumu-kumu-kumunoy
‘Di na bago sa’kin ang
Pakiramdam ng nasa baba
Mabigat ang dala,
Dahil ang puso’y bato na
at habang-buhay kong papasanin
kahit ga’no pa kalalim
buntong-hininga, patuloy kong ibubuga
buga! buga!
Sige subok kung ubra
Kahit may boses pa na
magsabing “‘la kang kwenta”
Alam kong may pag-asa
Liwanag ma’y wala pa
Paulit-ulit man ang pasakit
Akong gagawa ng himala

Patuloy akong lalangoy
Sa dagat ko nang luha
Ganun-ganun lang ano bang inaakala niyo
kahit na yurak-yurakan pa ang pangalan ko
‘Di na mababasag aking pagkatao
Matagal ko na ring iniisip ‘to
Sabihin niyo nga sa’kin kung
Ano’ng mali ang ginawa ko
Sawang-sawa na ‘to, kayo na’ng panalo
Lubayan niyo na ‘ko
Lubayan niyo na ‘ko

‘Di ko maintindihan
tinik sa’king lalamunan
Pa’no nga ba maibsan
Bigat ng aking nararamdaman
Gusto ko nang sumuko
‘Di na kaya ng puso
Nagdidilim na’ng paligid ko
Wala ‘kong magawa nahulog na sa isang…

Kumunoy
Ito’ng pakiramdam ng nasa
Kumunoy
Lalo lang lumalala, pilitin ko mang
Lumangoy
‘Di pa ‘ko nakakita pero ‘lam kong ito’y
Kumunoy
Kumunoy, kumu-kumu-kumunoy
Nawawala na ang liyab at init ng aking apoy
‘Di ko na alam kung pa’no ko pa nga itutuloy
‘Di pa ‘ko nakakita pero ‘lam kong ito’y kumunoy
Kumunoy, kumu-kumu-kumunoy

Ohh!
Kinakailangan ko ng tulong mo
Pasensya na’t nakalimutan
ko na lagi lang kayong nariyan sa aking tabi
Pamilya, kaibigan na nagmamahal, nagsisilbing
ilaw sa tuwing magulo kong mundo’y nagdidilim
salamat oh aking Ama ako’y makakaahon rin

Kumunoy
tuluyan nang mawawala ang
Kumunoy
Kita na ang liwanag,
magpatuloy lang sa paglangoy
'Di pa 'ko nakakita at alam kong ito'y kumunoy
Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy

Muli’t muling magliliyab ang init ng aking apoy
'Di ko man alam dala ng bukas, ang sagot ko, Hoy!
'La akong pake kung ito'y kumunoy
Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy

Salamat, oh, aking Ama
Patuloy ang paglaban sa
Aking isipan napupuno na ng kadiliman

Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Hndi magsasawang sabihin na, SALAMAT SA PATULOY NA PAGSAGIP SAKIN SAMIN. Pangakong hatdog mo hanggang sa huli. Proud na proud ako sayo, paulagi. LABAN LANG PABLO!!!!

vanievalencia
Автор

Nandito ulit ako para mag like ng positive comments about sa music ni SB19 Pablo.

indayinato
Автор

Mahal naming Pablo, Our Pinuno, Our Alpha, Our Sejun, Happiest Bday sa aming Amo. Mahal ka namin. Di man kami ang the best fans but we are dedicated. I pray to God na always keep you safe and good health.

phsgrnenaj
Автор

Mahigpit na yakap sa lahat ng nasa kumunoy ngayon. Makakaahon din tayo kapit lang ha. Proud ako sayo.

Harriett
Автор

Hatdog a'tin leave comments and likes parin para hnd mawala s 3nding c kumunoy

Iloveyou-bw
Автор

Morning lng n ibuga ang kumunoy ng let's go

Iloveyou-bw
Автор

pablo's such a rare gem sa OPM industry and manifesting na sana tuloy tuloy na yung pagkilala ng mga pinoy and lahat ng mga tao internationally sa SB19 and individually sa kanila kasi SOBRANG LEGIT! DESERVE NA DESERVE NILA LAHAT!

sana magCOACHELLA na sa 2025! rawr i-manifest natin yan mga lods!
Looking forward sa mga achievements pa na makakamit ninyo in the future, laban lang SB19!

cleoeleanor
Автор

Ang swerte ng mundo dahil may isang PABLO! Andami mong sini-save sa mga awit mo! Sobrang deserve mo ang mahalin ng lahat! Eto na yon Pau! Tulak pa tayo pataas para mas marami pang maabot ng mga obra mo! At habang umuusad, kasama mo kami. One step at a time!

tequiia_jobie
Автор

Hello mga kalamog na lumalangoy! I humbly ask you to like all the relevant comments dito. If may time kayo please I request natin ang kumunoy sa mga local radio stations para maraming makarinig... More power sa atin!

junatorres
Автор

Solid din talaga tong kumonoy!!! Pablo ikaw na talaga!!!

gracemonterola
Автор

This is not just a song. It's a masterpiece!! Ikaw yung may birthday, pero kami yung niregaluhan mo. SLMT,

fatimacahiuat
Автор

Para sa lahat na mahuhulog sa kumunoy o nasa kumunoy wag tayong mahiyang humingi ng tulong sa fam, friends at sa mga may care and lagi mag pray sa Lord. Makakaahon din tayo.

kaikypau
Автор

I was hooked by SB19 through their lyricism back in GO UP ERA at nang malaman kong si Pablo ang gumagawa ng mga kanta na noon ay tinatawag pa naming Sejun, siya na ang naging bias ko. Mula sa pagiging baby sisiw dahil sa panonood ng mga vlogs at showbreak nila, naying frozen hotdog ako mga kaps dahil sa mga kanta nila at dahil na rin kay ate Chona XD

quiteweirdbutnotreally
Автор

Kristiyano ka pero yung pakiramdam na ayaw mo na minsan magising kasi ang bigat lang ng problema. Praise God hindi Niya tayo iniiwan.

lester_mendoza
Автор

Para sa mga lumulubog sa kumunoy ng kawalan ng pag-asa, sana makaahon din kayo at makakita ng liwanag...

junatorres
Автор

Mensahe ito para sa mga nararamdaman na lubog n sila at wala ng pag-asa. Hindi kau nag-iisa. Meron kaung huhugotan ng lakas sa katauhan ng inyong pamilya at kaibigan at lalo n ng Ama sa Langit. Hindi kahinaan ang bumaling sa mga mahal natin sa buhay upang maka ahon. Salamat Pablo sa pagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga nasa Kumunoy.

shawolxatin
Автор

I cried watching this live during his Galleria Una Tour. We love you so much, Pablo!!! Andito kmi lagi para hilahin ka kung sakaling palubog ka uli ng kumunoy.

cashmereperez
Автор

HAPPIEST BIRTHDAY, PABLO! Sobrang proud na proud ako sayo. Mahal kita, mahala ka namin at andito lang kami palagi para supportahan ka.

SeendyLao
Автор

Kailangan talaga nating magkaroon ng faith sa Diyos para di tayo mahulog sa kumunoy. Thanks Pablo.

emilytuason
Автор

Trending na Pala ang kumunoy you deserve it Pablo ❤❤❤❤

PabloNase-bkqk