Mga Pikunan nina Chris Ross at Coach Yeng Guiao

preview_player
Показать описание
Sa tagal nang nag c’coach ni Yeng Guiao sa PBA, nakakuha na ito ng reputasyon bilang pisikal at vocal na mentor. Sa kanyang tough-love, strict treatment sa mga players ay marami na rin itong napayuhan na mga manlalaro na nag improve sa ilalim ng kanyang basketball style at nag-uwi ng championship.

Sa katunayan, sa kanyang seven PBA titles na nakamit sa tatlong iba’t-ibang teams, tanging mga fellow legendary coaches gaya nina Tim Cone, Baby Dalupan, Norman Black, Jong Uichico, Chot Reyes, at Leo Austria na lamang ang mas nakakalamang sa kanya pagdating sa ganyang klase ng parangal.

Pero sa likod ng mga championships at individual accolades ni Coach Yeng, napakaraming kontrobersiya rin ang lumapit sa kanya over the years. Mula sa kanyang alleged dirty plays, technical fouls, ejections, at alitan sa pagitan ng mga manlalaro, yan ang mga karaniwang setbacks na nakukuha ng 32-year veteran coach. Isa na lamang dyan ang beef na nabuo sa kanila ng San Miguel Beermen guard na si Chris Ross.

Bilang dalawa sa mga malakas maglaro ng mind games sa liga, hindi lang isang beses nag bangga ang veteran coach at player na ito. Sa katunayan, hindi lamang verbal spat ang nangyari kundi may tulakan din na naganap sa kanilang on-and-off beef.

Ano nga bang dahilan at sanhi sa pagkaka-initan ng dalawa?

WGPH on Social Media:

Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Maganda nyan mag sama sila sa isang team parekoy

rolandoyumol
Автор

Parang naka-distort/augment boses pero yung manner of speach at diction is the same...

spotsstripesspikes
Автор

Hindi puwedeng pang International ang style niyan! Pang baranggay lang dapat yan! You cannot swear, flip finger, touch or even worst, say "N" word to anyone. Very unproffessional! In other words, bulok style mo!!!

cgstrek
visit shbcf.ru