filmov
tv
It’s Showtime June 29, 2024 | Full Episode
Показать описание
Ang 'Showtime' baby boy, Ryan Bang, ready na to become a married man! Tears of joy ay bumuhos sa studio nang ibalita ni Ryan na nag-propose na siya sa girlfriend na si Paola Huyong.
Kung may isang tao na lubos na maligaya para kay Ryan, ito ay walang iba kundi ang kanyang 'mommy' Vice Ganda. Kwento n'ya, hiningi niya ang 'blessing' ni Vice bago alukin ng kasal si Paola. Ramdam ang ligaya ng 'mag-mommy' at ng madlang people na saksi sa naging journey of love ng 'Showtime' oppa.
Samantala, sa "EXpecially For You," kilalanin si Rina, na sa kabila ng pisikal na kapansanan, buong pag-asa ang paniniwala na tunay na pag-ibig ay kanyang matatagpuan. Ilang beses man siyang niloko't sinaktan, na minsan pakiramdam niya'y may kulang sa kanya, hindi siya magsasayang ng panahon sa pagiging bitter. Tiwala lang na may magmamahal sa kanya forever.
Besides, nand'yan naman ang friends and family to make her feel better. Kasama niya ang ate na si Agnes sa kahit anong laban sa buhay, lalo na sa usaping pag-ibig.
Sa ikalawang 'midterms' ng Tawag Ng Tanghalan The School Showdown, napabilib ang mga hurado sa husay ng mga estudyanteng kumasa sa hamon ng entablado.
Para sa Round 1, ang kanilang takdang-aralin, bigyan ng reimagined version ang mga napiling awitin.
Ibinandera ni Jamela Monton ang Pamantasan Ng Lungsod ng Maynila sa kanyang bersyon ng "Go Up."
Ang tinig na may high honors, muling ipinamalas ni Claire Maaba para pumasa with flying colors! Siguradong proud ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila sa kanyang powerful rendition ng "Karera" by BINI.
Ang gold medal sa kantahan, sinikap makamit ni Silliman University student Jebros Maglite na hinarana ang madlang people with "Sweet Child O’ Mine."
Nagbabalik para sa mas matinding pagsusulit si Nayela Nocquiao ng University of Cebu Lapu-Lapu and Mandaue. Binigyan niya ng bagong flavor ang OPM hit na "Ako Na Lang", na orihinal na inawit ng anak ni Zsa Zsa Padilla na si Zia Quizon. Kaya bumuhos ang emosyon ng Divine Diva habang pinanonood ang pagkanta ni Nayela.
Nagningning ang entablado sa 'concert feels' na pag-awit ni John Ramirez ng "Pauwi Nako." University of Rizal System reprezent' ang kanyang sigaw, pero ikaw, mapapasigaw ng, "More!"
Fresh sa kanyang pagkapanalo kahapon, nagbabalik si Lady Ramento ng Polytechnic University of the Philippines na binigyan ng bagong emosyon ang OPM hit na "Kisapmata."
Matapos ang Round 1 kung saan binigyan nila ng reimagined version ang mga classic hits, Top 3 lang ang umabante sa Round 2 kung saan dalawang contestants ang aangat para lumaban sa finals.
Ang Top 3 ay sina Nayela, John, at Lady. Ang kanilang sumunod na takdang aralin ay awitin ang kanilang pangmalakasang piyesa.
Sa dulo, hinirang na Top 2 si Nayela na nakakuha ng grado na 95%; samantala, Top 1 naman si John na may markang 96.2%. Pasok na sila sa Grand Finals.
Samantala, ang mga hurado for today's video: Nonoy Zuniga, Kyla, Jolina Magdangal, at Zsa Zsa Padilla. Nagbabalik din sa kanyang trono bilang Punong Hurado sa Gary Valenciano.

Комментарии