Umuwi Na Tayo- JRoa | Official Lyric Video

preview_player
Показать описание
Umuwi na tayo - JRoa | Official Lyric Video

Composer - John Roa
Producer - John Roa,Jhay Alicayos
Arranger - John Roa, Jhay Alicayos
Mixed by Nikhil Amarnani
Mastered by Raywyn Zayne

Available on all digital platforms now!
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Kagabi ko pa ito soundtrip baiii! ang gandaaaa!

JongMadaliday
Автор

lumuluha ako habang nakikinig kasi namimiss ko na nanay ko, namatay sya nong january 13 diko manlang sya nayakap sa huling pagkakataon😭😭❤️‍🩹

Joshua_
Автор

Bat parang may naalala😢
-Ex yung 4yrs na pagsasama sa hirap at ginhawa.. di biro! Hanggang sa nagkasawaan, sa mga sistemang paulit ulit.. mas pinili mo nlng kumawala at bumitaw.. hanggang sa maging okay ka. Already to move forward. Until oneday naalala mo nlng lahat ng pagsasama simula nung naging okay ka😢😔
Hanggang alaala nlng lahat ng pinagsamahan.. salamat sayo.. I ready meet someone na bigay na ng Lord❤😊 i deserve a someone better😇🥰

marygracebraga
Автор

Naiyak ako 😢 namiss ko tuloy si Mama, papa at ate ko🕊️ 😭😭 Umuwe na kayo ang hirap mag isa huhuhu

kcmusicph
Автор

'Di pa rin ako sanay
Na matulog nang 'di ka sa 'kin nakadantay
O kumain nang hindi ikaw ang kasabay
O 'pag kumukulit ay lagi mong sinasaway

'Di pa rin ako sanay
Na umuwi sa 'tin nang wala sa 'king nag-aantay
O manalangin nang hindi hawak ang 'yong kamay
Dahil kung wala ka buhay ay walang saysay

Kaya pwede bang
Umuwi na tayo
Pakiusap pwedeng
Umuwi na tayo
'Di bale na 'kong mag-isa
Kung 'di lang din ikaw 'wag na
Aantayin kita hanggang sa umuwi ka
Mahal pwede ba

Kausapin mo naman ako
'Di ako sanay nang 'di ka nakibo
Kahit konti man lang maramdaman ko lang
Na andito ka pa rin

Hindi ko magawang masanay
Sa buhay na 'di ikaw ang karamay
Kaya't hanggang sa huli
Mananatili lang ako dito

Mahal pwede bang
Umuwi na tayo
Pakiusap pwedeng
Umuwi na tayo
'Di bale na 'kong mag-isa
Kung 'di lang din ikaw 'wag na
Aantayin kita hanggang sa umuwi ka
Mahal pwede ba

Umuwi na tayo
Pakiusap pwedeng
Umuwi na tayo
'Di bale na 'kong mag-isa
Kung 'di lang din ikaw 'wag na
Aantayin kita hanggang sa umuwi ka
Mahal pwede ba

Umuwi na tayo
Pakiusap umuwi na tayo
Kulang ako kung wala ka
Kung pwede lang naman sana
Umuwi na tayo
Pakiusap umuwi na tayo
'Di baleng mag-isa
Kung 'di lang din ikaw 'wag na
Aantayin kita hanggang sa umuwi ka

yoliveonce
Автор

grabe ung impact ng kanta.. gagawin Kong inspirasyon.. tulad ng relasyon namin n naguumpisa palang.. haysst pinaglayo muna kmi ng panahon ngaun.. soon makakauwi din ako sakanya🥺🥺🥺 Sana nga makahintay cia.. kel 🥺🥺 please hintayin mo ako hanggang makauwi ako🙏🏻🙏🏻

jackielyncruz
Автор

“di baleng mag-isa, kung di lang din ikaw wag na” umuwi ka sana palagi.

J.phahahahaha
Автор

Mas lalo kong natutunan magpahalaga sa lahat ng bagay lalo sa mga mahal ko sa buhay.
grabe yung mensahe ng kanta 🥺🙌

czarinalaeno
Автор

Kada release mo kuya, lagi ako naka subaybay. Best singer ka talaga and lyricist, keep it up!

kaede
Автор

Ba't parang may na miss ako bigla😮‍💨🤧

franklinconcan
Автор

Grabe ansakit lalo na yung part na ("O manalangin nang hindi hawak ang 'yong kamay") imagine na dati sanay kang kasama mo yung taong pinapanalangin mo ngayon wala na sa tabi mo💔💔

reginaldcelerio
Автор

Damang dama ko yung asawa vibes kuya roa I love this song soon sa asawa ko naman to papatugtugin iba talaga pag Jroa loveyou kuya mwa❤❤❤

gabriellegondra
Автор

Jroa durog na durog ako ngayon tapos saktong sakto sa aking yung kanta na to salamat nakakahinga ako salamat hirap na hirap na ako yung pangarap kong pamilya jroa wala na kumanta ka pa gumawa ka pa ng marami please napapakalma ako ng kanta mo

junfrancisdelrosario
Автор

Bakit nakakarelate ako 😭😭
Umuwe na tayo satin
Ang sakit naman

gizellerenevo
Автор

Di ako nagsasawang pakinggan ang kantang ito😢❤sarap pakinggan ng paulit -ulit

carlaandreabautista
Автор

Baka JRoa yan. Sobrang humble in person sobra. Was a VIP in Brisbane NuminousXAsintadaAusTour2024

jaspernarcida
Автор

Sarap pakinggan habang nagddrive pauwi, paulit ulit ko pineplay😢😢😢

ronaldsumilang
Автор

Salamat bai, LDR kami ng asawa ko. Miss ko siya sobra palagi.

winstonmejias
Автор

Yung lyrics 😢♥️ Nakakaiyak habang pinapakinggan 💔

FreddielynSarmiento-syyk
Автор

If buhay pa kuya ko, sure ako paulit ulit nanamang soundtrip to sa bahay Idol ka nun e :( Di pa rin ako sanay na wala ka na yaaa </3

lycellaboc