VP Sara Duterte, may payo kay Apollo Quiboloy

preview_player
Показать описание
Pinuri ni Vice President Sara Duterte ang desisyon ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy na sumuko at harapin ang kanyang mga kaso.

“It’s a good thing na he decided to surrender so that mas mapadali ‘yung pag-hearing ng cases niya. And I understand he’s fully cooperating with the courts. Sana ay matapos na, ma-resolve na ‘yung kanyang mga kaso,” pahayag niya sa press conference nitong Lunes, November 11, 2024.

Pinayuhan din niya ang pastor na panagutan kung meron itong kailangan panagutan.

“Kung meron man siyang kailangan panagutan, then panagutan niya. Kung inosente man siya, then mapalaya na siya,” dagdag niya.

Kasalukuyang nananatili si Quiboloy sa Philippine Heart Center matapos siyang makaranas ng irregular heartbeat na maaari umanong maging mitsa ng kanyang buhay.

Ayon sa report ng Philippine National Police, mahigit 200 kababaihan at kabataan ang naging biktima ng pang-aabuso ng nasabing religious leader.
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Anu kaya ang opinion ni VP Sara sa pag pasok ng drugs sa Pilipinas dahil sa pakikipag kaibigan ng tatay nya sa mga Druglord na sila Michel Yang, Allan Lim (alias Jeffrey Lim, Lin Wei Xiong) etc

judymurakami