It’s Showtime May 22, 2024 | Full Episode

preview_player
Показать описание
What’s up, madlang people!

Ang inyong Miyerkules, gawing mas happy kasama si TNT Champ JM Yosures! Sagot niya ang jamming na pangmalakasan sa FUNanghalian. At pagkatapos ng kantahan, tayo’y magkuwentuhan. Si JM, mukhang nadulas nang tanungin tungkol sa estado ng kanyang puso.

Pag-ibig ‘feels’ naman ang dala nina Mutya Urquia, Beaver Magtalas, at Maxine Trinidad. Ang magic ng love, saan nila ihahalintulad? Kayo, madlang people, how will you define love?

Matinding hulaan at aktingan ang naganap sa “Showing Bulilit.” Muling bumida ang mga future superstars na sina Argus, Kulot, Jaze, at Kelsey na habang tumatagal ay mas lalong gumagaling.

Umpisa pa lang ay suko na si Vice Ganda. Baka hindi na naman daw kasi gumana ang buzzer na natapat sa kanya. Pero sa bandang huli, sila ng kaparehang si Cianne Dominguez ang umabante sa jackpot round.

Teamwork mode on ang lahat na nagawa pang magturuan ng tamang sagot. Pero pansin ni Vice, sina Ogie Alcasid at Jugs Jugueta, medyo madamot?! Kung sa init ng panahon ika’y yamot na yamot, “Showing Bulilit” lang ang gamot!

Bukingan na malala ang eksena sa “EXpecially For You” featuring ang ex-couple na sina Jinly at Gary. Una sa listahan ng revelations: si Jinly, nagawa raw noon na makipagsayaw sa kabilang table kahit magkasama sila ni Gary sa bar. At nand’yan pa nga ang eksenang nagtampo daw si Gary dahil nakulangan sa atensyon ni Jinly sa isang birthday party ng kamag-anak ni Jinly. At no’ng mahulog si Jinly sa hagdan, si Gary, wala lang daw pakialam.

Hay. Pag-ibig na kay gulo, paano pa ba malulunasan ang sakit na idinulot nito? Mabuti pa’y kumilatis ng mga bagong makikilala. Sa usaping ‘yan, handa naman si Gary na suportahan ang dating nobya.

Masarap na ang kantahan, masaya pa ang kuwentuhan sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.” Sumabak sa entablado ang pambato ng Governor Mariano E. Villafuerte Community College na si Rens Borja na kumanta ng “Paminsan-Minsan.” Buong puso rin na lumaban si Albert Mandong ng Don Sergio Osmena Sr. Memorial National High School na umawit ng “Tanging Sa’yo.”

Matapos ang bakbakan sa tanghalan, si Albert ang ‘pasado’ at nakakuha ng grado na 90% mula kina hurado Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, at Jed Madela. Samantala, bumilib ang “Showtime” hosts sa pagiging madiskarte at pursigido nina Rens at Albert. At si Meme Vice Ganda, aliw na aliw sa pakikipag-joke time sa dalawa!

#ItsShowtime
#ShowtimeFunFavorite
#ABSCBNEntertainment
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

NAKAKAINIS TALAGA UNG CLOUT CHASERS SA EFY. Balik nyo nalang si Malc hahahaha

cakescakescakes
Автор

Nakaka irita si Jinly. She gives me the ick the whole time😵‍💫

happy.
Автор

Kong kahapon subrang nkakatawa...ngaun nman nkakawalng gana...kainis si ate gurl...
Hahaha ate vice balik mo si Malc

chechybungcad
Автор

Nawalan ng gana si vice nung naconfirm na forda clout lang ang pagsali ng couple. Hahahahaha

sheilagraceolicia
Автор

Redflag Jinly May boyfriend kang kasama sa club tapos pupunta ka sa ibang table. 🤡

Tsaka naiwan bf mo mag isa, nagawa mo nga yun sa harapan nya pano nalang kung hindi kayu mag kasama ano pa kaya iba mong ginagawa. 💀

Dskushcmxi
Автор

Parang na hot seat lalo yung girl kasi alam niyang parang sya lalo ang reason sa relationship nila feel ko Lang 😮

THONGSOOK
Автор

Prang mga sumasali sa expecially for you mga gumagawa nlang ata ng kwento para makilala lng sila ng madlang people

clarissabaloloy
Автор

Meron double deck d2 s Kuwait 🇰🇼 hello showtimers more blessings 🙌 🙏 take care .

stellamet
Автор

Hi 🥰Kim💞Vhong N.❤️Vice Ganda💙Karylle💞Anne C.💞Ogie❤️Jhong H. and to all Artists💙Staffs💙always in good mood and good vibes and friendly kindness to all😎Gby all 🙏👼😇❤️💞💙❤️💞💙

ErlindaG.Legault
Автор

36:13 Baka nga pinilit lang ng girl yung boy na sumali dito eh, tapos panay pa tingin sa taas kapag nagsasalita (sign na inaalala niya or baka gumagawa talaga ng kwento)

38:53 Bakit parang di sure yung guy sa sinasabi niya? Sa 2 months niyong relationship di ka makaisip ng red flags sa babae?

berniedelacruz
Автор

I agree with the first one . Love and relationship is all about choices

samye
Автор

Watching while working. Thank you showtime kapamilya ....No 1
Much love..AZ.❤❤❤

Pinayvie
Автор

The Showtime Kids should be in the New “Going Bulilit Show” ❤❤❤

Angpanday
Автор

Congrats vhongkys sa new serye kasama si coco❤❤❤❤❤❤❤❤😍😍😍😍😍

JulieGwapa
Автор

goodDay po. ask ko po, pa'ano po makajoin sa expecially for you? thanks po sa sagot

MiniaFrancisco
Автор

Magaling pumili si Jugs ng madlang people na bibigyan ng blessings. 😊

InvinciBel
Автор

Question no.3
May perfect timing, love comes naturally!

andreanaamor
Автор

Teddy shirt ❤️it it looks good on him

BVLOPEZ
Автор

, galing naman ni argus apakacute pa🥰❤️❤️

ReynalynGalisimDeGuzman-xcvw
Автор

PINAKAWALANG KWENTANG IZYU NG MG COUPLE FOR TODAY BADTRIP DI NAKAKATUWANG PART NG EXPECIALLY FOR YOU ZA LAHAT NA NAPANOOD KONG MAGCOUPLE, BADTRIP. WALANG DATING PAG WALA NA MGA HOSTS. BINUBUHAY LANG SILA NG MGA HOSTS

lyndbandaofficial