Hero X Ramdiss | Malay Mo (HGHMNDS On Air)

preview_player
Показать описание
#HGHMNDS #HGHMNDSOnAir #HGHMNDSLive #Hero #Ramdiss #MalayMo #Asintada
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Chorus:
Malay mo, may rason kung bakit ka lugmok ngayon
Malay mo, dito sa lupa ay may iba kang misyon
Malay mo, di mali ang yong pagdedesisyon
Baka hindi mo lang gusto kung anong meron ka ngayon
Kasi malay natin kung kailan pa papalarin
Malay natin, sadyang iba ang hinahain
Para hanapin o mas malito mangapa
Dedikasyon ay hamunin
Kung gaano mo kagustong marating kung anong gusto mong gawin

Verse 1 (Ramdiss):
Puro pagkakamali
Sa pag aapura't pagmamadali
Sa kagustuhang agad na magwagi'y
Pauliy-ulit lamang na nasawi
Nakalumpaging mga labi ng kahapon
Gusto ko nang pahigain sa kabaong
Pano pa babangon kung pati panahon ayaw sumang-ayon
Ang dami ko nang oras na natatapon at nasasayang
Hayaan na lamang ang pagkakataong di mo tinamaan
Namamanhid na rin sa panghihinayang
Sa dami ng pangarap na ginagapang
Ilan lang ang nahaplos at nahawakan
Yun pang hindi mo tinatalong kalaban
Ang maghahatid ng panalo sa laban
Mapaglaro ang kapalaran, hindi tatamaan
Ang pinatamaan at ang tatamaan ay yung hindi inaasahan
Yung nasa tabi ung masasagasaan
Naging laman ng bentekwatro
halos dalawampung ulit din akong natalo
Di ko alam na hinahanda nya lang pala ko
Para sa malaking panalo ko kwarenta'y kwatro
Dami kong nais pero babagsak lang pala ako sa papel at lapis
Sa dami ng gusto kong abutin ang inabot nya sa aki'y baril ni aris
Bang! Banggitin mo lang ang mga hiling
At wag ka nang umasa ng labis
Kasi baka bukas o sa makalawa ay
Ikaw naman ang susunod na Ramdiss

Chorus (Hero):
Malay mo, may rason kung bakit ka lugmok ngayon
Malay mo, dito sa lupa ay may iba kang misyon
Malay mo, di mali ang yong pagdedesisyon
Baka hindi mo lang gusto kung anong meron ka ngayon
Kasi malay natin kung kailan pa papalarin
Malay natin, sadyang iba ang hinahain
Para hanapin o mas malito mangapa
Dedikasyon ay hamunin
Kung gaano mo kagustong marating kung anong gusto mong gawin

Verse 2 (Hero):
Sa dami nang gusto kong gawin ay sadyang nakakalito
Walang kasiguraduhan ang resulta pero tinaya ko
Lahat na pati pamanggulo dahil sa aking ginagawa ay nawiwile
Lalo kopang tinaasan ang aking pangarap
Di tingin saking sarili
pinangarap kona balang araw
Masuot ang toga
Pero pinag kaloob sakin nota
Mga napanood ko sa telebisyon ay kinalulugod kong makasama
Dati kala ko wala nakong pag asa
Na kahit papano matamasa
Buhay na maayos kahit di marangya
Basta lahat masaya kasi yun ang mahalaga
Dahil kung minsan tumagilid na
Ang sarili ko ay nanghina
Sumasabay nako sa novena
Dinarasal umabot ng nobenta
At sa pag kakataon nayon
Sana ay nakabawi nako sa lahat
Ng tumulong sakin ng walang kapalit
Marahil hindi ko alam ang dulo
Pero alam kona san to patungo
Buti nalang nakinig ako sa kaibigan
Bukod tanging naniwala at sinabi nya na

Chorus (Hero):
Malay mo, may rason kung bakit ka lugmok ngayon
Malay mo, dito sa lupa ay may iba kang misyon
Malay mo, di mali ang yong pagdedesisyon
Baka hindi mo lang gusto kung anong meron ka ngayon
Kasi malay natin kung kailan pa papalarin
Malay natin, sadyang iba ang hinahain
Para hanapin o mas malito mangapa
Dedikasyon ay hamunin
Kung gaano mo kagustong marating kung anong gusto mong gawin

Verse 3 (Ramdiss, Hero):
Kung madilim ang kahapon
May kalakip na liwanag ang bukas
Lahat ng matingkad ay pwedeng kumupas
Lahat ng may butas, may panakip lunas

Hinugutan ko nang labis kada punas ng pawis
Para mahulasan ang pag-asa ko
Na may tyansa sa mga sinasabing

Malay mo, ang dahilan kung bakit patuloy kang sumasabit
Ay para di ka mangawit at mas tumindi ang kapit
Sa oras na makalapit ay handa na mangalawit, makadagit
Makakabig mo na

Malay mo, yung kinakarindi mo na paulit-ulit na payo
Na galing sa taong palo nang palo
Ang syang magdadala sayo sa iyong pagkapanalo
Kaya dapat handa ka pag pinamukha sayo na

Malay mo, yung mga salita na ayaw mong tanggapin
Ang magturo sayo kung pano mo tatanggalin
Ang takot para sa sunod ikaw naman makatikim
At tanghaling mahanay sa magagaling

Malay mo ay tinatagalan talaga para masukat
Kung paninindigan mo dahil kung gusto mo
Dapat walang sukuan at kung nahihirapan ka
Mas lalo mong palagan kasi malay mo

Kaya ka inaantala
Hindi ka sa ginagambala
Hinayaan kang di maniwala
Para wala kang rason na maghinala
Sa parating na pagpapala
At sa gantimpala't ligaw na biyaya
Basta wag mong madaliin kase biglaan darating
Ang para sayo pag handa nang sagutin ang
Malay mo

Chorus (Hero):
Malay mo, may rason kung bakit ka lugmok ngayon
Malay mo, dito sa lupa ay may iba kang misyon
Malay mo, di mali ang yong pagdedesisyon
Baka hindi mo lang gusto kung anong meron ka ngayon
Kasi malay natin kung kailan pa papalarin
Malay natin, sadyang iba ang hinahain
Para hanapin o mas malito mangapa
Dedikasyon ay hamunin
Kung gaano mo kagustong marating kung anong gusto mong gawin

drummm
Автор

ang lakasss 🔥🔥🔥
sana maisalang din next dito ung hebishram

yobib
Автор

Nakakakilabot 🔥🔥🫡🫡 paano pa kaya pag naisalang na ung Hebisram🔥

radicalzgaming
Автор

Hero - Gloc 9
Ramdiss - Loonie

Angas 3:24 🔥🔥🔥

apriljoyaltares
Автор

sunog ang studio 🔥🔥❤️❤️
Grabe ba Halimaw 🤯

Youngdre
Автор

Yown kita ko na sa yt kagagaling ko lng fb GARAVEEE na talga Tong Mga To Naol PAGALING ng PAGALING DI PAHINA ng PAHINA SALUDO Mga Boss Kapatid⚡👏👊💪

lordunomyusikbidyos
Автор

yawards grabi mga bata ni gloc💪ramdiss+hero= burn🔥🔥🔥

totzkie
Автор

parang gloc 9 / g wolf ang vibes nakakakilabot sa angas.. 😮

rainierpalencia
Автор

parang @gloc-9 na nasa dalawang persona mabangis !!

cavs
Автор

Taena sobrang solidd!! Mas solid pa to sa live talaga wasak entablado neto.

gerryantonio
Автор

nakakailang tignan si Ramdiss. pag nasa kaliwa yung cam para syang naka tingin kay Hero. pag nasa kanan naman cam angle para syang naka sagad ng tingin pa kaliwa😅 pero galing parehas, APOY!🔥🔥

counterhaterrorist
Автор

bat konti lng yung views? halimaw sa live langya👏👏👏👏👏👏👏

buztybong