ANG PAGKA-DIYOS BA NI KRISTO AY NAKASULAT SA BIBLIYA?

preview_player
Показать описание
ANG PAGKA-DIYOS BA NI KRISTO AY NAKASULAT SA BIBLIYA?

Hindi lamang inangkin ni Hesus ang Kanyang pagka-Diyos. Kinilala rin naman ng Kanyang mga alagad ang Kanyang pagka-Diyos. Sinabi nilang si Hesus ay may karapatang magpatawad ng kasalanan, isang bagay na tanging ang Diyos lang ang makagagawa, ito'y dahil ang Diyos rin naman ang nasasaktan kung nakakagawa tayo ng kasalanan (Mga Gawa 5:31; Colosas 3:13; Awit 130:4; Jeremias 31: 34). Si Hesus rin ang siyang hahatol sa mga nabubuhay at mga namatay na (2 Timoteo 4:1). Sinabi ni Tomas kay Hesus, “Aking Panginoon at aking Diyos!” (Juan 20: 28). Tinawag din Pablo si Hesus na “Dakilang Diyos at Tagapagligtas” (Tito 2:13), at binigyang-diin na bago pa man isinilang si Hesus sa mundo Siya ay nabubuhay na Siya bilang Diyos (Filipos 2:5-8). Ito ang sinabi ng manunulat ng aklat ng Hebreo tungkol kay Hesus: “Ang Iyong kaharian, O Diyos, ay mananatili magpakailan pa man” (Hebreo 1:8). Sinabi rin ni Juan “Sa pasimula pa'y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos” (Juan 1: 1).

Marami pang mga halimbawa sa Bibliya na nagpapatunay sa pagka-Diyos ni Kristo (Tingnan ang aklat ng Pahayag 1: 17; 2: 8; 22: 13; 1 Corinto 10: 4; 1 Pedro 2: 6-8; Awit 18: 2; 95: 1; 1 Pedro 5: 4; Hebreo 13: 20), at kahit alin man sa mga ito ay sapat na upang ipakitang si Hesus ay itinuturing na Diyos ng Kanyang mga alagad.

Binigyan rin si Hesus ng titulo na para lamang kay Yahweh (pormal na pangalan ng Diyos) sa Lumang Tipan. Ang titulo sa Lumang Tipan para kay Yahweh na “Ang Manunubos” (Awit 130: 7; Hosea 13: 14) ay ginamit din para kay Hesus sa Bagong Tipan (Titus 2:13; Pahayag 5:9). Tinawag din si Hesus na Immanuel (“Ang Diyos ay nasa atin” sa Mateo 1). Sa Aklat ng Zacarias 12:10, si Yahweh ang nagsabing, “Titingnan nila Ako, ang kanilang sinibat at sinaksak.” Subalit sa Bagong Tipan tumutukoy ito sa pagpako kay Hesus sa krus (Juan 19: 37; Pahayag 1:7). Kung ang Diyos ang nagsabi na Siya ay sinibat at sinaksak at tiningnan at si Hesus ay sinibat at sinaksak at tiningnan, samakatuwid si Hesus ay Diyos. Ipinaliwanag ni Pablo ang aklat ng Isaias 45:22-23 na tumutukoy kay Hesus sa Filipos 2:10-11. Gayon din naman, ang pangalan ni Hesus ay ginagamit kasabay ng pangalan ng Diyos sa mga panalangin, “biyaya at kapayapaan ang sumasainyo mula sa ating Diyos at Panginoong Hesu Kristo” (Galacia 1:3; Efeso 1:2). Ito ay maituturing na pamumusong sa Diyos kung si Hesus ay hindi totoong Diyos.

Ang pangalan ni Hesus ay binibigkas rin kasabay ng pangalan ng Diyos Ama noong ipag-utos ni Hesus ang pagbabautismo “Sa pangalan (isahan) ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo” (Mateo 28: 19). Tingnan din ang 2 Corinto 13:14. Sa aklat ng Pahayag sinabi ni Juan na ang lahat ng mga nilalang ay magpupuri kay Kristo (Ang Kordero). Kung gayon si Hesus ay hindi isa sa mga nilalang sa halip Siya ang lumalang (5:13).

Ang mga himala na tanging ang Diyos lamang ang makakagawa ay nagawa rin ni Hesus. Hindi lamang bumuhay si Hesus ng patay (Juan 5:21; 11:38-44), at pinatawad ang mga kasalanan (Mga Gawa 5:31; 13: 38). Ginawa rin Niya at patuloy na iniingatan ang buong sangnilikha (Juan 1:2; Colosas 1: 16-17)! Ang katototohanang ito ay mas lalo pang magpapatibay ng pagka-Diyos ni Kristo kung pinaniniwalaan natin ang sinabi ni Yahweh na nag-iisa lamang Siya noong panahon ng paglalang (Isaias 44:24). Ang ibig sabihin ang Diyos Ama at si Hesus ay Diyos. Si Hesus ay mayroon ding mga katangian na tanging ang Diyos lamang ang nagtataglay: Siya ay walang hanggan (Juan 8:58), Siya ay nasa lahat ng lugar sa lahat ng panahon (Mateo 18:20, 28:20), alam Niya ang lahat ng mga bagay (Mateo 16:21), at makapangyarihan Siya sa lahat (Juan 11: 38-44).

Pinatunayan ni Hesus ang Kanyang pagka Diyos sa pamamagitan ng mga himalang Kanyang ginawa maging ng Kanyang pagkabuhay mula sa mga patay. Ang ilan sa mga himalang ginawa ni Hesus ay: ginawang alak ang tubig (Juan 2:7), lumakad sa ibabaw ng tubig (Mateo 14:25), nagparami ng mga bagay na pisikal (Juan 6:11), nagpagaling sa bulag (Juan 9:7), sa pilay (Marcos 2:3), at sa mga maysakit (Mateo 9:35; Marcos 1: 40-42), at maging ang pagbuhay sa mga tao mula sa kamatayan (Juan 11:43-44; Lucas 7: 11-15; Marcos 5: 35). Higit pa rito, Si Hesus mismo ay nabuhay mula sa kamatayan. Kung ikukumpara ang pagkabuhay ni Kristo sa mga diumano ay namatay at nabuhay na mag-uling mga diyus-diyosan ng mga pagano, hindi ito maihahambing sa pagkabuhay ni Kristo na pinatunayan ng napakaraming mga saksi at ng Biblia. Ayon pa kay Dr. Gary Habermas, may labindalawang katotohanan sa kasaysayan na tinatanggap kahit ang mga hindi Kristiyanong iskolar.

Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

salamat po sa Dios. done share po sa FB at FB pages kopo

kirbylim
Автор

Amen! Jesus is God... pinapatotohanan ng Ama na ang kanyang anak ay Diyos din tulad niya.

roylacra
Автор

Kahit ako naniniwala ako na si Jesus Christ ay Diyos. Isang perfektong buhay na Diyos

celsosenido
Автор

GOD BLESS PO at SURIIN PO NINYO ang ARAL SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO. 🙏😇🙌

jomangarcia
Автор

Sa 1 Tim. 2:5 Sapagkat may iisang Diyos at may tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, , Ang taong si Cristo Jesus.

marios
Автор

Malakias 2: 10 iisa lamang Ang dios Ang ama na lumiha Ng LAHAT Ng bagay

jimbypatricio
Автор

SABI NG DIOS AY SIYA LAMANG ANG DIOS AT WALA NG IBA. eto :
Isaias 46:9 RTPV05

Alalahanin ninyo ang mga nakaraang pangyayari. Inyong kilalaning ako lamang ang Diyos, at maliban sa akin ay wala nang iba.

jomangarcia
Автор

MAS HIGIT ANG DIOS KAYSA KAY JESUS. eto :
1 Corinto 11:3

Ang Salita ng Diyos

3 Ibig kong malaman ninyo na ang pangulo ng bawat lalaki ay si Cristo. Ang pangulo ng bawat babae ay ang lalaki. Ang pangulo ni Cristo ay ang Diyos.

jomangarcia
Автор

Si Jesus Christ, utosan Ng dios. Na likha Ang lahat Ng mga bagay SA pamamagitan ni Cristo jesus.ginawa sya Ng dios na taga pag ligtas. At tayo din Naman inutusan Ng dios na simbahon at purihin si Jesus Christ.ang dios naka upo SA trono, si Cristo naka upo SA Kanang trono Ng dios. Ang pagka panginon, Ni Cristo binigay Ng dios Ang pagka panginon Ng dios walang pinag Mulan. Marami Ng maroong. Mag basa ngunit mahirap unawain dahil nakatago Yan sa lihim Ng hiwaga.

sherlizacayapan
Автор

ANG TUNAY NA DIOS AY WALANG KINIKILALANG IBANG DIOS MALIBAN SA KANYANG SARILI. SI JESUS MISMO ANG MAY SABI NA, " ANG ATING DIOS AY KANYA DIN DIOS ". eto :
Juan 20:17 TLAB

Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.

jomangarcia
Автор

Si JESUS AY TAONG TAGAPAMAGITAN NATIN SA DIOS E. ETO :
1 Timothy 2:5

New International Version

5 For there is one God and one mediator between God and mankind, the man Christ Jesus,

jomangarcia
Автор

Katunayan na si jesus ay tao, , John 8:40, , at sa John 20:17, , sa aking Diyos at inyong Diyos, , tao si Cristo, , Ang naniniwala na si Cristo ay Diyos, , sya ay anti Cristo, , ,

marios
Автор

PINILI NG DIOS SI JESUS BAGO PA LIKHAIN ANG MUNDO UPANG MAGING TAGAPAGLIGTAS NATIN. MAGKAIBA YUNG PUMILI ( ANG DIOS ) at yung pinili ( SI JESUS ). eto :
1 Pedro 1:20 ASND

Bago pa likhain ang mundo, pinili na ng Dios si Cristo para maging Tagapagligtas natin. At ipinahayag siya ng Dios nitong mga huling araw alang-alang sa inyo.

ASND: Ang Salita ng Dios

jomangarcia
Автор

KAYA DAPAT AY MAPAGSURI ANG TAO; AT INUUNAWANG MABUTI ANG NASUSULAT SA TALATA. SI JESU-CRISTO PO AY GINAWANG PANGINOON AT CRISTO ( MESIYA ) NG DIOS . HINDI PO SIYA GINAWANG DIOS DIN NA KAPANTAY NG AMA. Eto:
Mga Gawa 2:36 RTPV05

“Kaya't dapat malaman ng buong Israel na itong si Jesus na ipinako ninyo sa krus ay siyang ginawa ng Diyos na Panginoon at Cristo!”

jomangarcia
Автор

ANG DIOS AY HINDI MO LITERAL NA NAKIKITA, SI JESU-CRISTO AY LITERAL MONG NAKIKITA NOONG SIYA'Y NABUBUHAY PA SA MUNDO. eto:
1 Juan 4:12

Ang Salita ng Diyos

12 Walang sinumang nakakita sa Diyos kahit kailan. Kapag tayo ay nag-iibigan sa isa’t isa, ang Diyos ay nananatili sa atin at ang kaniyang pag-ibig ay nagiging ganap sa atin.

jomangarcia
Автор

Jesus was A VERY SPECIAL MAN. HINDI DIOS na rulad ng AMA . eto :
Acts 2:22

Easy-to-Read Version

22 “My fellow Israelites, listen to these words: Jesus from Nazareth was a very special man. God clearly showed this to you. He proved it by the miracles, wonders, and miraculous signs he did through Jesus. You all saw these things, so you know this is true.

jomangarcia
Автор

Sino ang nagsabi na si Jesus ay Diyos? Tao ba o Diyos. Hindi tao kundi ang Diyos Ama mismo. Eto ang sabi sa Hebreo 1:6 At nang isusugo na ng Diyos ang kanyang panganay na Anak sa sanlibutan ay sinabi niya, “Dapat siyang sambahin ng lahat ng mga anghel ng Diyos.” Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya [ng Diyos Ama], “Ang iyong trono, O Diyos, [a] ay magpakailan pa man, ikaw ay maghaharing may katarungan.

ramcorpuz
Автор

Ginawa ng DIOS na perpekto si Jesu-Cristo e. Eto :
Hebrews 2:10

Contemporary English Version

10 Everything belongs to God, and all things were created by his power. So God did the right thing when he made Jesus perfect by suffering, as Jesus led many of God's children to be saved and to share in his glory.

jomangarcia
Автор

SI CRISTO AY HINDI DIOS NA TULAD NG AMA; SA KATUNAYAN SI JESU-CRISTO PO AY NAKAUPO SA KANAN NG DIOS. eto:
Colosas 3:1

  pag-aaral

         

1 Kung kayo nga'y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios.

jomangarcia
Автор

Sabi ninyo binuhay ni Jesus ang kanyang sarili after 3 days ? HINDI NAMAN GANUN ANG ARAL NG BIBLIA E. SI JESUS AY BINUHAY NG DIOS MULA SA KAMATAYAN. eto :
1 Peter 1:3 CEV

Praise God, the Father of our Lord Jesus Christ. God is so good, and by raising Jesus from death, he has given us new life and a hope that lives on.

jomangarcia