AKLAT NG 1 SAMUEL

preview_player
Показать описание
#AklatNg1Samuel #1SAMUEL
1 SAMUEL 1
Ang Kapanganakan ni Samuel
1May isang lalaking mula sa angkan ni Zuf na ang pangalan ay Elkana. Nakatira siya sa Rama, sa maburol na lupain ng Efraim. Anak siya ni Jeroham na anak ni Elihu. Si Elihu ay anak naman ni Tohu na anak ni Zuf, na mula sa lahi ni Efraim. 2Si Elkana ay may dalawang asawa. Sila ay sina Hanna at Penina. May mga anak si Penina pero si Hanna ay wala.
3Taun-taon, pumupunta si Elkana at ang sambahayan niya sa Shilo upang sumamba at maghandog sa Panginoong Makapangyarihan. Ang dalawang anak ni Eli na sina Hofni at Finehas ang mga pari ng Panginoon sa Shilo. 4Sa tuwing maghahandog si Elkana, hinahati niya ang ibang bahagi ng kanyang handog para kay Penina at sa mga anak niya. 5Pero doble ang bahagi na ibinibigay niya kay Hanna dahil mahal niya ito kahit hindi siya nagkakaanak, dahil ginawa siyang baog ng Dios. 6At dahil hindi nga siya magkaanak, lagi siyang iniinis at hinihiya ni Penina na kanyang karibal. 7Ganito ang laging nangyayari taun-taon. Sa tuwing pupunta si Hanna sa bahay ng Panginoon, iniinis siya ni Penina hanggang sa umiyak na lang siya at hindi na kumain. 8Sinasabi ni Elkana sa kanya, “Bakit ka umiiyak? Bakit ayaw mong kumain? Bakit ka malungkot? Mas mahalaga ba para sa iyo ang sampung anak kaysa sa akin?”
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Napupuspos ang aking puso ng kabutihan sa aking pakikinig sa mga kwento sa bible ❤❤❤ praise father, praise the son, praise the holy spirit 🙏🙏🙏

JosephineRubio-nysv
Автор

Nakakaantig naman kung paanong nakikipag ugnayan ang tao sa Diyos. At kung paano sumagot ang Diyos sa tao.

madelynrealiza
Автор

Praise God ganda ng Salita ng Diyos sya ang kausap mo ang Diyos 🙏

ellenabe
Автор

❤️❤️❤️ Lord Jesus Christ thank you so much for your Words Amen Hallelujah 🙏🏻🙏🏻🙏🏻

arcelicalvo
Автор

salamat PANGINOON sa mga salita mong hindi makakasawang pakinggan na napakamakapangyarihan🙏

imeldamelitante
Автор

Thank you Lord for your Holy word. Halleluja !❤

almawidmer
Автор

Ang galing po niyo bro.owen magstory hayag na hayag mga kwento niyo

eugeniaflores
Автор

There is power in the name of Jesus❤.🙏🏼

tatahvlog
Автор

LAKSANG Salamat sa Dios ☝️🙏 Watching Fr Southern California USA

nolascoconcepcion
Автор

Hindi Talaga Nakakasawa makinig ng salita ng diyos nakaka gaan ng pakiramdam salamat po panginoon tunay nga po ikaw ay buhay na buhay amen amen 🙏

ClarissaTabora
Автор

Amen
Our God is a powerful God ...Halleluyah

maribelatanacio
Автор

salamat panginoon Yahweh for severe in guide me in Jesus name

gabilyncabontocan
Автор

Manampalataya tayo mag basa ng bible at gumawa ng mabuti … purihin Ang panginoon Jdios Jesus 🙏🏾🙏🏾🙏🏾🙏🏾🙏🏾💫💫💫

joditadequena
Автор

Salamat Po Sa Dios! Please also see Ang Datin Daan (The Old Path on YouTube and May God Bless Everyone 😍🥰

NatureIsBeautiful-
Автор

Ang Dios ay Dios na makapangyarihan sa lahat basta wag kalang mag lihis sa kanyang mga daan..

diskartengtatay
Автор

sobra kayo kumuha ng patalastas grabe.

cristinamanubay