ANO ANG BIGAT AT PRESYO NG SILING LABUYO

preview_player
Показать описание
Panuorin ang buong video at malalaman kung ilang piraso ang bubunuin ng isang kilo at magkano ang average farm gate price. 🌶🌶🌶💰💰💰✅✅✅ Magandang araw mga Kabukid! Ito po ang kauna-unahan naming video tungkol sa mga tanim na gulay. Ang siling labuyo ay isa sa mga high valued crop at kapag natiyambahan ang mataas na demand ay talagang kumikita ng malaki sa tanim na ito.

Ang sili variety na aming ginamit ay ang Red Hot Chili Taiwan F1 mula sa East West Seeds.

Simple lamang po ang una namin na video. Gusto muna namin na maibahagi sa inyo, lalo sa mga nais sumubok na magtanim ng gulay, kung gaano nga ba kabigat ang isang piraso ng siling labuyo, ilan na piraso ang kailangan maharvest para maka-ani ng isang kilo at magkano ang average na presyo ng farm gate price na kasalukuyan na naglalaro ngayon. Alalahanin lamang po na pabago bago ang presyo ng mga gulay at ang presyo ng siling labuyo ay tumataas lalo na sa buwan ng October, November, December at January na kung saan umaabot sa halagang mahigit kumulang Php1,000.00 pesos kada kilo sa mga lokal na pamilihan.

Please like, comment and magsubscribe po sa bagong channel na ito at mapupulutan ninyo ng mga iba’t ibang ideas at tips hinggil sa pagtatanim at paano kumita.

Maraming salamat po!

#silinglabuyo
#paanokumitasapagtatanim
Рекомендации по теме