Panalangin Para Sa Pera | Dasal Para Magkapera

preview_player
Показать описание
Paano Makalaya Sa Utang Tips At Panalangin | Panalangin Para Matapos Ang Utang Tip 1

Paano Makalaya Sa Utang Tips At Panalangin | Panalangin Para Matapos Ang Utang Tip 2

Paano Makalaya Sa Utang Tips At Panalangin | Panalangin Para Matapos Ang Utang Tip 3

Magandang araw sa iyo Kapatid,
kahit na problemado ka sa pera, tandaan mo na matatapos din ang pagsubok at makakaahon ka sa utang. Gagaan ang buhay mo sa tulong ng Diyos kaya halika't manalangin tayo.

Naaalala ko nuong araw na nagtatago ako sa maniningil at kahit sa tawag sa telepono ay hindi ko masagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

Naaaburido ako sa buhay sa paulit- ulit na utang, bayad, utang, kapos palagi. Hindi na ko makangiti.
Hanggang sa lubog na ko, walang malapitan at naubos na din uutangan. Nanliliit na ko sa sarili ko.

Ayun pala ang dahilan ng Diyos para humingi ako ng saklolo sa kanya. Para kumapit at panalangin ako sa kanya.
Unti unti kong nakita ang pagbabago sa buhay ko sa kabutihan ng Diyos.

Sa maiksing salita, tinuruan ako ng Diyos na daanin ang lahat sa dasal hindi sa sarili kong lakas palagi at sumunod sa tinig ng Espiritu Santo na gabay natin sa buhay.

Kapag babalikan ko ang buhay ko nuon naluluha ako sa kagalakan kapag nagbabalik tanaw ako kung paano ako inangat ng Panginoon sa pagkakalubog ko sa utang.

Huwag mo limitahan ang magagawa ng Diyos sa buhay mo, lalo na sa pera. Kung nagawa ng Diyos Ama na iregalo si Hesus para sa ating kaligtasan, pera pa kaya na maliit na bagay para sa Diyos na nagbibigay buhay at higit pa.

Hindi ka pagdadamutan ng Panginoon. Iaangat ka niya kung nasaan ka man ngayon. Huwag kang mag-alinlangan, ibigay mo ng buo sa Panginoon.
Mahal ka ng Diyos Ama na lumikha sa iyo at nagbibigay hininga sa iyo, nawa'y gumaan ang kalooban mo.

Sa pagdarasal ko kanina, sabi ko, Panginoon, kung hindi ko napagdaanan ang hirap sa pera, hindi ko magagawa itong panalangin na ito.

Gagamitin ng Panginoon ang bawat pangyayari sa buhay natin, para sa atin, para sa iba at para sa kapurihan niya.

Nawa'y masumpungan mo ang Panginoon at manahan ka sa kanyang presensya.
May dahilan ang lahat ng bagay, at sa iba't ibang sitwasyon at "chapter"ng buhay natin may mensahe at leksyon na itinuturo ang ating Panginoon para sa ikalalago natin.

Mahal na mahal ka ng Panginoon at nawa'y dumating na ang hinihiling mong panalangin. Hindi ka na magigipit, aasenso ka na. Amen!

Salamat sa Diyos.

Salita ng Diyos | Bible Scriptures

Filipos 4 19
Ngunit ang aking Diyos ang magpupuno sa inyo ng lahat ng inyong pangangailangan ayon sa kaniyang kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus.

Mateo 6 33
Ngunit hanapin muna ninyo ang paghahari ng Diyos at ang kaniyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo.

Ezekiel 36:26
Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin kong pusong masunurin.

Awit 56:8-10
Ang taglay kong sulirani'y nababatid mo nang lahat, pati mga pagluha ko'y nakasulat sa iyong aklat.

Kapag sumapit ang sandaling tumawag ako sa iyo, tiyak na malulupig ang lahat ng kalaban ko; pagkat aking nalalamang,
 “Ang Diyos ay nasa panig ko.”

May tiwala ako sa Diyos, pangako niya'y iingatan, pupurihin ko si Yahweh sa pangakong binitiwan.

Mateo 7:7-9
“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.

Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan.

Bibigyan ba ninyo ng bato ang inyong anak kapag siya'y humihingi ng tinapay?

Credits:
- Pexels para sa background video
 
- for background music
- Mood Videos for the background music

#panalangin
#panalanginparasapera
#dasalsapera
#panalanginpatungkolsapera
#pera
#utang
#tagalogprayer
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Magandang araw po.
Kung gusto niyo po bumagal o bumilis ang video, kapag celfone po ang gamit pumunta sa kanang bahagi at sa itaas pindutin ang "three dots" sa gilid tapos, piliin ang "playback speed" kung anong bagal o bilis po ang gusto ninyo sa video, piliin lamang.
Kung laptop po ang gamit punta sa settings tapos piliin yung "playback speed" at piliin ang bilis o bagal na gusto ninyo.
Salamat po.👍😊❤

tagalogprayers
Автор

Lord please help ME. Maka bayad na ko nang mga pang kakautang ko. Para sa akin mga anak at apo' pagod na po ako sa puro utang. Thank you lord God bless everyone🙏🙏🙏

lucilleevardone
Автор

Panginoon Hesu Cristo, Ipagkaloob po ninyo ang aking mga hinihiling, Maraming Salamat po, Amen

salomeschulz
Автор

Maraming salamat po aming maawain na ama sa lahat ng biyayang ipinagkaloob mo po sa amin at mga paparating pa na mga biyaya sa amin sa pangalan ni Jesus Amen

mariateresitaricafort
Автор

Diyos Ama...lahat ay mangyayari ayon sa iyong kagustuhan...nananalig po ako di Niyo kami pababayaan..Amen

maryanndionida
Автор

SA PANGALAN NI JESUS AMANG DIYOS NA MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT DINGGIN MO PO ANG AMING MGA PANALANGIN AT MARAMING SALAMAT PO SA BIYAYANG IPAGKAKALOOB MO SA AMIN AMEN PO MAHAL NA PANGINOONG DIYOS 💕🙏💖

benjaminjrmamaclay
Автор

Mahal na panginoon tolongan mo kami lahat sa aming manga kaylangan namin amen salamat lord

johnpaulcargullo
Автор

heavenly father Alam long kayo lng at Wala ng higit pang nkabbatid ng aking pinagdadaanan sa buhay sa inyo lng po ako kumakapit kapatid salamat sa panalangin🙏❤️👍salamat sa Panginoon 🙏🙏🙏🧡🧡🧡

generosanatividad
Автор

I claim it, at siksik lig lig po at maraming salamat po lord, tulongan nyo po ako na magbago manlang ang aking pamumuhay in jesus name, amen.🙏🙏🙏❤❤❤

calisinglen
Автор

Yes God is Good all the time...In Jesus Name... Amen 🙏🙏♥️

shiedanvaldez
Автор

maraming salamat po panginoon.JESUS sa lahat ng biyayang ipinagkaloob nyo sa akin at sa aking pamilya., .
naway po bigyan nyo po ako sa araw arw na financial na pangangailangan..
AMEN...AMEN...AMEN....

fidelanarte
Автор

maraming maraming salamat po Amang Dios, at sa panalangin mo sa akin kapatid... Amen

florapanganiban
Автор

Lord I pray for financial blessings to pay my financial obligations n other needs. I claim my blessings now!Thank u Lord n My God. Amen

lhaniebarroga
Автор

Salamat po sa lahat Ng tulong at biyaya mong ipinagkakaloob mo sa akin
Tulungan mo po ako na magkaroon ng sapat na salapi para sa pagpapagawa ng nasirang bubong
Ang LAHAT po ay hinihingi sa pangalan ñi JESUS
AMEN 🙏🙏🙏🙏

evalabaydan
Автор

Salamat po sa answered prayers na ipinagkakaloob mo sa akin

Muli po humihingi Ng tulong, tulungan mo po na magkaroon po muli Ng trabaho para sa lahat Ng PANGANGAILANGAN
Amen 🙏🙏🙏

evalabaydan
Автор

Panginoong HESUKRISTO
TULUNGAN MO AKO SA problemang pananalapi
Amen 🙏🙏🙏

evalabaydan
Автор

Lord salamat sa tanan! Ako na Surinder sa imo Ang tanan nko problema. Kung unsaon nko pag lingkawas sa ako mga utang gikapoy nko cge pangutang Lord Kay ibayad sa utang.. walay kahumanan Lord tabangi ko ikaw ra gyud Ang nahibalo ani tanan.

marissatapales
Автор

Lord I pray for financial blessings to pay for all my obligations. I claim it that I will receive blessings & abundance everyday

rizalynlabanan
Автор

Dinggon Mo Po Panginoon ang aking/aming kahilingan, Salamt Po Panginoong Diyos, makakabayad Po ako sa Ngalan ni Jesus, Amen

eugenetesorero
Автор

Panginoon Sana dinggin mo po ang aking mga dalan gin sa ngalan ni Hesus NA iyong bugtong anak amen

beverlyarquizola