LALAKING WANTED, NAHULI MATAPOS MAGTANGKANG KUMUHA NG POLICE CLEARANCE

preview_player
Показать описание
HINDI NA NAKAUWI ang isang lalaki na kukuha lang sana ng Police Clearance sa lunsod ng Cabanatuan, matapos mapag-alaman na wanted pala ito sa kasong syndicated Estafa, nangyari ito noong Pebrero 28, taong 2024.

Maliban dito, anim pang wanted ang natimbog din ng pulisya sa patuloy na kampanya ng Nueva Ecija Provincial Police Office o NEPPO sa kampanya laban sa mga wanted at nakarekober din ng mga loose firearms sa lalawigan.

Sa ulat, bandang alas-3:30 ng hapon, si Mark Paul Ordonio, 32-anyos na residente ng Barangay Patalac, Cabanatuan City, ay kukuha sana ng National Police Clearance sa SM City Mall, Cabanatuan. Gayunpaman, lumitaw sa sistema na mayroon siyang Warrant of Arrest para sa Syndicated Estafa, na may inirekomendang piyansa na Php120,000.00, na inisyu noong Marso 21, 2019.

Bukod dito, dinakip naman ng mga elemento ng Science City of Muñoz Police Station, Guimba Police Station, Pantabangan Police Station, San Jose City Police Station, Cabanatuan City Police Station, at Rizal Police Station ang anim (6) pang wanted person para sa ibat-ibang kaso. Nasa kustodiya na ngayon ng operating units ang mga akusado.

Samantala, sa patuloy na pagpapatupad ng Balik-Baril Program ay nagresulta sa pagbawi ng dalawang (2) Cal .38 Revolver, na boluntaryong isinuko ng mga concerned citizen sa Licab Police Station at Jaen Police Station.
Рекомендации по теме