Kay Tagal Kitang Hinintay | (c) Sponge Cola | #AgsuntaSongRequests ft. Ken Alvarez

preview_player
Показать описание
Isang throwback song ulit ang hain namin sainyo ngayon. Sana magustuhan niyo ang version namin ng Kay Tagal Kitang Hinintay by Sponge Cola kasama ang napakakulit na tropa namin na si Ken!
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

There’s this special person who used to sing me this song. Sabi ko pa non sa sarili ko, hindi pwedeng mawala itong kantang ‘to kapag kinasal na kami. 🙂 now he’s happy without me. And I will always be happy for him. I hope he achieve his dreams 🤍✨

soleil
Автор

we got married last dec. 27, 2021, this song was played while walking ako sa aisle. goosebumps lalo na ang intro.thank you sa cover❤️

honeyreehan
Автор

Goosebumps talaga to. Naalala ko yung nangyari sa amin ng bf ko nung mga nakaraan. I met him when I was 13years old (year 2012) 1st year hs. Bagets na bagets hehe. Uso text noon, naging magkatipan kami. Yeah, too young. Magjowa kami sa text, ganorn di kami nagkakasama pero magkakilala naman kami.. so nakuha daw niya number ko ay sa friend ko na classmate niya kasi daw crush niya ako 😆 then we broke up, kasi wala lang bata pa kami at laro pa lang para sa amin noon kala namin crush crush lang. Then the following year, di siya tumigil pagtetext nor pagchachat sa akin kasi uso na fb non. Then 3rd year highschool, di pa rin siya tumitigil. Hanggang sa valentines 2014 pumunta siya sa amin, may dala siyang teddy bear, we're only 15years old that time. So kabado ako kasi baka mapagalitan ako nina nanay, though di ko naman siya bf non kaso bata pa ako para magpaligaw kasi di nila alam na naging bf ko na yun sa text noon pa. Hahaha. Then yun, humarap siya sa parents and families ko, sa mga pinsan ko, sa lahat ng mga kaibigan ko. Shookt 😳 to be short, nanliligaw ulit siya. Then ako, ayoko pa ng bf non kasi bata pa ako. So di ko siya sinagot, hanggang sa umalis na siya dito sa province namin. Doon na siya sa Manila tumuloy ng pag-aaral. Lumipas ang panahon, pero di pa rin nawawala sa kanya na mangamusta, di nawala yung bibisita siya sa bahay na may dala na kung anuman kapag napapauwi siya sa province namin. Until magcollege, ganon ang set up namin, bibisita siya sa bahay kapag napapauwi sa province namin. Hanggang sa nagkaroon na kami ng iba both, pero kahit nagkameron nang iba sa Manila pumupunta pa rin siya sa bahay kapag napapauwi tapos kumakain at sumisimba kami nang magkasama pero walang kami. Super gulo ng set up namin noon, year 2015-2017 nag aaway kahit walang kami, bumibisita sa bahay, nag iiyakan, sinusundo ako sa mga lakad ko tapos ihahatid ako sa bahay, sumisimba ng simbang gabi kapag nandito siya sa province namin. Away bati, magulong set up, nagkaroon ng iba both. Pero year 2018, he asked my friend kung paano ako makakausap. Hehe. Ayoko na nun kasi sobrang naguluhan ako sa set up namin na baka maulit lang kapag nagkausap pa kami. So after class namin, nag ayaan kaming magkakaibigan na mag happy happy. Inuman... Sinet up pala ng mga barkada ko, kausap pala nila pinapunta nila. So ako walang kibo kasi gulat ako HAHAHAHA then yun. Nag usap pa rin kami, after non napag usapan na namin lahat then he wants to court me again. Nanligaw siya, nagsabi ulit siya sa bahay namin, nagsabi siya sa nanay ko nang maayos. Then umalis na ulit siya dito sa province namin so akala ko balik kami sa set up na magulo, pero bruh HINDI. He proved me na magiging maayos ang lahat, then April 20, 2018 di ko inexpect na uuwi siya. Kasama niya friend ko, may dala siyang bucket ng Jollibee sa bahay namin. 😂 Then nag ayaan ang barkada na lalabas noong gabi, then yun na before April 20, 2018 ends kinausap na niya ako at nilabas ang couple ring na nasa box. Then he asked me kung pwede na niya akong maging gf, syempre YES ang sagot ko choosy pa ba ako? Antagal namin nag antay pareho na maayos lahat noh. Hahaha. So here we are, 3years and 6months today!! 🥰❤️ We're pursuing our dreams together. Nasa barko siya ngayon bilang isang seafarer, at ako nandito sa province namin bilang isang public servant. 9months on board na siya, at sobrang smooth lang ng takbo ng relationship namin. I couldn't ask for more 🥰 Sobra naming pinagpapasalamat kay God ang lahat ng pinagdaanan namin, doon kami natuto at naggrow. THANK YOU LORD.

Sana nainspired kayo sa kwento namin, salamat sa mga naglaan ng oras para magbasa. You can pm me para mapakita ko pics namin na luma at pics namin ngayon. Lol. Hahaha. Thank you and God bless. Mala-MMK love story namin noh? Sana kayo din makahanap ng love na deserve niyo!! Basta keep on waiting and of course PRAYING. Kasi pinagdasal ko nang sobra tong relasyon na to. If it's meant to be it will be 🤍

Kay Tagal Kitang Hinintay by Spongecola reminds me of everything! 🥺🥰 Ang sarap balikan ng nakaraan at ang sarap tingnan kung saan kami dinala nito. ❤️

jessicababista
Автор

This is the time that we acknowledge OPM songs. Sobrang deserve ng mga artist natin ang recognition. Nakaka lungkot na mas puno pa ang concerts ng korean idol kesa sa mga small artists natin na halos di nabibigyan ng break... napaka ganda ng mga kantang gawa ng Pinoy..💖💖💖

MHT_MUSIC_
Автор

Hawakan mo ang aking kamay at tayong dalawa'y
Maghahasik ng kaligayahan
Bitawan mong unang salita
Ako ay handa nang tumapak sa lupa

Tapos na ang paghihintay nandito ka na't
Oras ay naiinip magdahan-dahan
Sinasamsam bawat gunita
Na para bang tayo'y di na tatanda

Ligaya mo'y nasa huli
Sambit na ng iyong mga labi

Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay balewala

Nagkita rin ang ating landas wala ng iba
Akong hinihiling kundi ika'y pagmasdan
Mundo ko ay yong niyanig
Oh anung ligayang ika'y sumama sa akin
Nais ko lang humimbing
Sa saliw ng iyong tinig

Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay balewala

Panatag ang kalooban ko
At ika'y kapiling ko na
Oh kay tagal kitang hinintay
Ligaya noo'y nasa huli
Sambit na ng iyong mga labi

Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay balewala
Ang dati ay balewala...

Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay balewala

Panatag ang kalooban ko
At ika'y kapiling ko na
Kay tagal kitang hinintay

xmen
Автор

Timeless song. Walang kakupas kupas. Masakit pa din na nakakatusok ng puso.

yseahdeniselacerna
Автор

Nakita ko na naman kayo kakascroll ko sa yt. Favorite rendition ng kantang to ❣️👌

the.godguy
Автор

Hawakan mo ang aking kamay
At tayong dalawa'y maghahasik ng kaligayahan
Bitawan mo'ng unang salita
Ako ay handa nang tumapak sa lupa
Tapos na ang paghihintay, nandito ka na
At oras ay naiinip, magdahan-dahan
Sinasamsam bawat gunita
Na para bang tayo'y 'di na tatanda
Ligayang noo'y nasa huli
Sambit na nang iyong mga labi
Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay baliwala
Nagkita rin ang ating landas
Wala nang iba akong hinihiling kung 'di ika'y pagmasdan
Mundo ko ay 'yong niyanig
Oh, ano'ng ligayang ika'y sumama sa akin
Nais ko lang humimbing
Sa saliw ng iyong tinig
Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay baliwala
Panatag ang kalooban ko
At ika'y kapiling ko na
Oh, kay tagal kitang hinintay
Oh, kay tagal kitang hinintay
Ligayang noo'y nasa huli
Sambit na nang iyong mga labi
Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay baliwala
Ang dati ay baliwala
Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay baliwala
Panatag ang kalooban ko
At ika'y kapiling ko na
Oh, kay tagal kitang hinintay
Oh, kay tagal kitang hinintay

gelodelacruzofficial
Автор

Napakagandang version naman nito
Kapag kinasal ako ito yung gusto kong marinig habang naglalakad sa aisle 😍

teachernyopagodna
Автор

grabe nakakaiyak imagine after 3years kayo di nagkita tapos ngayon makikita mo siya tas masaya kayo arghhh!!😭

billymanuel
Автор

Minsan may mga pagkakataon na dapat malaman mo kung sino ang di para sa yo para malaman mo kung suno talaga ang para sayo. It sad but we have to be strong and always be ready to face it

appoolloo
Автор

"Parang isang panaginip ang muli mapagbigyan, tayo'y muling magkasama ang dati'y balewala" - ❤

flocymaefernandez
Автор

I was surprised when this song played on the background of my wedding photos. I immediately look on whose version is it. Clap clap

ivanmuharrani
Автор

hindi lahat ng nag antay may happy ending 13 years! bago kita nakausap uli pero gang doon lang tayo.. that night is like forever thank you for the chance!

devielustestica
Автор

sarap paren pakinggan ng mga kanta na cinover nyo, sarap sa tenga bawat cover pulido ung pag kaka cover nyo hehe

gonzales
Автор

Ramdam ko ang kanta sobrang sulid po ang kanta nyu mga idol, , , hanggang kylan kaya ako maghihintay minsan naiinip ako gusto magkapawala at sabihin at isigaw na asan kna mahal ko bkit ang tagal mo dumating

ronaldramos
Автор

Ang ganda talaga ng pag cover nyo mga idol dpo nakakasawang pakinggan 🥰❤️

Barbikyu_istik
Автор

Pwede po a kayong gumawa ng instrumental version ng Kaitagal Kitang Hinintay?? sarap po kasing makinig lalo na sa intro ng cover niyo.. :) :) ^_^ ^_^

virgiliotacsagon
Автор

No denied :) gusto ko mga cover nyo mas gusto ko mga instrumental kapag nag eexcercise ako kesa sa mga Pop Jazz. Mga parokya please #AgsuntaSongRequest

bb-zeref
Автор

nice song. nice cover tlga kayo.
pa request naman sa bingit ng isang paalam by spongecola.
#AgsuntaSongRequests

thedailymotivation