Mikhail - Patuloy Lang ft. Eyarkey (Prod. Yvng Riel)

preview_player
Показать описание
Mikhail - Patuloy Lang ft. Eyarkey (Prod. Yvng Riel)

Mixed and Mastered @ Dead End Barbers & Studios (The Dope Lab)

Written and Performed by: Mikhail and Eyarkey

Visuals: Eyarkey

2022

#filipinorap #padayon #peacefulmusic
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Mikhail - Patuloy Lang ft. Eyarkey

1st verse (Mikhail)

Libutin ang hardin
Sariwang hangin na kay sarap lamang langhapin
Mga paa sa lupa at sa ulap ang tingin
Basta merong kang tyaga walang di kayang abutin

Ang iyong bawat gagawin palaging mahalin
Respeto't pakikisama ay palaging dadalhin
Kung saan man mapadpad
Saan man makarating
Kung saan ako nanggaling pa rin ang tatanawin ko

Negatib ilet go para positibo
Sa andar
Sadyang ang tadhana ay mapang-asar
Kaya itinatawa ko nalang
Naglilibang hanggang limot na ang senaryong mapait at matabang

Minsan parang gusto ng sumuko
Madalas magtalo ang isip at puso
Ngunit ganun pa man ay hinahanap ko pa rin ang mga dahilan para ako'y magpatuloy

Hook:

Malayo man mararating din
Basta sipagan lagi sa gawa
Balang araw meron din mapapala
Di pupwedeng manatili sa baba

Malayo man mararating din
Basta tuloy tuloy sa paghakbang
Wag mong hayaan na hanggang jan ka nalang
May tagumpay sa dulo pang nag- aabang
Patuloy lang...

2nd verse (ARK)

Madalas mang maligaw sa munting mundo,
at mapaligiran ng mga tukso, direksyon ay di parin magbabago paangat lang, kahit kailangang languyin man o gumapang,


Handang saluhin ang pagsubok ng tadhana,
Habang naglilibang na para bang isang bata,
Hanggang masabi mo ng isa ko sa pinagpala,
Upang mahukay lamang ang gintong paalala

na lahat tayo dito ay lilisan din, magiging pataba sa munting hardin, magiging alaalang laging dadalhin ng mga maiiwang napaibig rin sa ating pakikisamang tunay na walang tatalo,

kaya wag kang susuko, kilusan ang pagbabago,
bago pa dumating ang sundong anghel, ang puso at isip ay yong pagisahin, patuloy lang

Hook:

Malayo man mararating din
Basta sipagan lagi sa gawa
Balang araw meron din mapapala
Di pupwedeng manatili sa baba

Malayo man mararating din
Basta tuloy tuloy sa paghakbang
Wag mong hayaan na hanggang jan ka nalang
May tagumpay sa dulo pang nag- aabang
Patuloy lang...

mikhail
Автор

New musika nanaman galing sayo utol salamat!!!

iitzToddTzy
visit shbcf.ru