filmov
tv
It’s Showtime January 15, 2025 | Full Episode
Показать описание
Ang little star ng “It’s Showtime,” nag-celebrate ng kan’yang special day! Everybody, batiin natin si Showtime kid Imogen Cantong ng “happy birthday!” Pero kahit siya ang may kaarawan, si Imogen pa ang may regalo for everyone. Ano kaya itong nakaka-good vibes niyang paandar?
Of course, si Imogen ay isang regalo sa kan’yang Mommy Kaye and Daddy Rey ng “Six Part Invention” band. Kaya very proud ang couple sa baby girl nila. Pati mga ninong at ninang ni Imogen sa ‘Showtime,’ masayang makitang lumalaki siyang mabait pero ma-cute-lit!
‘Action’ ang hudyat para ang lahat ay magpasikat! Aktingan nina Showtime kids Argus, Kulot, Imogen, Jaze, at Stephen, pinalakpakan ng lahat sa “Showing Bulilit.” May sweet wishes din ang kids para kay birthday girl Imogen.
Nakigulo naman sa hulaan si Tetay bilang ka-tandem ni Ryang Bang. Kasali rin si Negi kapares ng kamukha niya (sabi ni Negi!) na si Bela Padilla. Si Wize Estabillo, nagpaalam daw kay Darren Espanto kug pwedeng maka-partner si Jackie Gonzaga sa laro. Ano kaya ang reply ni Darren? Hindi rin nagpahuli sa hulaan at tawanan ang magkakapares na sina Jugs Jugueta at Ion Perez, Ogie Alcasid at Teddy Corpuz, at Vhong Navarro at Cianne Dominguez.
Nakakaaliw ‘yung combo ng competitiveness at comedy. Ang players, laban na laban, pero ang mga sagot ay dinadaan din sa biruan. Kaya hindi nakaiwas sa asaran sina Cianne at Ryan, na mahilig makinig sa mga bulong ng kalaban.
Umapoy ang entablado sa Day 3 ng week-long Final Examination ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”
Habang mas tumatagal, mas nagiging exciting ang laban dahil mas gumagaling na rin ang strategies ng Team Black at Team White. Agad-agad tumaas ang tensyon nang ipasa ni Cebu Normal University student Mary Khem Cabagte sa teammate na si Thor Valiente ng La Salle Greenhills ang pagkanta.
Mula naman sa Team Black, nabunot ang pangalan ni Christian Pasana ng PHINMA-University of Pangasinan. But, as part of the team’s strategy, ipinasa ni Christian ang pagkanta sa contender na handang-handa nang tumapat kay Thor, at ‘yun ay si Carmelle Collado ng King Tomas Learning Academy. Inc.
The crowd went wild sa pagkanta ni Thor ng “It’s A Man’s Man’s Man’s World.” Tinawag siya ni hurado Erik Santos na total performer. Pero hindi nagpadaig si Carmelle na in-entertain ang lahat singing the Whitney Houston hit “I Wanna Dance With Somebody,” dahilan para tawagin siya ni hurado Klarisse de Guzman na total package at “next big star.”
Pagkatapos ng nag-aalab na tapatan, si Carmelle ang umangat sa tanghalan! Nakakuha siya ng 97%, samantala, 93% naman ang score na nakuha ni Thor. Pasok na si Carmelle sa Huling Tapatan sa Sabado.
Sa second face-off, nabunot ang pangalan ni Adie Hamja ng Western Mindanao State University. Kung kahapon ay nag-pass si Adie, ngayo’y handa na siyang lumaban. Hindi rin nagdalawang-isip na kumasa sa hamon ng pagkanta si Patricia Capon ng Cebu Technological University.
Swabe ang atake ni Adie sa kan’yang rendition ng December Avenue song na “Huling Pagkakataon.” Ginulat naman ni Patricia ang lahat sa pasabog na pagbirit ng “And I Am Telling You.” Comeback match ito para kina Adie at Patricia na nagkaharap din noon sa Midterm round–para bang itinadhana talaga silang maglaban.
Sa huli, ang nanaig sa round na ‘to ay Adie na nakakuha ng score na 92.4%, na dikit sa 92.2% na grado ni Patricia. Pasok na si Adie sa Huling Tapatan sa Sabado.
#TNTSchoolStudyangtinig
#ItsShowtimeFullEp
#ABSCBNEntertainment

Комментарии