Tekstong Prosidyural

preview_player
Показать описание
Asignatura: Filipino 2 - Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik

Disclaimer: Ang mga videos na aking ginamit ay hindi ko pag-aari. Ito lamang ay aking hiniram upang mas mapaganda ang aming talakayan. Maraming salamat
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Sa video na ito ang tekstong prosidyural ay nagbibigay ng malinaw na mga hakbang para sa iba't ibang gawain tulad ng pagluluto, pag-aayos ng mga kagamitan, at pagsasagawa ng mga proyekto. Tumutulong ito sa mga tao na magawa nang tama at episyente ang kanilang mga tungkulin. At Mahalaga ito sa edukasyon at pagsasanay, Ang mga guro at tagapagsanay ay gumagamit ng tekstong prosidyural upang ituro ang mga tamang pamamaraan sa mga estudyante at trainees. Salamat Sir!

MichaelTupaz-zlkh
Автор

Sa videong ito ay natutuhan ko ang kahalagahan ng tekstong prosidyural, nalaman ko mayroon tayong kakayahang makagawa ng mga bagay na di natin inakalang magagawa natin noon at ito ay dahil sa tulong ng mga tekstong prosidyural. Nakita ko rin na kailangang maging maliwanag ang paglalahad ng mga prosidyur upang maunawaan at masundan ito ng bumabasa. Ngayon ay mag - iisip ka bilang isang imbentor at magpapakilala ng iyong imbensyon. Isang bagay na magagamit ng mga tao upang mapagaan ang kanilang mga gawaing bahay, isang gadget o makina na magpapaunlad ng komunikasyon ng mga taong nasa iba’t ibang parte ng mundo, o isang bagay na tutulong sa pagbabago ng klima. Siguruhing maging malinaw ang iyong mga paraan at wasto ang pagkakasunod -sunod.

raymondbartolome
Автор

Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng teksto na nagbibigay ng impormasyon kung paano isagawa ang isang bagay o gawain. Sa tekstong ito, pinapakita ang mga impormasyon sa “Chronological” na paraan o mayroong sinusunod na pagkakasunod-sunod. Ang layunin ng tekstong prosidyural ay magbigay ng panuto sa pambabasa para maisagawa ng maayos ang isang gawain.

jonhrodlorensriego
Автор

Escartin, Leah B.
BSBA-HRM

Ang tekstong prosidyural ay Isang espesyal na uri ng tekstong expository ang tekstong prosidyural. Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan. Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa ang isang bagay. Layunin nitong maipabatid ang mga wastong hakbang na dapat isagawa. Sa panahon ngayong maraming mga bagay ang sinasabi nilang do-it-yourself o ‘yung mga bagay na sa halip na kumuha ng iba pang gagawa ay ikaw na mismo ang gagawa, nararapat lamang na marunong tayong umunawa sa mga prosidyur na nakalakip dito. Ang wastong pag-unawa sa mga prosidyur ang gagabay sa atin upang matagumpay na maisagawa ang isang bagay.

escartinleahbalita
Автор

Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng tekstong nagbibigay ng gabay upang magawa ng maayos at tama ang isang gawain . Ito ay nasa tamang pagkakasunud-sunod na dapat sundin upang makuha ang tamang awtput o resulta na isang gawain. Ito ay may mga uri tulad ng recipe, panuto, panuntunan sa mga laro, manwal, mga eksperimento at pagbibigay ng direksyon. Meron itong apat na bahagi tulad ng layunin, mga kagamitan, hakbang/metodo at konklusyon/ebalwasyon. May mga pagkakaayos din ito tulad ng pamagat, seksyon, subheading, at mga larawan o visuals. Sa pagsunod sa tekstong prosidyural magagawa natin ng maayos at matagumpay ang isang layunin o gawain

christianreyes
Автор

Ang Tekstong Prosidyural ay isang uri ng teksto na layuning magbigay ng impormasyon at mga hakbang upang maisagawa ng maayos at tama ang isang gawain o bagay.Halimbawa nalamang ay recipe ng ilulutong pagkain, manual ng bagong biling gamit at panuto o direksyon upang mapuntahan ng tama ang lugar na pupuntahan.

edmondambida
Автор

Makakatulong ang araling ito na mapadali ang isang gawain sa pagsunod sa mga hakbang na nakapaloob dito katulad nlng sa pagsunod sa recipe ng pagluluto lalo na at bago yong lulutuin natin, isa pang halimbawa ay ung pagbibigay natin ng direksyon na makakatulong na makarating ung taong naghahanap ng isang lugar, malaki ang maitutulong ang tekstong prosidyural.

casapaorodelio
Автор

Sa tekstong prosidyural ay uri kung paano maisagwa ang sunod- sunod na direksyon at impormasyon sa mga tao upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain ng ligtas, episyente at angkop sa paraan. ito ay para maipabatid ang tamang hakbang upang magtagumpay sa gawain.

janelleescarpe
Автор

Sa video na ito na ang tekstong prosidyural ay nag bibigay ng malinaw na impormasyon o hakbang sa ating mga gagawin tulad ng pag luluto, pag sasagawa ng mga hindi pa natin alam kung paano gawin, ito ay makaka tulong sa atin upang mas mapadali ang ating gagawin

LeaFeV.Lazarte
Автор

Trisya L. De Guia
BSBA - HRM


Tunay na malaking tulong ang mga videos na ito sa aking pag aaral sa aralin sa Filipino lalo na sa topic na ito. Tinalakay dito ang ang tekstong prosidyural ay isang uri ng teksto na naglalaman ng mga hakbang o gabay sa paggawa ng isang tiyak na gawain o proseso. Ito ay karaniwang may layuning magbigay ng malinaw na pagtuturo o instruksyon sa mga mambabasa kung paano gawin ang isang bagay nang maayos at wasto.

DEGUIATRISYA
Автор

Mga natutuhan ko:
tekstong prosidyural
ito ay nagiging gabay sa mga tao para makagawa ng isang gawain
at makabuo ng isang produkto, nagsisilbing paalala, nagbibigay ng impormasyon,
mayroong sinusunod na chronological order sa pagsasagawa para maging
panuto ng isang maayos na gawain. Ito ay magagamit natin sa ating pang-araw araw na buhay
at malaki ang maitutulong nito sa atin.
ito ay may 6 na uri:
-paraan ng pagluluto
-panuto o instructions
-panuntunan sa mga laro
-manwal
-eksperimento
-pagbibigay ng direksyon
ito ay may 4 na bahagi
-layunin
-kagamitan/sangkap
-hakbang/metodo
-konklusyon/ebalwasyon
ito ay may 4 na pattern
-pamagat
-seksyon
-subheading
-visuals

guancoannalynn
Автор

Blessie P. Layacan
BSTM

Ang natutuhan ko sa aralin ay ang tekstong prosidyural. Kung saan ang layunin ng tekstong prosidyural ay para maisagawa ng maayos ang isang gawain. Ito ay may sinusunod na gawain o hakbang. Lalo na kung sa isang bidyo na nilalaman ay ang pag luto. May mga hakbang na sinusunod upang magawa ang bagay na iyong dapat gawin. Ginagawa ito upang mapadali ang isang gawain. At dapat sinusigurado na tama ang pagkasunod sunod nito

layacanblessiep.
Автор

Nakakatulong ang tekstong prosidyural upang tayo ay matuto sa ating sariling pagsisiskap na magawa ang isang bagay. Sa panahon ngayon ay mas madali na tayo makapag luto basta sundin lang natin ang mga sumusunod na prosidyur.

jeannielineses