LANDED - Omar Baliw feat. Rhyne (Official Music Video)

preview_player
Показать описание
Official music video for “LANDED” by OMAR BALIW feat. Rhyne



►Follow Omar Baliw Online:

►Lyrics:
Intro:

ugh, yeah
alam nyo na kung sino to
alam na din kung san nanggaling hehe
pero di ko alam kung alam nyo talaga yung tunay na kwento ko
kung pano ko nilaban, kung pano hinanap
kung pano ko nakuha yung mga pangarap na nasa kanta ko lang dati
kaya ngayon pwede mo ng pakinggan tara

1.
may sagot na sa tanong kung anong napala?
kaya kitang kita na din kung san ako nadala
pero umpisa pa lang, lahat yan ay patikim
nailawan sa wakas, yung mundo kong madilim

buti na lang dumiin, ramdam ko na yung balik
pagdating sa dulo sinalubong ng halik
manamis namis, lahat ngayon saken nakikinig
dati nasa sulok lang, gutom nanginginig

isang noodles hati kameng tatlong magkakapatid
tapos si mama tubig lang sa gutom nya papatid
'di na yan mararanasan ng aking mga anak
hanggang magka-apo pa yung aking mga anak

kaya gumagalaw pa rin, lalong dadagdagan
pupuntos pa rin ako, tuloy dadakdakan
ito na yung buhay na dati ko lang napanuod
salamat kung sa kwento ko, ika'y nakasunod

Chorus: (Rhyne)
Buti nalang hindi ako nainip nainip
Diko tinigilan hanggang sa makuha
Alam kong merong kapalit kapalit
Ang paghihirap ko’t kada patak ng luha

Kung sansan lumapalop umabot
Mapasaan ma’y hindi natakot
Kakaiba din ang dinulot
Nagbunga na kaya hinahakot

2.
daming kabiguan, yan sa akin bumuo
kaya nalaman ko din sino sakin totoo
kung sino man yung tunay, edi yun lang yung natira
makakasama kung saan ako nakatira

buti na lang talaga, natuklasan ang halaga
dami ko ding pagod, sadyang di lang halata
dating di pinapatulog din ng mga bayarin
ako lang din tumapos, ako lang din salarin

balik tanaw, hirap talaga na makagalaw
pero imposible din talaga na mapa-ayaw
alam ko na dati pa lang aking destinasyon
basta pupuntahan kagad, wala ng eksplinasyon

iba pala salubong basta pinaghandaan
para sa kinabukasan ko, pinatag ang daan
bawat natutunan talagang pinaka-tandaan
saradong pintuan ngayon pinaka-tadyakan

Out:
nakabisado lang din talaga pasikot-sikot
nagsawa lang din sa sistema na paikot-ikot
ngayon palibot-libot, di na nag-aalala
patunay lang meron na talagang napapala

#omarbaliw #landed
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Yes i waiting lagi sa mga bagong mong kanta na pampamulat at pampagana sa bawat pag dedeliver ko bilang GrabFood Rider solid mga linyahan mo sir omar! 🔥💯💪

justdongittv
Автор

Lakas talaga maka motivate ng kanta mo.. Palibasa hango sa totoong buhay... Hindi tulad ng iba na gawa gawa lang istorya... More inspirational lyrics ☝️😎👌

papadorztv
Автор

Pure 🔥🔥🔥💯 Nakakakilabot to noy " isang noodles hati kaming tatlong magkakapatid, tapos si mama tubig lang sa gutom nya papatid. Di na yan mararanasan ng aking mga anak." Lalo nat danas din nang karamihan, salamat sa musika mo noy.

christianreyes
Автор

Salamat palagi sa inspirasyon Boss Omar ikaw lang talaga gamot pag nawawalan na ako ng gana
Salamat sa musika mo bless up ☝️

Yung dating piso lng ngayon dolyar na boss dahil sa kwento mo inaplay ko sa laban ko salamat 🙏

goodvibes
Автор

My number 1 idol pgdting sa mga narating sa buhay! Buhay na saksi!!! Kaya ikw ung tlgng inspiration ko boss...

mikebaldemor
Автор

Grabe naalala ko tuloy ung 2 itlog (iniscramble hati kaming 4 na magkakapatid) - Si mama nasa majungan - susugal ng walang pera buti sinuwerte takbo agad ng bigas at talbos at Sardinas - Hapunan. Sisikapin kong di na bumalik dun. Salamat sa pagpapa alala Sir Omar, Malayo na pero malayo padin.

harrifiwariza
Автор

Smh only few showed love to Rhyne! Solid nanamang obra ni Sir Omar ✨ solid din si Sir Rhyne ✨🎶 tamang timpla nanaman na kanta ☝️

fritzvergara
Автор

"May sagot na sa tanong kong anong napala"

Damn. patunay lang na kailangan mong galingan sa araw araw na nangangarap ka pag mamahal at tiwala sa sarili gamit ang salitang pangarap. mabuhay ka idol. Yes I. 💯

naharannajih
Автор

Kahit maraming problemang dumarating tuloy lang kuya omar b pagsubok lang yan na palaging nilalampasan maraming hamon pa ang darating kaya kapit humapit hanggang mag bunga Yes i 🫡💚🙌 Naniniwala ako sayo na kayang lampasan lahat ng problemang dumating kahit ano pa man yan

elmergaad
Автор

sarap humead bang sa tugtog na to damang dama! dahil hango sa tunay na buhay. walang kayabangan, kwentong buhay lang. YES I!!!! 💯❤️

aldwintuazon
Автор

Bangis talaga ni omar b yes i tamang kalmado nanaman ako habang gumagawa ng gawaing bahay nakakapag bigay ng enerhiya sakin the best pag nakaramdam na ako ng pagod makikinig lang ako ng kanta mo tapos banat ulit walang titigil salamat sa inspirasyon boss omar ilove you

jenvidad
Автор

sabayan pa ng pamatay na boses ni sir Rhyne 💯

rtboysofficial.
Автор

This gives me such a motivation to strive and risk to make mistake then comeback stronger. I'm one of your fan Mr. Omar. 💯

JCe
Автор

Para sa pamilya, Kahit butas ng karayom papasukin 💯💯💯💯💯💯💯💯💯💯

photopilya
Автор

DESERVE MO LAHAT KUYS! DURING YA FLIPTOP DAYS HANGGANG SA NANAHIMIK KA SA LIKOD NG LENTE. DI KO MAN GANUN NASUBAYBAYAN YUNG GRIND MO THROUGH SOCMED, BILIB NA BILIB AKO SA MGA PAYO MO SA KANTA. ALWAYS KEEP SAFE KUYS. GODBLESS PO!

jverpascual
Автор

Iba talaga gumawa ng music si Omar Baliw...laging may sense

godjihyo
Автор

kahit paulut ulit tema mo mar hindi nakakasawa kase puro tlagang karanasan mo nilalaman!

wizkeymusic
Автор

Omar b isa ka sa pampagana ko sa review maraming salamat sa mga kanta mo nag bubunga na mga pinag hirapan ko☝🏻🫶🏻

brentalpreytopang
Автор

Salamat idol Omar at Rhyne sa musika!! 💙💙💙🔥🔥🔥

OutsideTheBox
Автор

Lakas tlga mag lyrics kumbaga wla nang halong ek ek derecha mensahe sa tao. Salute tlga sa music mo💯🔥🙏💪

In.my.VEINS.