'The Greatest Death Toll in a Game Show' - (The Wowowee Stampede of 2006)

preview_player
Показать описание
The Greatest Death Toll in a Game Show , ganyan i-describe ang wowowee stampede o kilala rin bilang ultra stampede na naging dahilan ng pagkamatay ng 74 mga Pilipino.

Paano kaya nangyare na ang isang game show ang dapat sisihin sa kagimbal gimbal na pangyayaring ito? Ngayong gabi ay pupunuin ko ang inyong isip ng kaalamantunkol dito.

Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Noong 1948, nag-babala sa Pilipinas si Mama Mary ... (The Lipa Apparitions)

ClaroTheIII
Автор

Share ko lang, Grade 6 ako noon. Narinig ko na pupunta si Papa para magtinda ng ice-drop/ice cream. Siyempre nandoon narin yung hope na makasali siya sa Game show ng Wowowee. Nung nandoon na si papa marami na daw talagang tao, yung iba doon na natulog ng ilang araw; wala din kain yung iba. Nung malapit na maubos yung tinda ni papa ko halos nakipagsiksikan din siya para lang makapasok. Wala na daw crowd control noon kasi labo-labo na ang mga tao. May batang bumili ng huling ng ice-drop ni papa, tapos P500 yung pera niya, dahil naubos yung barya ni papa sa kakasukli sa iba, nag decide siya magpa-palit kasama yung bata at yung kapatid na babae na medyo may edad na. Kasi kaya naman sinama ni papa, baka 'di niya mabigay ang sukli sa dami ng tao. Nung nasa bandang gilid na sila, sabay nagtakbuhan yung mga tao kung saan sila galing at doon narin nagsimula ang trahedya kung saan maraming natapakan at namatay. Kaya salamat sa isang batang bumili ng huling ice-drop ni papa, sinagip mo yung buhay niya sa totoo lang at syempre ginamit din si papa ko para maligtas kayong magkapatid. Buti nalang ₱500 ang pera nyo at kailangan pabaryahan. Salamat talaga hanggang ngayon naalala parin yon ni papa ko.❤

Jdms.
Автор

"Ang akala natin pag mahirap, tamad lang... ang akala natin wala nang balak sa buhay, pero yung totoo wala lang silang kawala sa sitwasyon, " thank you for using your wide platform in a very impactful way. Hindi mahihirap ang totoong kalaban <3


Ang totoong accountable ay ang sistemang walang epektibong pag usad para sa mahihirap. At syempre pati narin yung mga taong nag kulang sa pag hahanda ng nasabing event.

lenardgervacio
Автор

I was here with my younger brother, my mother and my Auntie. 9 years old pa lang Ako Nyan, then Yung kapatid ko 7 years old. Pumunta kami Dito para magtinda Ng Sandwich at tubig sa mga taong nakapila and after sana magtinda makapasok sa loob. Buti na lang nasa labas pa kami, dahil Hindi pa kami makapasok sa loob dahil nga sa sobrang Dami Ng tao. Then I remembered, nagkakagulo na Yung tao, nagtatakbuhan na, may Isang restaurant na nagbukas Ng pinto para makapasok kami ni mama sa loob. Para di kami matangay Ng mga tao.

micahdehitta-tvhh
Автор

Isa rin ako sa Fan ng wowowee noong bata ako dahil maraming natutulungan si kuya will, at sobrang nakakalungkot yung nangyaring stampede at 1 sa kapitbahay namin ang namatay doon, sa ngayon maganda na ang buhay ng pamilya ng biktima hindi naman sila na pabayaan ng programa noong nangyari ang insidente, ang mga anak ng biktima ay mga professional na ang nakakalungkot lang ay Hindi naabutan ng kanilang ina ang tagumpay nila.. 🥺

pitchy-pitch
Автор

Love how you tell stories. Parang natural lang, direct to the point and 'di arrogant pakinggan

Deejay_Jacky
Автор

the Ultra Stampede was the most eye-opening moment in Philippine game show history bcus there were A LOT of mishaps in terms of the management and lack of crowd control. sobrang tragic ang pangyayari.

buzzy
Автор

9 years old Ako Nyan nang nagyare Yan . Naapak apakan Ako Jan . Buti nalang talaga Hindi kame nauna sa harapan dahil dalwang beses nasiraan ung sinakyan Namin . Talaga salamt Kay lord dahil ligtas kame ☺️

jayceegrimaldo
Автор

I remember nung bata ako, muntik kami sumama sa mga kabaranggay namin na pupunta sa event na yan. Thank God may pasok ako nun and di ako pwedeng umabsent. And buti nlng din di nakapasok yung mga kabaranggay namin kasi sobrang layo na nila sa entrance. Grabeng trahedya yan.

ampedablablabla
Автор

UP NEXT: The Tragic Love Story of Rico Yan and Claudine

ClaroTheIII
Автор

Still fresh in my mind.
1st yr. High school ako nito. Nakita ko sa balita iyak ng iyak yung tatlong babaeng host.

BZZha
Автор

Naalala ko to grade 6 ako. Manonood kami sa TV ng anniversary nila since favorite show ng magulang ko to at sakto sabado, walang pasok sa school at si papa wala ring pasok sa trabaho. Biglang balita yung stampede grabe ang tindi. Yung footage nung mga tao at survivors kitang kita mo sa kanila yung hirap at sakit, lalo yung mga namatayan. Iba yung impact neto noon kasi parang nagkaroon na rin ng lamat yung Wowowee after nung stampede. Dito rin nagsimula mag higpit yung mga organizers sa mga live shows para di na maulit yung gantong stampede.

nicksamp
Автор

We appreciate how well you've articulated your insights. Keep doing your best.

sophiaisabelle
Автор

Pinsan ng papa ko isa sa survivor.. umakyat sya sa pader to survive. According to him nakikita na nya na sa super dami ng tao eh parang umuuga na yung pader, kaya umakyat sya agad sa poste malapit sa kanya.. bago pa magtulakan nasa taas na sya ng poste kaya hindi sya nasama sa stampede. Nakita nya lahat mula sa taas.. naaawa sya pero wala din siyang magawa 😢

daniella
Автор

In my 22 yrs of living. Ngayon ko lang nalaman ‘to! (4yrs old me that time) who’s with me?

shinhye
Автор

One of the people who died that day was my bf's mother, and his sister was among those who were injured. It's very sad. Until now, my boyfriend still misses his mother, because he was still young when he lost his mother.😢😢

mikanakahara
Автор

Maybe it's because INUNDERESTIMATE nila ang hunger ng filipino's for chances/oppurtunities kuya Claro. For the families na nawalan, they will forever carry the pain. May God give them the strength to carry on. God Bless everyone. 😔

boomerin
Автор

Pumunta Mama ko jan and sobra kaming iyak sa sobrang kaba while watching sa news thinking na napahamak rin si Mama jan.

cardinoyan
Автор

Im 27 years old pero ngayon ko lang nalaman na may ganto palang nangyari before. Thank you, Claro

capri
Автор

Grabe sayo ko lang to nalaman kuya Claro, 6 na taong gulang palang ako neto pero di ko alam na nangyari pala tong trahedya na to sa isa sa pinakasikat na gameshow noon 🥺😢maraming salamat sayo kuya Claro the III sa pag ungkat at pagshare ng balitang ito. Magaganda po ang content niyo puno ng kaalaman na magagamit para sa kamalayan naming mga manonood. Pakikiramay para sa mga pamilya ng mga nasawi sa nabanggit na trahedya 🙏

Autumn-mutk