KMJS July 21, 2024 Full Episode | Kapuso Mo, Jessica Soho

preview_player
Показать описание
Babala: Maselan ang video na inyong mapapanood.
Magkapatid mula Pampanga, namatay matapos ma-trap sa loob ng sasakyan! Humanda nang mangasim sa samu’t saring luto sahog ang kamias! 10-anyos na batang lalaki mula Baras, Rizal, nangunguha ng kangkong para may pambili ng gamit sa eskuwela at makatulong sakanyang pamilya. Pustahan sa karera ng tao at kalapati sa Gapan, Nueva Ecija, umaabot ng libu-libong piso!

Samantala, ilegal na bentahan ng kidney, tila naging organisado raw?! Ilang mga Pinoy, nakapagbenta ng kidney sa halagang P200,000?! Ang kidney for sale sa Pilipinas, iimbestigahan ni Jessica Soho at babae mula Cotabato, kinidnap diumano at isinakay
sa isang itim na van! Siya nga ba ang natagpuang palutang-lutang na bangkay kamakailan sa Maguindanao? Panoorin ang video. #GMAPublicAffairs #GMANetwork

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

GMA Network upholds ethical standards of fairness, objectivity, accuracy, transparency, balance, and independence.

Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang. #GMAPublicAffairs #KapusoStream #GMANetwork


Connect with us on:
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Hindi man lang hinanap ng Nanay, mga anak ko nga di ko mahayaan ng matagal sa labas, pinaglalaro ko pero sinisilip ko mayat maya kasi hindi ako mapakali..juskooo namang Nanay ito.

chararat
Автор

grabe yun nanay dalawang araw ng wala yun anak hindi man lang inaaalam yun nga lang isang oras mawala yun mga bata aligaga kana pero siya hindi man lang naalarma.

MannyDelvalle-irqp
Автор

Family planing is really important mahal kong pinas. Sana matutukan ng local government ang mga pamilya na lacking sa information to control pregnancy. Give more education to know more about contraception. Even Western countries na nakakaangat they control it tayo pa ba. Mahirap man Aminin ngunit kamangmangan ay malaking dahilan ng kahirapan pilipinas.

roxyquita
Автор

nakakatuwa naman panoorin yong mga binata na nag karera ng takbuhan, mas gusto ko ito kaysa sa mga nag aadik at nanggugulo sa mga kalsada. malay mo madiskober pa sila at maging tunay na atleta. watching from abudhabi

maritessabuero
Автор

Kawawa naman yong mga bata.😢😢😢Mga ganyang edad kailangan talaga bantayan, Mga parents huwag masyadong kampanta na hinahayaan na maglaro ang mga bata sa ganyang edad na walang matanda na nakabantay.😢

Enail
Автор

Pasingtabi na pon pero ang isa sa my kasalanan talaga is mga magulang, kahit BC pa kayo alam nyo naman na mga bata pa eh doble ingat talaga dapat

kathblardony
Автор

di nmn sa pambabash sa nanay pero dba dapat ..nanay ka khit ilang oras lang mawala anak mo.hahanapin mo tlga un kc sympre nandon ung pag alala kung napaanu pero umabot dalawang araw iniisip mo nasa tatay lng pero di ka sure pwde ba un ganun 😢😢😢😢😢😢

Genevieveintes
Автор

Ang batang itong magkakangkong nkikita ko sarili ko 9 yrs old ko noon tumutulong sa nanay ko mgkuha ng kangkong 😢till ntpos ko college ko as wrking student awa ng dyos hindi mn ko yumaman pero naging comfortable buhay ko at nptayuan ko ng bahay ang nanay ko🙏

Sumcci
Автор

Ito ang masakit😢😢😢😢, dalawang araw ng wala ang anak nyo, hindi nyo man lang naisipang magtanong sa bawat isa saenyo na makumpirma kung ang anak mo ay nasa ex husband mo ??..grabeh...

Mia-Marie-ijwy
Автор

Kmjs sana maikot nio po lahat mga mhihirap kc minsan dhil sa inio kya lng cla napapansin ng mga lgu ntin I 😢😅salamat po mam jesica soho 🙏🙋😅😅

marilousimporios
Автор

Si Lawrence grabe ❤ . Dinaig nya pa ang anak Kong 15 yrs old . Na Hindi makaintindi sa sitwasyon Ng pamilya . Sya 10 Lang pero ang lawak Ng utak nya . Mahirap din Kami at ako noon 14 yrs old nung magsimulang magtrabaho kasabay Ng pagaaral KO Ng hs . Di man ako nakatapos, nakatulong naman ako sa mama KO . Sana makatapos Ka Lawrence . Di natutulog ang DIYOS . magdasal Ka palagi

lnkzwev
Автор

pabayang magulang walang karapatan maging magulang...kme nga 8 magkapatid kahit kelan hindi kme pinapabayaan ng magulang nmen ..laging tutok ang mga mata nila sa amin .😊😊

jwqpgog
Автор

Sa mga mag-asawa kung hndi pah kayo financial stable wag muna mag-anak, dapat nga walang karapatang mag-anak kung walang maipakain eh, dahil kawawa mga bata in the future pag ang mga magulang nila ay mga inu-til!

daniii_
Автор

dapat ganito ang sinusuportahan nating mga nagtitinda ng gulay..isang bundle 20 tapos pagdating ng palengke 60 ang benta tapos mabibilang mo lang yung isang tali sa halagang 20 pesos😢😢😢

jenscaptured
Автор

Grabe nkakaiyak nangyare sa dalawang magkapatid, ksalanan ng nanay halatang pinababayaan ang mga anak, desserve magdusa habang buhay! Ako nga kht saglit diko hinahayaang mawala sa paningin ko ang anak ko kht mahrap importante alam ko lagi sya ligtas, tsk tsk pabaya.

alexcastro
Автор

Grabe naman ung nanai sa dalwang bata kung naglaba ka dapat hindi mo hayaan na hindi marinig o makita ang mga bata habang naglalaro

melodymalinao
Автор

May ksalanan din ang mga magulang. Tpos ung mga anak ang nagsa suffer sa kahirapan. Nagdagdag pa ng anak khit hirap na hirap n sa buhay.

marinelherman
Автор

Natutuwa ako sa mga bata na masisipag walang gadgets ito kasi ang reality nang buhay ok lang maranasan nila ang hirap kasi masarap parin balekan kung pagdating ng panahon aahon ka sa hirap kasi may testimony ka na mabahagi mo rin sa iba at maging inspirasyon. Laban lang toy kasi hindi araw2 or habang buhay nasa kangkongan ka sikap at tyaga at pananalig sa Panginoon❤❤❤

arlenefrejoles
Автор

Sakit sa puso😢😢 Sana lahat ng bata ma enjoy ang pagka bata KC minsan lang sa buhay ng bata maging bata😢😢😢

rhenamaedetsosa
Автор

Ganito Yun sinasabi ko sa anak ko, na maswerte siya Kasi Wala kami sa sitwasyong ganito, at dapat ay gawin niyang inspiration Yun kwentong ganito na kahit gaano kahirap Ang buhay wag siyang susuko kasi ito ngang bata Puno Ng pangarap at pag sisikap kahit ganun kahirap Ang kalagayan nila .. 🥺

marjoriedeperalta