Murang DIY veneers na mabibili online, ligtas nga bang gamitin? | Pinoy MD

preview_player
Показать описание
Aired (September 30, 2023): Sa halagang Php 100-200, puwedeng puwede ka na raw magkaroon ng instant false teeth! Pero ligtas nga ba itong gamitin? Panoorin ang video na ito.

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

GMA Network upholds ethical standards of fairness, objectivity, accuracy, transparency, balance, and independence.

Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang. #GMAPublicAffairs #KapusoStream


Connect with us on:
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Ang healthy teeth ay hindi puting puti kundi medyo yellowish.

pepperppepperoni
Автор

pag walang budget..hanap kayo ng student sa CEU doon libre pati pmasahe nyo(like what i did)libre pustiso or fixedbrigdes.. matagal ndin akong nagdenture khit 2lng bungi ko...kaya kinabitan nila aq ng fixedbridge..worth it nmn ang pabalik balik, nag improve din ang pagkagat ko ng pagkain....

erminsta.barbara
Автор

Normal sasabihin talaga nang dentist na delikado yan. Kasi pag sinabi nilang ok yan. Edi wala ma silang kikitain.

MarkJingLanciola
Автор

Sabi nga ng mekaniko ko. Gustong gusto niya ang mga customer na nagdi-DIY, kasi pag palpak gawa mas mahal masisingil niya hehe.

attheendofthedayx
Автор

Kung ako tatanungin, hindi ko masisisi si Ate kung naglagay siya ng DIY veneers kasi wala pa siyang budget para sa ngipin niya. Saka doon bumabalik 'yong kumpiyansa niya sa sarili niya ee kahit paano..

Pero ngayon, sana 'yong iba na nawawalan na ng kumpiyansa sa sarili dahil sa ngipin ay huwag na po kayo mag DIY veneers. Kasi kung maiimpeksyon ay mas malala pa...

ProbinsyanaKatherinesVlog
Автор

Dati d ako nag papdentist pero nung nag decide n ko mag pa brace dun ko na realize worth it mag invest sa dental health

rhynelcahilig
Автор

Ako nga pito ipin ko dinidikit ko gamit nung item ni ate basta sanay ka lng low budget at wlang arti 😅 lahat nmn tyo kukunin ng diyos huwag mag alala parati manalangin ng taos puso

aayutube
Автор

Papaano Hindi gagamit ng DIY Veneer ang tao at papaano magpapadentista ang mga tao unang-una wala ka naman pera at kapus na kapus ka naman sa budget talagang ang tanging ang mga mayayaman o ang mga mapepera lang ang nakakapagdentista syempre unang-una mahal kapus na kapus kulang na kulang kapus na kapus sa budget o sa pera kaya ang mga mahihirap kawawa bukod sa kawawa nakakaawa!!!😢😢😢😢

RomeromaInenglishHandsome-cx
Автор

Dapat kase sa atin may dental insurance at care credit card pra hindi masakit sa bulsa. Pag may care credit monthly ang bayad, hindi katulad sa atin, cash agad ang bayad.

TS-gksm
Автор

Hayyys sobrang mahal pala magpaayos ng ngipin😢
kaya kaming mahihirap pag nabungi, di na maipaayos ang mga ngipin.

MashecaChamikase
Автор

Mag ipon nalang ng pang dentist para sure. Kesa dyan nkamura ka nga sa ngaun pero ang effect nyan pag tagal baka lalo ka pa mpagastos ng mas mahal.

sofiarosetv
Автор

Mahal tlga mag paayos ng ngipin ako nga gumastos ng 45k para lng magpaganda ng ngipin pero worth it naman (Syrian ang dentista ko napakahusay)😊❤sulit ang bayad ko sa knya 😊😊

joanmaggay
Автор

TO BE HONEST NALULIGI NA YUNG MGA DENTISTA .. EEH GUSTO NI ATE YUNG AFFORD LNG EEH.. ANO BA MAGAGAWA NIYO BUTI KUNG ILIBRE NIYO LANG SANA.. MAICONTENT LANG NOH ?

peteriancalim
Автор

mahal po tlaga magpa dentist kasi mahal din mga gamit nila.. Yung price sa Pinas halos parehas lang din sa Thailand. Yung iba pa umaabot sa kalahating milyon para lang magpa full mouth rehab.

Anyway, sana inisponsoran man lang ng program si ate sa pagpapa Root Canal lalo nat may abscess na, pag napabayaan another bunot na naman 🙁

Rebyataaa
Автор

Sa nga ngaun pang mayaman na ang pagpunta sa dentist kung ordinaryong tao ka lng d pupunta sa mahal ng singgil nila Kya dapat mag provide ang government natin ng public dentist para d lang mayayaman ang gumanda ang mga ngipin, ang problem Meron nga Tau dental clinic sa mga brgy. Kya lng bunot lng talaga ang cniserve nila sana lahat ng procedure about sa ipin Meron dapat para maka afford nman kahit mahirap

andyvalentin
Автор

Siniraan ang diy para matakot mga nagdiy hehehehe, ...nice video hehehe

kalamigtv
Автор

Sinasabi nila bawal Kasi The fact nangangamba sila or Mawalan sila Ng costumer

ABDULNASSERSENDAD
Автор

Liitan nyo presyo ng mga pustiso dahil di nyo mababawi ang nagastos nyo sa medicine kung 1 or 2 sa isang month lang o walang pasyente. Alam mo yong kahit maliit ang presyo pero kung marami pasyente mo eh malaki din ang kita mo kasi madami pasyente dahil sa presyo maliit mababawi mo pinang dentistry mo

mhtxi
Автор

Ang mahal kc lalo na ang mag pabunot lang grabw ang mahal

arnellumba
Автор

Kakabili kolang nyan, tapos gamit kona now,

summsum