Mhot - Yaman (Official Audio)

preview_player
Показать описание

“Yaman”, official track from “Panalo Kasa” album

Written and performed by Mhot

Beat produced by Yxvngvince, Straight Hustle Music

Mixed by Nig, Makatahanan Record

Mastered by Ryan M. Armamento
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

[INTRO/REFRAIN]
Sa'n man ako paroon, anumang pasalubong pa
Na hamon sa alon ng buhay at kabanatang kasunod, yah
Binabalikan ang mga naranasan noong ako'y salat at gutom
Mga kahinaang nagpapalabas din ng aking lakas ng loob

[HOOK]
May ilang mananatili, dami ring mawawala
Gugunitain anumang maitatala
'Di man dumating ang bawat sana-nanana
Yaman ay mas makikita sa pagpapahalaga

Mas nakilala ang sarili nung minsang walang wala
Aanhin ang nakamit kung tila 'di raw masaya
Sa malaki o maliit na gantimpala-lalala
Yaman ay mas makikita sa pagpapahalaga

[VERSE I]
Buhay ay walang tigil na pakikipagsapalaran
Buhat din ng pag-ibig kung ba't sumisiglang galawan
Sa t'wing nabibigatan, parang hindi na makatagal
Mga ngiti ng minamahal, napakabisang pampagaan

Nung una wala pang muwang, naduduwag, hinahatid sa eskwela
'Di nagtagal, sa kakulitan, ang dami na ring pumeklat
Buti na lang, sa kabila man ng pagiging kulelat
Ako pa rin ang pinakamahusay sa paningin ni Ermat

Kaya salamat po sa bawat pangaral mo
Madalas mang magkasala dala ng masamang asal ko
Sa pagtatama at pagbabawal, napaka-angas pa ng pag-angal ko
Samantalang wala kang sawang nagpapatawad na may kasamang pagwawasto

[BRIDGE]
Kahapong pinaglipasan
Parte ng kung sino ka kinabukasan
Mas mababatid mo ang 'di inakalang
Mararating kung titingin ka sa pinagmulan at
mga pinagdaanan

[HOOK]
May ilang mananatili, dami ring mawawala
Gugunitain anumang maitatala
'Di man dumating ang bawat sana-nanana
Yaman ay mas makikita sa pagpapahalaga

Mas nakilala ang sarili nung minsang walang wala
Aanhin ang nakamit kung tila 'di raw masaya
Sa malaki o maliit na gantimpala-lalala
Yaman ay mas makikita sa pagpapahalaga

[VERSE II]
Sa inay ng aking ina, mga tiyahin at maliligalig na kapatid
Mga pinsanin na kasabayang nagsi-laki at kahiraman ng damit
Mga kaybigan na malapit, minsan nang nagawi sa mali
Muntik madakip ngunit buti na lang may tino pa ring nakatapik

Sa kasintahang pakikisama't pag-intindi ang palaging hatid
Sa kasunduan kong nasisira, kinikimkim lang ang hinanakit
'Di ko tinitignan na disgrasya aming naging napa-agang paslit
Kundi biyaya upang ang aking pagiging pariwara'y masagip

Kaya pinilit na maitawid, sa tiis man ay kapit na kapit
Nagbukas-palad bawat kaanak, may malasakit na kalakip
Alam ko ring anuman ang aking pagbawing gawin para maibalik
'Di na masusuklian ang pagmamahal na walang hininging kapalit

[BRIDGE]
Daming naranasan
Tila ba antigo na makasaysayan
Mas mababatid mo ang 'di inakalang
Mararating kung titingin ka sa pinagmulan at mga pinagdaanan

[HOOK]
May ilang mananatili, dami ring mawawala
Gugunitain anumang maitatala
'Di man dumating ang bawat sana-nanana
Yaman ay mas makikita sa pagpapahalaga

Mas nakilala ang sarili nung minsang walang wala
Aanhin ang nakamit kung tila 'di raw masaya
Sa malaki o maliit na gantimpala-lalala
Yaman ay mas makikita sa pagpapahalaga

[OUTRO/REFRAIN]
Sa'n man ako paroon, anumang pasalubong pa
Na hamon sa alon ng buhay at kabanatang kasunod, yah
Binabalikan ang mga naranasan noong ako'y salat at gutom
Mga kahinaang nagpapalabas din ng aking lakas ng loob

MHOTivated
Автор

28 kahit papaano meron.

sa lahat ng mga nakikinig kay idol Mhot na mga mas bata pa kaysa sakin ang mapapayo ko lang

piliin niyo yung mga pakikisamahan niyo mahirap magkaroon ng utang na loob sa ibang tao :D

ituloy niyo lang yung nagpapasaya sa inyo habang bata pa kayo imposibleng di kayo magkakapera diyan pag dating ng tamang oras.

at pinakahuli, wala kang kailangan patunayan sa ibang tao lahat tayo ipinanganak na walang kaaway o kakampi. ang meron tayo Pamilya.

Salamat sa musika mo idol Mhot.

EscalaGaming
Автор

Ang sarap damhin ng bawat letra nitong kanta na to habang nakatulala sa isang sulok ng kwarto. Akala ko wala nang tatalo sa Ginto mo, ikaw lang din pala tatapat sa mismong obra mo. Salamat sa musika, sir!!!

joseenriquelopez
Автор

i just know ppl will discover, understand, appreciate this song when they're in their lowest of low hahahah grabe hands down sa writing style mo kuya!!

RG
Автор

Grabe ka mhot tangina sobrang sarap sa pakiramdam na may katulad mo na nakakapag bigay inspirasyon sa mga nangangarap ❤ sana marami pang ganito na maiha-in mo sa samin, maraming salamat mhot 💯

Thehood
Автор

Ito yung tipo ng kanta na para kang tinatapik sa likod pampakalma ng kaluluwa. ❤

fulromoreno
Автор

normal lang ba tumulo yung luha pag damang dama yung kanta? galing kuya thomas!❤

mramz
Автор

Tang ina nito ni mhot napakahusay talaga. Di ako nagkamali idolohin ka. Sana magtagumpay tayo lahat sa buhay. Musika ang tanging gabay naten sa mga panahong walang makaintindi saten ❤️ salute ya akoy mananatiling taga hanga mo 👊

j-eazyofficial
Автор

Di masusuklian ang pagmamahal na walang hininging kapalit 🔥🔥🔥

mantra
Автор

"Di ko tinitignan na disgrasya aming naging na pa agang paslit, kung 'di biyaya upang aking pagiging pariwara masagip"

Solid ❤🔥

jepoy
Автор

Champ ! 💯
Personal Favorite: Yaman 💯💎

jhaypimentel
Автор

Morning song with morning glory Lakas tol 🔥🔥🔥

JunielDayto
Автор

-Mas nakilala ang sarili nung minsang walang wala

Nagutom, napuyat, at nabibigo ako sa field ko pero sa mga kanta at musika mo thomas mas nagiging grateful ako sa mga bagay na meron ako maliit man o malaki, habang kinukuha ang goal mas namomotivate ako sa mga sining mo, salamat idol mhot sa talent mo napakagifted!!

leiandreilangit
Автор

lit 🔥 keep your hunger and stay motivated bruh...aim high shoot low 💪

mEtaLPitCh
Автор

Sobrang isang daang porsyentong malakas🔥 thomas!😊

akosipom_
Автор

Soliddd nanaman. Panalong panalong kasa talaga. Panalong musika ❤❤

hibang
Автор

Nung umpisa ka palang pinarinig ka sakin ng pinsan ko yung King G kapa lang kela boss cstyle at jda. Idol na agad kita utol mhot. Simula sa mga kanta mong Lilim, Huling halakhak. Solid talaga hanggang ngayon. Ikaw din nag inspira sakin para sumulat at magpatuloy pa sa larangan din na pinili ko kagaya mo

matthewvevo
Автор

Pinaka paborito kong kanta para sa aking kaarawan.

Salamat sa palaging pagbabahagi ng pagibig sa pamamagitan ng musika.

Mensahe na sinasapuso at isinasagawa. ❤️

DiomariTV
Автор

lakas talaga! si mhot talaga lakas idol ng album mo!! congrats

jeromeramos
Автор

🔥🔥🔥 sarap sa Tenga lods... Salamat sa mga gantong obra

kweenarianegwapa