DIUMANO DOPPELGANGER NG ISANG LALAKI, NA-CAUGHT ON CAM! | Kapuso Mo, Jessica Soho

preview_player
Показать описание
Aired (July 11, 2022): Ilang gabi nang ginagambala si Michael ng misteryosong kumakatok sa kanilang pinto! Hanggang kamakailan lang, kanya mismo itong nakaharap! Doppelganger nga ba talaga ito ni Michael? Para bigyang linaw ang diumano’y doppelganger, ang paranormal researcher na si Ed Caluag, nag-imbestiga! Ano ang kanyang matutuklasan? Panoorin ang video.

'Kapuso Mo, Jessica Soho' is GMA Network's highest-rating magazine show. Hosted by the country's most awarded broadcast journalist Jessica Soho, it features stories on food, urban legends, trends, and pop culture. 'KMJS' airs every Sunday, 8:40 PM on GMA Network.


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

GMA Network upholds ethical standards of fairness, objectivity, accuracy, transparency, balance, and independence.

Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang.


Connect with us on:
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

I just literally see Ed Caluag's specialty. Di ko man naexperience yung mga ganito but I believe in these things. Sa mga taong tinatawanan lang si Ed Caluag, hope you're on his level. Walang masamang maniwala.

adelynjoyrigo
Автор

Dalawang beses nangyari sa akin ito at isa lang ang nakapagpatigil sa doppelganger ko. Unang beses ay nung fourth year high school ako. Mahilig ako magbasa ng libro. Pinaka paborito ko noon si Dan Brown. Ang classroom namin ay sa fourth floor tapos ang canteen ay nasa ground floor. Isang beses, yung kaklase ko na nasa ground ay nakatanaw sa fourth floor at sigaw ng sigaw ng pangalan ko. Mula sa canteen, nilapitan ko sya. Laking gulat nya nung nakita nya ako. Sabi nya nakita nya daw ako sa fourth floor naglalakad, akong ako daw kasi parehas ng bag, sapatos, pati hairstyle. Pinagwalang bahala ko lang sabi ko baka nagjojoke lang. Pangalawang beses ay yung sumunod na taon. 1st year college ako tapos mid term exam namin. Yung bestfriend ko sabi nya nakita nya ako sa gate tapos sinundan nya daw ako dahil di nya alam ang exam room namin. Nagulat daw sya nung pagliko sa isang kanto ay bigla akong nawala. Tawag daw sya ng tawag pero di ako lumilingon kahit halos isang dipa lang ang layo. That time ay di ako nasa library ako at nagrereview. Pinagwalang bahala ko lang uli. Then isang beses, habang nag lelecture yung psychology professor namin, bigla syang tumigil sabay sabing bukas daw ang third eye ko, kamusta daw ang pananampalataya ko. That time, dahil sa kababasa ko ng libro ni Dan Brown aminado ako na kinkwestyon ko kung totoo pa ba ang Diyos. Sabi nya, magsimba daw ako dahil meron daw nakaabang sa akin na kaluluwa. Simula noon tinigil ko na ang pagbabasa ng librong yun, tapos nagsimba ako linggo linggo. Simula noon never na sya lumabas uli. Totoo ang doppelganger, kung hindi malakas ang pananampalataya mo sa Panginoon, aagawin ng Dyablo ang kaluluwa mo. Dasal lang at paniniwala na wala nang mas hihigit at lalakas kay Kristo, lulubayan ka ng mga masamang espiritu. They tremble just by saying In Jesus name.

ma.luisareyes
Автор

I’ve witnessed one myself when I was a kid. Naglalaro kaming tatlong magpipinsan ng taguan sa bahay ng lola ko. Yung structure ng house is malaking sala then sa right corner is my pintuan at hagdan paakyat sa tatlong kwarto. From sala makikita mo kung sino yung aakyat kasi mababa yung hagdan. While playing, nauna akong makita nung isa kong pinsan, nung hinahanap na namin yung isa, kitang-kita naming tumatakbo sya habang nakangiti paakyat ng hagdan. Na-boom na sya pero dumiretso parin sya sa pag akyat. Nung sinundan namin inisa-isa namin yung kwarto even cabinets binuksan namin pero wala sya, wala din sa cr. Nagkatinginan nalang kami ng pinsan ko at nagtakbuhan pababa. Nung nag ayawan na kami bumili ako ng softdrinks sa labasan, nakita ko yung pinsan naming umakyat, sabi ko sakanya “kuya bat nandito ka? ang daya mo binoom kana namin nung paakyat ka eh, pero bat wala ka sa mga kwarto? san ka nagtago?” sagot nung pinsan ko “ha? di naman ako umakyat eh. sa kusina ako nagtago. tagal nyo nga kaya lumabas nalang ako”

Ang tagal na nun pero until now di ko makalimutan 😖

kyyylala
Автор

Sana every sunday may ganitong episode with Sir Ed. Kahit na sabihin pa ng iba korny pero mas interesting mga ganitong segment..

attorneyfreelegaladvice
Автор

When there's something strange in your neighborhood. Who you gonna call? Sir Ed Caluag! Auto watch talaga ako basta si Sir Ed ang nasa video! ❤️❤️❤️

spiritseer
Автор

Ayan +1 sa views ng KMJS. Nabudol na naman✌️

tardisK
Автор

Sa lahat ng episodes with Ed Caluag ay ngayon lang ako literal na nanindig balahibo juskopo 😂😅😅

CharliesBarnachea
Автор

Doppelgangers are real. I have experienced it during my internship in the hospital somewhere in Minglanilla, Cebu. Nakita ako ng classmate ko na naglalakad ng mabilis sa hallway kaya tinawag niya ako pero hindi daw ako lumingon sa kanya. Hindi niya ako naabotan at pumasok daw ako sa last room sa hallway. Pero nung pagka pasok niya, wala daw tao dun sa loob ng room. Dun siya nataranta at bumalik sa Nurses Station to ask our classmates kong nasaan ako. Eh andun lang aku kabilang hallway, naghahanap sa nawawala kong ruler. Sobrang takot ko nun kasi daw masamang pangitain daw yun. But thanks God, wala namang nangyari saken. It all happened 20 years ago.

tviclinic
Автор

Ang mundo talaga puno ng kababalaghan..kaya may dahilan kung bakit di pwedeng mag krus ang landas ng mga buhay at patay🙏Diyos lang ang katapat ng mga yan..mataimtim na panalangin para sa kanila 🙏

larsbaquiran
Автор

This happened to my teacher also way back high school. Yung mga teacher namin nakita nilang papasok sa teachers office yung Math teacher namin. Sila po lahat na guro namin nakita sya na pumasok, tinatawag daw nila yung Math teacher namin para magkwentuhan kaso hindi daw lumilingon. Tapos nagulat silang lahat nung nakita nila yung Math teacher na kakalabas lang ng room namin. Grabe yung takot na na experience namin lahat. Known din po kasi yung school namin sa Paranormal activities.

PS: lahat po ng teacher nasa stage at that time maliban sa Math teacher namin.

CanisterA.D
Автор

This also happened to my senior during my high school days. Naglalakad siya sa likod ng building, as -in straight lang iyong way tinatawag siya nong classmate niya, ayaw lumingoon then suddenly biglang sumilip sa bintana iyong friend na tinatawag 'twag mo ko beh'. Biglang kami nashock din, na pa yawa na jud tong gatawag

yopo
Автор

There's a theory that when you see a doppleganger of someone, it could be a window to a parallel universe where that someone is also existing.

kimdumlao
Автор

I am fan of Ed Caluag... At naniniwala aq sa knyang kakayanan pgdating sa paranormal activities.. At aq dn ay naniniwala n sa mundong eto my mga mahirap ipaliwanag, hwag katakutan!manalig na my mas makapangyarihan parin sa mundong eto walang iba kundi si Panginoong Hesus

enileburolbinado
Автор

Noong di pa ako nagbabasa ng Biblia, isa ako sa mga naniniwala sa mga ganito dahil na experienced ko mga to. Unang naranasan ko to, nanay ko pa ginaya. Pumasok ako sa likod ng bahay, nakasalubong nanay ko na nanlilisik mga mata at pumasok sya sa banyo. Dumitetso ako sa sala at nagulat ako nakahiga sya at nanonood ng tv. Pangalawa naman ay ginaya yung gf ng kaibigan namin. 3 times sya ginaya at kitang kita ng dalawang mata namin. Yung pinaka last and di namin malilimutan, nakasalubong namin syang pumapalakpak ng walang sounds (tumatawag ng tryk). Akala namin nag away sila nung kaibigan namin. Na nakita din ng isang kaibigan na sa magkahiwalay na lugar pero sabay ang oras nung nakita namin. Pag dating sa bahay ng tropa ayun nakahiga at nagpapahinga sila. Maya maya na aksidente isa sa mga kaibigan namin na naka kita din sa dopple ganger. Dahil nga magsimula nagbasa ng Biblia, naniniwala na ako na ginagamit lang ng dyablo yun para linlangin tayong lahat para lumiko ng paniniwala. Na imbes na sa Diyos tayo humingi ng tulong kung kani kanino tayo lumalapit. Totoo ang Diyos at isa nako sa mga naka ranas ng kanyang milagro. Gabayan nyo po kami Panginoong Hesus at wag nawang maligaw ng landas ng dahil sa paniniwalang gawa ng dyablo.

ryannslife
Автор

I dont know pero I would like to see mr Ed Caluag kapag may ganitong topic sa KMJS

josiahb.
Автор

Ganyan din nangyari sakin noon. Off ako that day sa work then kinabukasan tinanong ako ng colleague ko kung pumasok daw ba ako kahapon, sabi ko off ako bkt? Sabi nya nakita ka nmin sa pantry kahapon, nkaupo ka lang sa may sulok. Tinatawag ka namin pero bigla kang umalis. Natakot ako bigla kc hindi un ung first time na may nagsabi sakin na nakita nga daw nila ako kung saan2. Naniniwala ako sa paranormal kasi ako man ay nakakakita at nakakaramdam din ng mga paranormal events. Nagdasal lang ko at humingi ng guidance kay Lord everyday. Sa awa ng Diyos, hindi nman na naulit pagkatapos nun.

MissBee
Автор

Sa mga nagwowork sa Progressive Laboratories dyan sa QC, for sure na experience na tong doppelganger sa second floor sa hall way, minsan sa manager's office, ginagaya ang mga staff 😶 minsan makakasalubong mo pang naglalakad 😶

johnelreiguzvant
Автор

I can still remember when I was around 6 or 7 years old, may sakit ako noon and marami akong iniinom na gamot. One day nakaramdam ako na medyo maayos yung pakiramdam ko, humingi ako pera sa papa ko kasi gusto ko ng matamis, gusto ko bumiling bubble gum. So punta ako agad sa tindahan, then nung pabalik na ako sa bahay, nakasalubong ko yung sarili ko. I saw myself, walking. Inch by inch nagkasalubong kami. Parang bumagal yung oras that time kasi I was staring at her FACE, which is also MY FACE. She had this grin, na hindi ko alam paano ko ipapaliwanag. As a child, binalewala ko lang yon. 1-2 days after that incident, lumala yung sakit ko na parang halos di na kaya ng gamot. Sabi raw ng doctor ko na kung hindi pa aayos kahit kaunti yung pakiramdam ko, kelangan ko nang iadmit sa ospital. So my family being religious, nanalangin kami and itinawag at hiningi ng lunas yung sakit ko, dahil hindi naman kami mapera that time kaya sobrang financially challenged talaga. After that, halos kinabukasan lang, bumuti na pakiramdam ko na para bang di ako madadalang ospital nakaraang araw. At sa awa ng Diyos, nagtuloy-tuloy na ang recovery ko. I lost almost 15kilos that time.

Ps. This incident dahilan bakit sensitive ako kapag doppleganger na ang usapan. May something talaga na nagbibigay sa akin ng takot kapag ganito ang topic. My family and friends know na hindi ako matatakutin na tao pero this is an exception.

krizhnavalencia
Автор

kapag may ganitong segment c Sir.Ed Caluag ang inaabangan ko dahil naniniwala aq sa kakayahan nya ..Godbless po Sir Ed❤️

kathleengomez
Автор

It happened last month, June, sa school during our last production as an intern. Late talaga ako nakakarating sa school at lunch na nung time na yon and there’s this classmate I have who asked me where have I been at ang sabi ko kakarating ko lang. She was so shocked and asked me again kasi sabi niya nakita niya daw ako sa function hall kanina, which was the venue of our prod, nakaupo daw ako at naka side view pero hindi niya kita ang mukha ko. She said she knew it was me but I swear nasa bahay pa lang ako ng mga oras na iyon. Both of us where confused pero pinagwalang bahala na lang namin yon. Fast forward, na una kami ng circle of friends ko sa function hall after eating tas sumunod yung classmate ko na iyon after a while and she said that is where exactly she was seated, pointing at where I was sitting. That scared me a bit kaya lumipat ako ng ibang upuan. Give me goosebumps whenever I remember it. Buti na lang walang masamang nangyari.

jesbautista