ToRo Family S2 EP11 'Positive'

preview_player
Показать описание
TONI FOWLER PERFUME:

#MOMMYTONIFOWLER #TONIFOWLER #TOROFAMILY #TYRONIAFOWLER #FABSKIN #BIRTHDAY

TIKTOK ACCOUNT
mommytonifowlerofficial

INSTAGRAM ACCOUNT
TONI FOWLER

TWITTER ACCOUNT
tonifowlerpo

Edited By: Editor Jhunskie
Рекомендации по теме
Комментарии
Автор

Nung nabuntis ako, hindi po ako delayed. I experienced sever dysmenorrhea. Di ko alam kung natatae ako o naiihi. First check up namin, hindi ako kinuhanan ng PT, binigyan lang ako ng gamot pamparegla. But my partner had a feeling na buntis ako. So we tried PT. First PT ay malabo pero dalawang red line then nagtry pa kami ng ilang beses. Lahat Possitive. Buti nalang hindi ko pa nainom yung gamot para sa regla. The other day, we went to different OB, and she said buntis na daw ako kahit hindi ako delayed. After 3 weeks, first Ultrasound, nakita na din namin na may laman talaga. Now my Son is turning 3 already. God is Good!

Congrats Mommy Oni and Tito Vince! 💝

AngelouHeavenSolomon
Автор

"Mabibigyan na kita ng hindi ka na aalisan, di ka na iiwan..." hits really hard... grabe ang iyak ko sa moment nyo sa banyo ni Tyronia...

PiaKhalifa
Автор

Grabe character development ni harvey, apaka kalmado niya and understanding kay papi. Saka siya talaga hindi toxic sa toro fam, marunong din siya tumanggap ng pagkakamali niya...

galactaeh
Автор

From being mag tropa to aminan ng feelings to panliligaw to lovers & now soon to be parents. Doon mo talaga marerealize na kahit madaming struggles pa ang dumaan, lahat ng bagay ay nangyayari sa tamang panahon...

Romans 8:18 —The pain that you've been feeling cannot compare to the joy that is coming
Isaiah 60:22 —When the time is right I the Lord will make it happen

Congratulations mommy Toni & tito Vince to your new bundle of joy! 🥰🎉

theempress
Автор

Yung Friendship ni Mommy Toni at ni Papi subok na subok na kahit sa pagaaway o pagiging magkasundo. Ganitong klase yung hanggang dulo sila pa rin ang magiging magkasama kahit sobrang dami pa nila maging pagsubok sa buhay😊💕 #TOROFAMILYFOREVER

JonalynTRamirez
Автор

Congrats po mommy oni ❤ subrang happy ko po para sa inyu kasi sa naka subaybay po ako sa mga inuupload mong videos dito matagal tagal nyo na rin po pinangarap magkaroon ng babby tayroon, alagaan nyo po sarili nyo po at stop na po kayu sa pag pupuyat hwag masyadong stressin ang sarili, sobrang pasalamat ko rin po dahil sa video nyo po di ko rin po malalaman na buntis na din po ako kasi nung pinapanuod ko pa po ito at nailabas na buntis na kayu bigla na lmg din pumasok sa isipan ko po what if e try ko rin 😅 wla lang gusto ko na rin kasi magkaroon ng baby, nung dati kasi nag PT ako negative medyo masakit kasi nag expect ako pero ngayun nung sinubukan ko ulit hindi po agad nag sink in sa isipan ko nag positive po ako, nag try ulit ako positive pa rin kaya subrang saya ko po kasi my binigay talaga si lord na perfect time po para dito at salamat din po sa inyu naka bigay po kayu ng insipirasyon po sa akin.. Kaya congratulations to both of us mommy oni 🥰❤

michmenguito
Автор

Eto na ang pinaka-favorite kong episode ng toro fam!!! grabeee iniiyakan mo lang nung nakaraan ngayon binigay na sainyo🥺😍 buti nalang talaga nagbigay pa ng last chance si oni bago sya bumalik ulit sa pag inom ng pills!!! iba talaga pag si Lord na ang gumawa ng paraan ❤❤ Congratssss Mommy oni and Dadeh 🎉❤❤

michaellaintal-bernabe
Автор

Napaka priceless ng naging reaction ni Tito vince Nakakainggit kase naalala ko nong Nabuntis ako hindi kase ganyan yong naging reaction ng Asawa ko parang "Ah okay, Buntis ka" parang alam mo yon balewala lang sakanya pero sayo parang yon na yong pinaka masayang nangyari sa buhay mo kaya Napakaswerte ni Mammy oni kay tito vince kase hindi lahat ng lalaki ganyan na gagawin lahat mapasaya kalang Congratulation Mammy oni ang Tito vince more baby's to come❤❤❤❤ Love you po

Wattpadrecommendation
Автор

Wag ka ma stress oni, sabi ng dra. mo it’s too early to tell pero meron na yan need time lang para mag form ang baby kaya kahit ultrasound at trans V. Hindi pa sya makita then yung lining ng matress mo is kumakapal it means nagreready na yung matress mo. Nag pe-prepare na para sa baby.. Ganyan din nangyari sakin unang positive pa lng nagpa check up na ako then wala din makita kasi sobrang aga pa daw pero sabi ng OBGYNE kumakapal ang matress ko it takes time daw para mag form ang baby kaya after a month bumalik ako then yun nakita na sya.. don’t stress mommy oni take care of yourself for your upcoming baby ❤️☺️

AdreaOrtega
Автор

I cried while watching the whole time ng pag annouce ni Ms. Toni na she’s pregnant. I’m so emotional super genuine ng reaction din ni Tyronia. Ramdam na ramdam ko ung pakiramdam na super tagal nya inantay na mabuntis, siguro kaya hindi pa binibigay ni Lord sayo noon kasi alam nyang nasa maling lalake kapa, pero sobrang galing talaga ni Lord kasi binigay ni Lord sa tamang panahon, tamang tao, tamang lugar. I’m so happy for you Mommy Oni. Super deserve mo ang magkaron ng second baby. Congrats on your growing Family. Ingatan mo po palagi ang sarili mo and don’t stress yourself . Crying while watching this video and typing this. God Bless you always 🥹🫶🏻

Akiboldog
Автор

Everything happens for a reason and at a perfect time. Ung ngyaring pagunload ng responsibilities ni toni, pglet go sa mga taong pabigat, pagbalik ni mikay, paghiwalay ng team hapi, all are preparation sa pgbubuntis ni toni and pagbuo ng new family with vince❤ perfect🎉

lovemimi
Автор

when the time is right, I, the Lord will make it happen. Isaiah 60:22. Congratulations!!

jcassandraunplugged
Автор

CONGRATULATIONS MOMMY ONI🎉🥳Don’t be stressed same with me last year nag positive ako sa pt pero first scan wala parin nakita but luckily after 2weeks meron nadin😇♥️ pray lang ng pray and stay safe!🥰🙏😇 goodluck sa pregnancy journey♥️♥️

kazelyngenon
Автор

Ang cute ng mag Ina, 🎉🎉🎉congratulations my baby #2 na ❤❤❤

cap
Автор

Nice one papi nag matured na talaga siya and narealize niya na kahit anong away nila ni oni sila pa din ang magkakampi sa huli❤love you ate papi

arievaVndvl
Автор

Tito Vince yung pinaka may genuine na puso sa buong Toro fam! Nakakaiyak ♥️😭😭

anjjsimbulan
Автор

naiyak akoooo sobrang genuine ng reaction nilang mag ina nung nagpositive padinnn, pregnant din here sarap sa feeling 🥺🥺🥺😭

ivysantelices
Автор

pag bitin sa mga episode tapos matagal pa ulit mag sabado ETO TALAGA BINABALIKANG KONG EPISODE SA LAHAT 😢😢😢❤❤❤

AamirSubalisid
Автор

Sobrang nakakatuwa yung balita Oni and Vince congratulations sainyo! Tumayo balahibo ko sa part nung unang test ni Oni. Naiyak na ako nung binalita ni Oni kay Tyronia. Hanggang dulo yung luha ko hindi tumitigil sa tuwa. Talagang ibibigay ni Lord sa tamang panahon.❤️❤️❤️

Hindi naging madali para sainyo maachieve ang pagbubuntis. At maslalong hindi magiging madali ang mga susunod na buwan. Pero please alagaan niyo ang isa’t isa lalo na si Toni. Praying for a healthy pagbubuntis. Mahal kayo ng buong universe.❤️❤️❤️

genz-zd
Автор

Can't wait to see your second child grow up mommy oni!!, I'm your silent supporter since nung maliit pa po si tyronia and I'm so happy kasi nasusubaybayan ko po yung paglaki niya, nung 2020 ko pa po pinapanood yung mga vid nyo po. And now, masusubaybayan ko nanaman po yung pangalawa nyo pong anak❤️❤️❤️ congrats mommy oni!!❤️❤️

blackpink_jisooyah_